Chapter 3

198 4 0
                                    

Coincidence

The best way to predict the future is to create it isn't it?

Napakibit balikat ako ng may mabasang piraso ng papel sa ilalim ng lamesa ko‚ malamang galing sa ibang estudyante ito.

"Coffee?" Nanlaki ang mata ko ng mag-aya si Mia doon at biglang may pumasok na iba sa isipan ko. "Hoy tulala kana girl!" Napakurap-kurap ako ng sigawan na ako ni Mia at ihampas na ang libro niya sa lamesa ko. "I said let's drink coffee!" Natatawang sabi niya malamang dahil sa itsura kong nagtataka.

Napabuntong hininga ako at sumabay na sa kaniya at natawa nalang din sa sarili ko.

"How bout your sister? Kumusta kayo ni ate Cindy‚ ayos naba kayo?" She asked me after ordering the drinks sa counter.

Probably si Mia lang din ang nakaka-alam at napagsasabihan ko ng mga ganitong bagay.

"Ayos naman kami‚ pero hindi ko kasi siya maintindihan sobrang higpit niya parin sa akin. Hindi naman puwedeng lagi niya akong paghihigpitan malaki na ako." I shared my thoughts to her.

"Hmm maybe ate Cindy really loved you to the point na she can't let you decide on your own kasi nasanay siya nung bata ka pa na siya lagi ang nag-aasikaso." Opinyon niya.

"I know and I understand it‚ pero kasi hindi niya ba naisip na darating ang panahon na ako nalang dapat ang mag desisyon sa buhay ko?"

Napa tango siya doon at hindi na nagsalita‚ lumipas ang ilang minutong katahimikan sa pagitan namin bago muli siyang nagsalita.

"Bakit kasi wala pang jowa si ate Cindy?" Natatawang biro niya na ikinatawa ko na rin.

"Ewan ko din sa kaniya‚ last boyfriend non 3 years ago pa tapos hindi na nagka boyfriend ulit."

"Aww baka naman naghihintay parin sa isang tao or hindi maka get over?" Shock na tugon ni Mia.

"I don't know. Pag ako naman nagtatanong lagi niya lang sagot‚ duty first." Kibit balikat na sabi ko.

Dumating ang waiter sa lamesa namin at inilapag doon ang iced coffee na in-order ko at ni Mia.

Binalatan ko ang straw doon na may plastik at itinusok sa takip‚ bago ko kuhain ang misming inumin kinuha ko muna ang naka-ipit na papel doon sa cup sleeve ng kape.

In the spirit world‚ there is no time as we know it. Past and future do not exist. 'All time is now'.

Napalunok ako ng muling makabasa ng mga kung ano-ano sa pangalawang pagkakataon. Hinayaan ko lang iyon at sinimulang ubusin ang kape.

Matapos naming ubusin ang iniinom napag desisyunan naming umalis na sa cafe para pumasok sa next subject pero bago iyon pinauna ko muna si Mia sa labas para matignan ko kung may papel din ba sa cup sleeve niya pero wala.

"San ka galing?" Si Mia ng magtaka kung bakit ang tagal ko.

"Wala umihi muna ako‚ alam mo naman malayo ang cr sa next building natin." Pagsisunungaling ko kahit muntik ng mautal‚ kaagad naman siyang napatango doon.

Lumalim ang hininga ko ng pumasok sa next subject. Lumipas ang ilang oras at ilang buildings pa ang pinuntahan namin para sa iba't ibang subject hanggang sa huli nanaman naming lesson ang pag punta sa laboratoryo sa gitna ng gabi.

Muli akong napabuntong hininga at nagpasalamat na kaklase ko si Mia sa subject na ito dahil wala pa akong kakilala sa school na ito‚ hindi ako mahihirapan makisabay sa pag uwi o pagpasok ng laboratoryo ng mag isa. Lalo na't laging gabi ang oras para sa subject na ito.

"Are you alright?" Si Mia na nag-aalala sa itsura ko.

"No‚ alam mo namang ito ang pinaka ayaw ko sa course natin‚ ang nagda-dissect at tuwing gabi pa talaga." tugon at pag-amin ko.

Love UnknownWhere stories live. Discover now