Text Mate
"Pupunta ka ba sa MPUH ngayon?" Si ate Cindy habang nag aalmusal kami.
"Why?" Takang tanong ko dahil wala naman akong naiisip gawin doon para puntahan pa ang ospital.
Today is Sunday and I don't have class‚ yesterday was the last day of the week and I swear it was exhausting day of my life.
"Oh right‚ I just thought so..." Parang wala sa sariling sabi niya na agad akong napataas ng kilay.
Ano namang gagawin ko sa ospital at Linggo ngayon bawal naman tumambay sa ospital kahit pa Doctor ang kamag anak mo doon. And of course it's Hospital baka maka kuha pa ako ng sakit doon hindi maganda na patambay-tambay lang.
"Ngayon kasi lalabas yung kaibigan mo sa hospital." Napatigil ako sa pagsubo ng pagkain ng bigla iyong sabihin ni ate kalagitnaan ng pagkain namin.
Napatango ako ng tukuyin ni ate ang kaklase ko sa MPU biochemistry na si Brian.
"Then it's good‚ maayos naman ba siya?" Pagtatanong ko.
"Mmm." Maikling tugon nito. "Maayos siya kumpara sa dalawang kritikal parin hanggang ngayon parehas comatose."
Agad nanlaki ang mata ko doon at parang nawala sa sarili.
Hindi parin ba sila nagigising?
What do you expect from a comatose person Nathalie?
Umiling ako doon at napabuntong hininga.
"It's just too painful to think for their families." Mahinang bigkas ko at parang nawalan ng gana kumain.
"Right‚ and their situation is too alarming‚ I'm not even sure if they can make it."
Maaga akong naligo ngayong araw at napag desisyunan na magkulong lang sa kwarto para mag movie marathon at ang saya naman sa pakiramdam na wala akong gaanong ginagawa ngayong araw kahit na bukas patay-patay nanaman sa pag-aaral.
Kinuha ko ang mga snacks na stock ko at inipon iyon sa higaan. Humiga ako sa gitna ng mga pagkain at sinimulang kalikutin ang remote para makapili na ng puwedeng mapanood.
Nakapatay ang ilaw ng buong kwarto habang nakatalukbong ako ng comforter dahil sa lamig na binibigay ng aircon.
Napili ko doon ang romance movie at una palang ng kuwento napatigil na ako sa ibang bagay dahil sa plot nito.
"Nako sa libro nalang ang mga storya na happy ending‚ wala na ngayon n'an sa totoong buhay." Sabi yon ng kaibigan ng bida sa palabas.
"Alam ko naman pero mahal ko siya." Ang bida na ipinaglalaban ang gusto kahit mali naman talaga.
"Nako friend ha! Tigil-tigilan mo 'ko at pag ikaw umiyak nanaman diyan lapit ka nanaman ng lapit sa akin at lahat ng advice ko mas mabuting kainin ko nalang kesa ibigay pa sayo dahil tinatapon mo lang." Imbyernang tugon ng kaibigan ng bida at halatang naiinis na sa opinyon ng kaibigan.
Natawa ako doon at sumang-ayon sa kaibigan ng bida na lahat ng punto niya ay tama.
"Punyeta." Marahang singhal ko ng tuluyan na akong napaluha sa pinapanood ng makabuntis ang bidang lalaki doon na sobrang minahal niya at the end of the story naging magkaibigan nalang sila. Kahit hindi naman talaga iyon ang gusto ng babae simula una palang.
It's just so sad.
Napatawa ako sa sarili ng anlakas na ng hikbi ko doon at para na akong may iniiyakan sa totoo kahit palabas lang naman.
Hindi naman ako relate at walang naging ka-relasyon sa tanang buhay ko pero sobrang sakit no'n para sa babae.
That girl from the story must really know her worth from the very beginning. Ayan tuloy at nasaktan pa siya.
YOU ARE READING
Love Unknown
RomanceMedical student Nathalie consistently visits her sister, who is a doctor at the hospital owned by the school she attends. She has become acquainted with the hospital staff due to her sister, who also serves as her mentor in various medical aspects. ...