Chapter 10

117 4 0
                                    

Project

Natapos ang isang buong araw at may klase na kaagad kinabukasan.

Sinunod ko ang utos ng ate Cindy at nagdala nga ako ng sasakyan ngayon. Medyo umaabon pa kasi at hindi pa tuluyang nawawala ang pabugso-bugsong ulan‚ pero hindi kasing lakas kahapon. May ibang part at area pa din ng Pilipinas ang suspended and klase but the rest‚ especially college halos lahat may pasok na.

Tuluyan na ding nawala ang lagnat ko at bumalik na sa normal ang temperatura ko.

Kasalukuyan akong naglalakad papuntang first subject ko ng may makasalubong akong madaming estudyante na iba ang way sa akin.

Anong meron? Usually ganitong oras halos first subject ng lahat. Baka sa section lang nila.

Nagkibit balikat ako at nagpatuloy sa pagpunta sa mismong classroom namin.

"Miss diretso daw doon."

Agad nanlaki ang mata ko ng harangin ako ng isang lalaki at sabihin ang mga salitang iyon na agad kong pinagtaka.

Hindi ako sumunod at agad tinawagan si Mia dahil hindi ko maintindihan ang ginagawa nila. I think papunta silang quadrangle‚ iyon kasi ang tinatahak nilang direksyon.

"Hello‚ Mia?" Tinanong ko agad siya‚ at sa background niya narinig ko ang medyo maingay na paligid. Don't tell me andon na siya.

"Hello Nat!! Omg halika na dito sa quadrangle nagpatawag ng emergency announcement si dean. Dali hintayin kita dito sa tapat ng building ng mga engineering." Tukoy niya sa building kung saan pinaka malapit ang quadrangle.

Pumunta na nga ako doon at doon ko nasilayan si Mia.

Hindi naman ako late pero madami ng estudyante doon at parang ang iba ay tamad na tamad pa sa nangyayari.

Ano ba kasing meron?

"Good morning Nathalie babe." Si Mia at niyakap agad ako.

Parang isang araw lang namang walang pasok.

"Morning‚ anong meron?" Tinanong ko si Mia doon.

Nakita ko ang pagkibit ng balikat niya.

"I don't know. Ang alam ko lang may announcement daw eh. Ewan halika na at malalaman natin yan." Naglakad kami papasok sa gitna ng quadrangle.

Madaming tao doon at base sa mga suot na uniform halos lahat yata ng course andito at umattend.

This is really important maybe. It's our first time attending meeting like this sa school na ito at grabe na agad ang dami ng tao.

Masisipag siguro talaga ang mga students ng school na ito.

Sinulyapan ko ang paligid at nakarinig ng iba't ibang mga bulungan.

"Ano kaya ang announcement?"

"Kaya nga eh‚ matagal-tagal na din ng huling mag announce ang school officials."

"Yes‚ tapos halos lahat pa ng course ang pinatawag."

"Okay na yun‚ para makita ko yung crush kong taga Architecture."

Natigil ako sa pakikinig sa iba't ibang bulungan ng bigla akong sikuhin ni Mia.

"Ano?" Tanong kong nagtataka.

Nginuso niya ang isang gawi sa malayo at agad ko namang tinanaw iyon.

"Huh?" Muli kong tanong ng hindi ko siya maintindihan sa sinasabi niya.

Ano nanaman yan.

"Ang gwapo." Mahinang bulong niya at hagikhik. Nilingon ko ulit ang gawing tinuturo niya at biglang tumama ang mata ko sa mga engineering students at doon ko nakita ang tinuturo niya.

Love UnknownWhere stories live. Discover now