Chapter Eleven

17 6 1
                                    


Pagkapasok namin ay nakita ko sina Tracy at Chesca na nag-aayos ng flowers para sa mga table. Inayos na raw ito nung nakaraan pero may nahalo daw atang hindi na fresh na bulaklak kaya yung iba ay bulok na. Nagsabi agad sila Joanna kay Chesca nang makita iyon kaya nakapagdala sila ng bulaklak.


"Magkasabay ah?" asar na bulong sa akin ni Tracy bago bumeso. Bumati lang si Alex sa kanila.


"Asan yung kambal?" tanong ko sa kanila.


"Tumakbo si Nikko nung nakita ka. Nakaluwa na naman daw dibdib mo, baka hindi siya makatulog mamayang gabi," natawa ako sa sinabi ni Tracy at napalingon sa katabi ko para magmalaki sana pero nakita ko siyang nagpipigil ng tawa kaya sinamaan ko siya ng tingin.


"Sinamahan naman siya ni Nicole kasi may allergy yon sa bulaklak diba?" sabi naman ni Chesca kaya napatango ako.


"Eh si Joanna? Saka si Matt?" nilingon ko yung buong lugar at hindi sila nakita doon. "Pati pala sila mama? Nakita niyo ba?"


"Parents mo ay nasa kwarto na nila, magpapahinga daw sila. 'Yung dalawa naman ay pinaghiwalay na nila pagkarating dito kaya nasa fifth floor si Joanna tapos sixth naman si Matt," sagot ni Chesca bago bumalik sa ginagawa.


"Puntahan lang namin sila ah?" tumango sila kaya sinenyasan ko si Alex na sumunod na sa akin.


Pumunta kami ng fifth floor at nakita agad namin si Joanna na gulong gulo sa buhay. Buong floor ata kinuha nila dahil may lumalabas sa mga rooms na kinakausap siya, kamag-anak niya ata. Nang makita niya ako ay agad siyang tumakbo sa amin at niyakap kami.


"Right on time! Pakilagay na lang yung gamit ni Eileen sa 510, dun 'yung room niya!" sigaw ni Joanna kay Alex habang hinahatak ako palayo sa kanya.


"Why?" tanong ko nang bitawan niya ako. "Aish! Namumula tuloy!" reklamo ko dahil sobrang higpit ng hawak niya sa akin kanina/


"Look at these!" she exclaimed.


Tinignan ko ang tinuro niya. Doon ko lang napansin na may mga kasama pala kami dito sa kwarto at pinakikita yung mga pictures na kinunan dito sa resort.


"Mamili ka kasi hindi ko na alam pinagkaiba nila sa sobrang taranta ko," sabi niya at naupo sa kama.


"Bakit ka naman kasi ganyan? Chill, jusko kailangan mo nga mag beauty rest buong araw para bukas," naiiling na sabi ko at kinausap na yung photographer.


Matapos mamili ng pictures ay tumulong na rin ako sa pag aayos ng mga gagamitin ni Joanna bukas. Dala dala ko yung silver heels niya para bukas na niregalo sa kanya ni Nicole nung bridal shower. Nilagay ko iyon sa kama dahil pipicturan yon bukas ng sama-sama.


"Huwag ka muna magpakasal, nakaka stress pala kapag malapit na. Nakakakaba!" sabi niya nang maiwan kami sa kwarto.


Ala singko na at ngayon lang ako mauupo. Mula nang makarating ako dito ay ako na pumalit kay Joanna. Inayos ko lang naman yung mga gamit niya para bukas pati na rin yung damit niya na nasa maleta pa kanina. Magtatagal pa kasi sila ng ilang araw dito para sa kamag anak nila tapos diretso sila sa Bali. Yes, sa Bali, Indonesia sila mag honeymoon kaya mahal yung binayaran ko dahil hindi ko naman sila hahayaan na sa kung anong hotel sila mag stay. Pinili ko ay sa Mulia Resort.

In the End [On-going]Where stories live. Discover now