Again
Naalimpungatan ako ng ginawin ang katawan ko dahil siguro'y umaga na.
Mabigat ang katawan ko at doon ko lang naramdaman ang nakayakap na mainit na bisig sa akin.
Nakasiksik ang muka niya sa leeg ko at tulog na tulog. Naaninag ko din ang namumula niyang muka at dibdib.
Pinilit kong dahan-dahang gumalaw para maramdaman lang ang masakit na ibaba. Ayoko din naman siyang magising kaya mas lalo kong dinahan-dahan ang pag galaw.
Nakita ko sa side table ang cellphone niya kaya agad kong kinuha at tinignan kung anong oras na.
Alas tres palang ng madaling araw.
Binaba ko ang cellphone niya at muling nahiga ng ayos sa tabi ni Cairo.
Mas lalo niya akong niyakap ng maramdaman ang pag galaw ko.
"Are you cold?" Mahinang bulong niya sa akin habang nakayakap. He's husky.
"Yes." Tipid na sagot ko dahil 'yon naman ang totoo.
"Come here." Mas lalo niya akong nilapit at mas hinigpitan ang yakap sa akin na akala mo hindi pa ako sobrang lapit sa kaniya. After non mas kinumutan niya kaming dalawa ng comforter dahilan para dahan-dahan akong mainitan sa ginawa niya.
Dahan-dahang sumilay ang ngiti sa labi ko ng sumiksik ako sa dibdib niya ay bigla niyang halikan ang ulo ko bago bumalik sa pagtulog‚ tuloy ay mas lalong sumarap ang tulog ko sa pangalawang pagkakataon na katabi siya.
Nagising lang ako ng tuluyan hindi ko na katabi si Cairo. Sinubukan ko kuhain ang cellphone niya sa side table pero wala na rin yon doon.
Agad akong nakaramdam ng kaba dahil baka anong oras na at makita kami ng mga kapatid at lola niya. Pero sabi niya hapon pa naman sila uuwi.
Pinilit kong tumayo sa kinahihigaan at minabuting mag bihis kahit hindi makagalaw ng ayos.
I'm still sore at hindi ko alam kung kailan huhupa ang sakit.
Dahan-dahan din akong bumaba sa hagdan matapos magbihis. Naka pag toothbrush na ako dahil merong extra na tootbrush for guest ang cr nila at mga tuwalya. Halos nagawa ko na lahat ang morning routine ko.
Pagkababa ko agad kong tinignan ang wall clock nila at nakitang alas diez na ng umaga.
Tanghali na ako nagising. Walang liwanag ng araw ang kuwarto ni Cairo dahil sa mga kurtina na nakasabit kaya akala ko gabi padin. Kasama pa ang malamig na aircon ng kuwarto niya. Hindi niya manlang pinatay.
"Cairo." Mahinang tawag ko sa kanya at hanap ng hindi ko siya maaninaw sa kung saang sulok ng bahay nila.
Hindi ko alam kung nasaan siya pero natuwa ako ng marinig ko ang biglaang pagkahol ng aso nilang si Moshie.
"Goodmorning!!" Masayang bati ko dito at pakikipag laro.
Dinilaan nito ang kamay ko na ikinatawa ko.
"Where's your daddy?" Mahinang bulong ko kay Moshie at muli akong natawa ng tumahol ito na animo'y sinagot ako.
Tumakbo siya sa gawi ng garden nila at agad ko siyang sinundan. Doon ay nakita ko si Cairo na inaayos ang damit na pinaghubaran ko kahapon.
"Stop it! What are you doing?" Agad ko siyang nilapitan at inagaw sa kamay niya ang damit ko. Mistulang naging kamatis ang muka ko ng makitang hawak niya ang undies ko.
Nahiya ka pa Nathalie as if wala pang nangyayari sainyong dalawa.
Nakita ko ang pagtawa niya kaya tinapik ko ang braso niya para tumigil siya. Masyado akong nahihiya pero patuloy siya sa pagtawa.
YOU ARE READING
Love Unknown
RomanceMedical student Nathalie consistently visits her sister, who is a doctor at the hospital owned by the school she attends. She has become acquainted with the hospital staff due to her sister, who also serves as her mentor in various medical aspects. ...