Chapter 24

79 3 0
                                    

Broken

Nang mag alas kuwatro ng hapon tinapos ko muna ang last subject namin tapos nilagay ko ang mga gamit na need kong mailagay at maiayos sa locker‚ kaya pagkababa ko sa labasan ng school four thirty na. Sakto lang sa pagbyahe ko papuntang MPUH na minutes lang naman.

Habang nag da-drive meron akong nararamdamang pag-aalinlangan kung tutuloy ba talaga ako. Nanghihina ako at parang nakakaramdam ng sakit ng ulo. Pero kailangan kong gawin to sa ayaw at gusto ko dahil kasama 'to sa grade namin. Malalagot ako kay ate at kahit ako ay ayaw bumagsak.

"Hello lil sis." Agad na bati sa akin ni ate Jeya pagtapak ko sa lobby matapos makapagbihis ng scrubs.

Ngumiti ako ng malawak para walang makahalata ng totoo kong nararamdaman.

"Hindi na kita nakita noong gabi ng Monday lil sis‚ akala ko napano ka na." Siya habang may inaasikasong mga papel sa lobby.

Napatawa ako kahit na nasasaktan dahil naalala nanaman ang nangyari noong gabing 'yon.

"May emergency kasi kagabi lang." I tried hard not to shutter.

"Hmm di nasabi sa akin ni ate Cindy mo 'yan." Tumango-tango siya.

"Ahh na busy na din kasi sya kagabi--"

"Oww speaking of your ate Cindy‚ she's here." Mahina niyang binulong sa akin 'yon sabay angat ng tingin sa likuran ko.

Wednesday ngayon at whole day siya sa Ospital.

Nginitian niya ako ng makalapit sa akin kaya sinuklian ko agad 'to.

"Duty mo?" Tinanong niya na para bang hindi pa obvious na andito ako.

"Mmm." Tumango ako at nagsimulang kumilos sa lobby. Nakita ko pa ang pagsulyap sa akin ni ate Cindy pero wala namang ibang binilin dahil tumalikod na siya at halatang may gagawin ulit o may pupuntahang pasyente. Busy naman siya dito lagi kaya hindi na din masama na andito siya kasama ko dahil kahit magtagpo ang landas namin masyado siyang wala ng time para makipag-usap pa.

Kaya lang maayos na sana ang araw ko na nagiging abala sa lobby at sa pag sunod sa ibang utos ng mga doctors and nurses at ang sarili kong duty bigla ay parang nakaramdam ako ng panlalamig sa katawan ng tawagin ako ng isang nurse doon at utusan ako sa bagay na pinaka iniiwasan ko.

"Nathalie‚ pwedeng ikaw muna mag assist doon sa room 103‚ pupunta pa kasi ako sa ER tawag ako ni Doctora‚ thank you so much." Nakangiting suyo nito at nagmamadaling dumiretso sa ER.

Napalunok ako at parang makakaramdam ng panghihina.

What to do?

Nagpa panic akong dumiretso sa tabi ni ate Jeya at mahinang bumulong‚ hindi na nagdalawang isip na magsalita kahit halata na sa boses ko ang kaba.

"A-ate Jeya‚ anong ibig sabihin ni nurse na mag assist sa room 103?" Nauutal na tanong ko.

Natawa siya na sobra ko lalong kinakaba.

"Dear lil sis huwag kang kabahan at papalitan mo lang naman ang bed sheet ng kama niya at iabot mo tong gamot‚ huwag kang kabahan." Natawa pa muli 'to bago inabot sa akin ang tray at isang trolley na may lamang bedsheets at mga punda.

Napahawak ako sa noo nang may panlalamig sa kamay at parang pagpapawisan kahit malamig naman sa ospital.

Dahan-dahan akong nagsimulang maglakad papunta sa fourth floor dahil doon ang room 103‚ nang bumukas ang elevator huminto pa ako sa paglalakad ng ilang minuto kaya natagalan nanaman ako sa pagpasok sa silid niya.

Huminga ako ng malalim bago tuluyang tinulak pabukas ang pintuan.

Tumingin ang mga tao doon sa akin.

Kumpleto nanaman silang lahat doon‚ ang mga estudyante na magka-kaibigan.

Love UnknownWhere stories live. Discover now