Chapter 9

121 5 0
                                    

Sick

"Salamat" muli akong nagpasalamat sa kaniya matapos niya akong ihatid sa mismong tapat pa talaga ng bahay namin.

Nakita ko ang pagtango niya at hinihintay akong makapasok sa loob mismo ng bahay namin.

Papasok na sana ako sa loob ng bigla akong napalingon sa likuran ng biglang tumahol ang aso kong si Molly at salubungin ako.

Agad kong tinunghayan ang aso at nilaro ng kamay. Gumalaw ang buntot nito na animo'y sobrang sigla at masayang makita ako. Lagi naman siyang ganiyan tuwing kakarating ko lang sa school or kung lumalabas ako ng bahay.

"Shhh." Suway ko ng paulit-ulit niyang tinatahulan si Cairo dahil hindi niya kilala.

Nanlaki ang mata ko ng maramdaman kong lumapit siya kay Molly at hinawakan at hinimas din ang ulo nito. Nag squat din ito at ginaya ako.

"Your dog?" He asked.

"Yep." Tipid kong sagot.

"What's his name?" Tinitigan niya ako pero hindi ko kayang suklian ng matagal ang titig niya kaya si Molly nalang ang tinitignan ko.

"Molly." Agad kong nakita ang pag galaw ng gilid ng labi niya na akala mo'y bihasa sa pag-aalaga ng aso. Napansin ko ang way ng paghawak at paghimas niya kay Molly at napapansin kong hindi siya baguhan sa ganito.

Maybe he has a dog?

Tumayo ako mula sa pagkaka squat nang maramdaman kong babahing muli ako.

Lumayo ako sa kaniya dahil sobrang nakakahiya ang ginagawa ko. Mamaya mahawa ko pa siya.

Bakit sinisipon na agad ako sandali lang naman akong naulanan.

Nakita ko din ang pagtayo niya kasunod ko ng marinig ang pag bahing ko.

Tinitigan niya ako at nagsalita.

"You should rest."

Natawa ako doon at tumango.

"I will. Naulanan lang ng kaunti." Hindi ko alam kung appropriate ba yung sinabi ko sa kondisyon ko kung halatang naligo na talaga ako sa ulan kanina‚ but then tumango lang siya hanggang sa maka-uwi na siya ng pumasok na ako sa loob kasama ang aso.

Kasalukuyang andito na ako sa kuwarto at bumabahing pa din. Sobrang lala na ng sipon ko at nagsisimula na ding sumakit ang ulo ko.

"Hija uminom ka ng gamot. Pag pasok mo kanina ko pa nahahalata ang maluha luha mong mata. Sinisipon ka. Uminom kana at baka lagnatin ka." Si manang Mary na alalang-alala matapos niyang pumasok sa kuwarto ko at kumustahin ako.

Tumango ako doon at ininom ang binigay niyang baso na may tubig at sinimulang inumin iyon kasama ng gamot pang sipon at lagnat.

Pagtapos ko uminom ng gamot ay natulog agad ako nagbabaka sakali na pag gising ko ay umayos na ang pakiramdam ko.

Pero naalimpungatan ako at mas lumala nga iyon. Nanginginig na ako at pinatay ko na ang aircon. Mataas na ang lagnat ko at pag check ko sa orasan alas tres na ng madaling araw.

Wala akong ganang tumayo pero laking pasasalamat ko ng makitang suspended na ang klase sa buong Pilipinas‚ all levels dahil sa sobrang lakas ng bagyo.

Makakapagpahinga pa ako ng isang araw‚ at gusto ko lang ay matulog.

Pinilit kong tumayo para maka inom ulit ng gamot para makatulog na.

Nang maalimpungatan ulit ako ng makaramdam ng gusto kong maihi. Alas kwatro na at masama parin ang pakiramdam ko.

Binuksan ko ang cellphone at nakita ko ang madaming message doon.

Love UnknownWhere stories live. Discover now