Deja vu
"You're in relationship?" Hindi makapinawalang bulong ni Rome na alam kong mangyayari.
Hindi siya makapaniwala sa mga naririnig niya sa paligid lalo na sa mga pinagsasabi ng kapatid niya.
Napalingon ako sa kaniya ng dahan-dahan at napangiti ng bahagya at tipid. Tumango ako ng marahan at nag-iwas ng tingin.
"Nice." Lumingon ako muli sa kaniya ng marinig ang boses ni Rome. Naabutan kong nakangiti ito pero halatang tipid.
Hindi na ako lumingon pa at muling uminom ng juice na bagong salin lang ulit. Maiingay ang mga kaibigan ni Rome habang parang may sariling mundo naman sila Cade at Mia. Ako naman ay nakakaramdam ng kakaibang tensyon sa pagitan namin ni Rome.
Natigil ang kasiyahan ng magkakaibigan ng bigla kaming may marinig na tunog ng telepono.
"Kanino 'yung tumatawag?" Si Dustin sa nagtatakang boses.
Kaniya-kaniya silang napalingon sa mga bag nila upang tignan kung sa kanila ba nanggagaling ang tawag.
Hindi ko binuksan ang akin dahil alam kong hindi sa akin iyon dahil wala naman akong nararamdaman na vibrate.
"Sa akin."
Napalingon kaming lahat kay Callie ng makitang tinitignan niya na ang cellphone niya. Nakita ko pa ang bahagyang pagkunot ng noo nito.
Nakita ko ang pagtakip nito sa bandang telepono niya at derekta sa bibig panigurado'y naiingayan sa paligid kaya ginawa niya 'yon‚ para marinig siya ng maayos sa kabilang linya.
Nagtatawanan ang mga tao sa paligid ko at nagsasayawan na ang iba. Si Rome ay nakikisali na rin sa biruan nila Tristan sa isang tabi. Si Cade ay nakikipag usap pa din sa kaibigan ko at paminsan minsan ay nag tatawanan. Ako naman ay hindi gaanong makaporma sa mga ito dahil sa pagbabasa ng emosyon sa muka ni Callie.
Ang pag kunot noo nito ay mas lalong naging seryoso ng magpatuloy pa sa pakikinig sa kausap.
"Yes po. Why?" Bakas sa boses ni Callie ang bahagyang panginginig.
Naramdaman ko na ang unti-unting pag tigil sa pagsasaya ng mga kaibigan namin ng marinig ang kakaibang boses ni Callie. Ako naman ay sa hindi malamang dahilan ay nakaramdam ng kaba.
Sino ang nasa telepono?
Naghintay pa kami ng mga ilang minuto bago siya muling nagpakita ng reaksyon.
Tuluyang dumagundong ang dibdib ko nang bigla ay napahawak sa lamesa si Callie na animong matutumba. Napatakip ito sa bibig gamit ang kamay at doon namin nakita ang unti-unti at tuloy-tuloy na pagpatak ng luha sa mga mata ni Callie.
"Oh God‚ this can't be real." Hindi makapaniwala ang boses nito.
Napakurap-kurap ako ng mata at tumulala sa isang tabi ng hindi ko namamalayan.
What is the call all about?
"What's wrong?" Bumalik lang ako sa ulirat ng marinig ko na ang nag-aalalang boses ni Cade na bumaling kay Callie.
Lahat kami ay nakatuon sa kaniya ang paningin.
Nakita ko ang paulit-ulit na iling ni Callie at mahihinang hikbi.
"Jill had an accident. Oh God. Her mom just called. She's dead." Callie's shuttering voice is evident.
Napatakip ako sa bibig at lahat ng mga kasama namin ay nagsinghapan.
Bakas sa mga muka namin ang gulat at hindi makapaniwalang mga muka. Hindi namin inaasahan ang balitang hatid ni Callie.
What the fuck just happened?
YOU ARE READING
Love Unknown
RomanceMedical student Nathalie consistently visits her sister, who is a doctor at the hospital owned by the school she attends. She has become acquainted with the hospital staff due to her sister, who also serves as her mentor in various medical aspects. ...