"Ako tigilan mo Nathalie ha! Pumasok ka na." Si ate iyon matapos kong magpaalam nanaman sa kaniya sa pangalawang araw.
Kasalukuyan kaming naglalakad papasok sa ospital dahil kararating palang namin ni ate mula sa bahay. Lagi naman ganito ang routine namin sasama muna ako kay ate sa ospital at dederetso sa school building namin dahil kaya namang lakarin.
"Ate last na nga eh!" Naiiyak ng sabi ko dahil mukhang hindi talaga siya papayag.
Sumimangot ako ng kumaway sa akin yung mga nurses sa ospital at ibang mga doctor.
"Anong problema bakit nakasimangot ang aming lil sis hmm?" ang baklang nurse na kaibigan ni ate habang nasa front desk sila ng ospital.
"Ayaw kasi ako payagan ni ate sa night out namin ng mga kaibigan ko mamaya eh kahapon pa kaya ako nagpaalam ang advance advance ko na nga eh." Nakasimangot na tugon ko kay ate jeya sa umaga at kuya jay sa gabi.
"Eh bakit naman pala ayaw mong payagan? Pag pinayagan mo ako pa ang magdadamit diyan!" Maarteng baling niya kay ate at kompranta.
"Ayy nako Jeya hayaan mo ako diyan sa kapatid ko. Ilang araw ng sunod sunod na inom ang ginagawa nan kasama ang mga barkada, mag aral nalang siya at hindi maganda ang painom inom." Si ate at sama ng tingin sa akin "Go na! pumasok kana at baka mahuli ka sa klase mo." Huling sabi niya bago mag tuon ng atensyon sa papel sa harapan niya at mukhang may pasyente na agad siyang pupuntahan.
Bigo akong lumabas sa ospital at nagtungo na ngalang sa klase ko.
Malapit lang ang ospital sa school dahil iisa lang naman ang may ari nito. Para na rin sa mga medical students na nagmumula sa paaralan.
I'm currently taking a BS in Nursing sa school na pinag graduate-tan din ni ate.
Sa totoo lang gusto kong mag fine arts dahil sa pag guhit talaga ako nakatuon at iyon ang passion ko. Pero dahil sa pamilyang suki ng medical course wala akong nagawa dahil iyon ang nais ng buong pamilya ko para sa lahat ng miyembro ng pamilya namin.
Noong una parang ayoko nalang mag aral dahil sa sobrang boring at hirap na hirap ako dahil hindi ko nagugustuhan ang mga ginagawa namin. Pero kalaunan natutunan ko nalang mahalin yung course na tinitake ko dahil mas lalo lang akong mahihirapan kung hindi ko pipilitin na maki pagkaibigan sa kung ano anong bagay tungkol sa mga aparato o sa loob ng ospital.
Atsaka nag i-enjoy na rin ako tuwing nasa laboratory kami at laging may mga ginagawang eksperimento.
"Good Morning Nathalie!" Nakangiting bungad agad sa akin ni Mia pagpasok na pagpasok ko sa first class ko.
Mia is my bestfriend since first year college. Parehas kami ng course na kinuha at halos magkaklase sa lahat ng subject namin. Siya din kasama ko sa lahat ng bagay mapa school man o gimik.
She's full filipina pero laking america kaya madaming alam pagdating sa mga night out or clubbing. Halos sa kaniya ko nga natutunan lahat.
"Morning." Maikiling sabi ko at ngumiti sa kaniya bago ko ibinaba ang mga gamit ko sa lamesa at umupo sa upuan ko.
Mabilis siyang umupo sa tabi ko at pumangalumbaba sa table space niya at tingin sa akin.
"So? Did ate Cindy agreed?" Tukoy niya sa ate ko habang nakangisi. Akala siguro pinayagan ako.
Umiling lang ako at nanlaki ang mga mata niya.
"Ha? Kung kailan naman last na mag iinom tayo before ending ang second semester tapos di pumayag ate mo?" Fluent na gulat na sabi ni Mia.
She's fluent of course her whole family is filipino.
"Uh-huh." Maikling sabi ko dahil nalungkot din talaga ako dahil last naman na talaga na inuman ang magaganap mamaya bago magtapos ang semester namin at bakasyon na. Malamang hindi ako papayagan lalo ng ate ko maglalabas lalo na pag walang pasok.
YOU ARE READING
Love Unknown
RomanceMedical student Nathalie consistently visits her sister, who is a doctor at the hospital owned by the school she attends. She has become acquainted with the hospital staff due to her sister, who also serves as her mentor in various medical aspects. ...