Hurt
"Tulog pa manang?"
"Oo Cindy hija‚ hayaan mo na at parang hindi maayos ang pakiramdam ng batang iyan kagabi nung maka uwi. Baka na stress at napagod sa trabaho."
"Sige manang. May duty na ako‚ pa update nalang kung papasok ba siya mamaya." Naninigurong boses ni ate.
Narinig ko ang mahihinang bulungan sa labas ng kuwarto ko at saka ko narinig ang unti-unting papalayong mga yapak nila.
Nakatulala lang ako sa kisame ng kuwarto ko habang ramdam na ramdam ang pamamaga at bigat ng dalawang mga mata.
Napadapo ang mata ko sa orasan at nakitang ala-siyete trenta na. Malamang sa malamang ay hindi na ako aabot sa first subject namin ngayong umaga.
Wala rin naman akong lakas tumayo kaya hinayaan ko nalang ang sarili ko na pumikit at muling matulog ng may patak ng luha sa gilid ng mga mata.
Sa totoo lang mabilis akong nakatulog agad simula pagka-uwi ko kagabi galing ospital dahil na din siguro sa pagod. Hindi na rin ako nakakain pa ng gabihan pagdating ko na sobrang pinagtataka nila manang ngayon‚ very unusual for me kasi ang mga bagay na nakikita nila ngayon sa kilos at galaw ko.
Tila binago ng isang gabi ang buhay ko. Nawalan ako ng gana sa mga bagay-bagay‚ na ang salitang binitawan ko na kailangan mo lang magpatuloy sa buhay tila'y gusto kong bawiin o lunokin‚ dahil ayoko na. Dahil durog na durog na ako.
Muli akong napadilat ng mata at agad itong dumapo sa orasan.
Alas tres‚ kung wala pa ako lalo sa katinuan ay baka isipin ko 'yon bilang alas tres ng madaling araw‚ pero dahil sa liwanag na naaninag ko sa bintana na may kurtina ko ay alam kong hapon na.
Absent ako halos lahat sa subject ko ngayong araw. Doon ko din nakita ang tadtad na missed calls mula kay Mia at mga messages from different blockmates.
"Hija!" Pimilyar na tinig ni manang ng katukin ako maya-maya sa silid ko.
Hindi ako sumagot at walang imik na ginawa. Mahaba na masyado ang tulog ko pero wala parin ako sa katinuan at walang lakas na makagalaw. Andami-daming pumapasok sa isipan ko at para lang sa iisang tao ang lahat ng 'yon.
"M-manang." Sa wakas ay naibuka ko ang bibig‚ na kahit ang pagsasalita ko ay hindi ko inaasahan. Akala ko kasi wala na rin akong boses para makapagsalita pa o maibuka manlang ang sarili kong mga bibig.
Bigla ay dahan-dahang bumukas ang pintuan ko at tumambad sa akin si Nanay Mary.
Nakita ko ang tipid na ngiti niya deretso sa akin ng makita ang kalagayan ko.
Tila walang buhay na nakahiga sa kama‚ laylay ang mga kamay‚ namamaga ang mga mata‚ magulo ang buhok‚ at basa ang muka mula sa mga luha.
"Kumusta ang pakiramdam mo Nathalie‚ anak?" Dahan-dahan ay tinanong niya 'yon pagtapos umupo sa tabi ko sa kama.
Tipid akong mapait na napangiti sa kaniya.
"Durog‚ wasak." Walang pag-aalinlangan na pag-amin ko.
Binalin' ko ang tingin sa kaniya at walang bahid ng gulat doon o kung ano man‚ tanging malulungkot na mata lang at simpatya.
"Alam mo hija anak‚ simula bata palang kayo ng ate Cindy mo‚ lagi ko ng nahahalata kung may kakaiba sa mga araw niyo." Siya habang hinahaplos ang buhok ko.
Toto 'yon dahil si manang ang laging nakabantay sa amin dahil lagi namang busy sila daddy sa mga trabaho at kanilang mga gawain.
"Hindi ko man alam ang eksaktong dahilan kung bakit ka nagkakaganyan ngayon anak‚ pero alam kong kakayanin mo dahil alam kong matapang kadin at malakas."
YOU ARE READING
Love Unknown
RomanceMedical student Nathalie consistently visits her sister, who is a doctor at the hospital owned by the school she attends. She has become acquainted with the hospital staff due to her sister, who also serves as her mentor in various medical aspects. ...