Chapter Sixteen

18 6 0
                                    


Pagkauwi ko ay agad akong dumiretso sa couch at ibinagsak ang sarili. Hindi naman ako ganoong napagod physically pero 'yung utak ko ay feeling ko bibigay na. Pagkabalik kasi namin ng lunch ay pinagpatuloy ko 'yung ginawa ko at iniisip na matatapos ngayong araw pero ang dami talaga! Sana naman bukas eh matapos ko na. Nakaka-bored sa office ni Jake, wala 'man lang makausap kapag nagpapahinga.


I text Alex that I'm already home. Wala pang isang minuto ay tumatawag na siya kaya nasagot ko ito agad.


"How's your day? bungad niya agad kaya nginitian ko siya.



"Okay lang. Maraming reports lang na binasa," sagot ko.


"Kumain ka na? Do you have the energy to cook?" he teased.


"Nakakatamad, baka um-order na lang ako."


"Magpalit ka kaya muna? Tapos um-order ka na para makakain ka na. Anong oras na rin oh," sabi niya kaya napaisip muna ako pero sinunod ko na rin siya.


Nagpatay lang ako camera habang nagbibihis para hindi na namin ibaba pa 'yung tawag. Kinuwento ko sa kanya ang mga nangyari ngayong araw. Nakakatuwa lang na may gustong makaalam kung ano nangyari sa buong araw mo at nakikita mo talagang interesado siya sa sinasabi mo.


"Ay alam mo ba? 'Yung marketing manager, parang kilala ko siya kasi magaan loob ko pero 'di ko maalala," sabi ko at humarap sa kanya para buksan ang camera. Nakita ko ang reaksyon niya na nagtataka sa sinabi ko pero agad siyang ngumiti nang makita ako.


"Sino? Saka paano mo naman makikilala kung nito ka lang nauwi?" takang tanong niya.


"That's exactly why I find it weird. I have this feeling that I've known him for years though hindi ko talaga siya maalala," kibit balikat kong sabi.


"Him? What's his name?" I noticed the changed in his voice. Kunwari na lang ay hindi ko napansin 'yun at pinagpatuloy ang sinasabi.


"Jake.." sagot ko at kumunot noo niya. "Jake Reyes."


"Wait, it sounds familiar," pumikit siya at pilit inaalala kung saan narinig.


"Diba? Familiar eh pero tuwing iniisip ko 'yung mukha niya, hindi ko maalala na nakita ko na noon pa."


"Ahh, nevermind," he looked at me. "Um-order ka na. Sabay tayo ulit kumain, iinit ko lang 'yung sa'kin."


Tumango ako at sinunod siya. I ordered online while Alex leave his phone for a minute para mag init ng ulam niya. Nang bumalik siya sa harap ng camera ay dala na niya lahat ng kakainin niya at sakto naman ay dumating na rin order ko. Sabay kaming kumain at syempre hindi mawawala ang kwentuhan. 


Napakabilis talaga nang oras kapag masaya ka. Hindi namin namalayan na malapit na palang mag hating gabi, masyado kaming nasarapan sa pag-kukwento. 

In the End [On-going]Where stories live. Discover now