Stranger
"Where's Nathalie?"
Kaagad akong napapikit nang marinig ang tinig ni ate Cindy na mukhang galit pa‚ pagkapasok na pagkapasok niya sa loob ng bahay galing sa ospital.
"Ma'am Cindy nasa kusina po." Rinig kong sagot ng isa sa mga kasambahay.
"Nathalie!!"
"Nathalie!!"
Ilang ulit akong tinawag ni ate Cindy pero hindi ko siya pinapansin kahit pa narinig ko na. Papunta narin naman siya sa gawi ko kaya hinintay ko nalang siya hanggang sa nasa harapan ko na nga siya at mukhang umuusok pa ang ilong.
"Akala mo hindi ko malalaman?" Siya sa malamig na tinig.
"What?" I asked innocently not knowing what she's talking about.
"Huwag ka ng magsinungaling Nathalie! Akala mo talaga hindi ko malalaman na lumabas ka ngayon?" She's fuming mad at kapag hindi ko pa nasabi ang rason ko baka hindi na siya makapagtimpi at palayasin niya pa ako sa bahay na 'to.
"Ate calm down! I did go out just to see Mia‚ that's all." Paliwanag ko sa kaniya sabay labas sa kusina habang bitbit ang peanut butter at isang balot ng plain crackers.
"Wow? So huling huli ka na yan parin ang paliwanag mo? Mas lalo kang napaghahalataan Nathalie umayos ka nga!" She aggressively followed me outside the kitchen kahit hindi niya pa nabababa ang mga gamit niya galing sa trabaho.
"Ano ba yan ate? Bakit ka ba nagagalit? Oo na pumunta ako ng ospital kasi binisita namin yung isa naming ka-blockmate na nabaril din mula sa insidente sa the club!" Kaagad akong sumabog ng marindi sa mga paratang na sigaw sa akin ni ate. "As if I'm not going to tell you that reason? Masyado mo akong pinangungunahan ate Cindy." Dugtong ko at mukhang mas nagalit siya.
"Wow? So parang kasalanan ko pa ngayon? Nathalie did you just say na pinangungunahan kita? Nag aalala lang ako alam mo kung anong nangyari sa school na pinapasukan mo! Why can you just stay at home and don't go out hanggat hindi pa humuhupa ang mga balita mula sa insidenteng naganap sa MPU ha?!"
Nainis din ako don.
"Malaki na ako ate Cindy! Kaya ko ang sarili ko. Atsaka ano ngayon kung nag-aaral ako sa MPU at may insidenteng naganap doon? Kailangan ba huminto din ang takbo ng buhay ko gano'n ba? Magpasalamat ka nalang ate at wala ako sa mismong party nang naganap yon. Hindi na ako yung bata na kailangan bantay sarado mo parin kasi walang ibang titingin kundi ikaw lang! Mas malala ka pa kay mommy--"
Kaagad akong napa hinto sa pagsasalita ng bigla akong sampalin ni ate. Kasabay non ay ang pagtulo ng mga luha ko.
"You're too much Nathalie! You're crossing your boundary! Huwag mong madamay damay ang way nang pagdidisiplina ko sayo dahil unang una alam mo kung saan ka pupulutin kung hindi kita di-disiplinahin ng ganito magsimula ng hindi bumalik sa atin ang nanay mo!" She said that while sobbing as if my mother is not her mother.
"So galit ka parin kay mom?" Naiiyak na ring tanong ko.
Nakita ko ang sakit sa mga mata ni ate Cindy habang tumutulo ang mga luha niya.
"Hinding hindi mawawala ang galit ko sa babaeng nang-iwan sa atin dahilan para magpakamatay si daddy at maging miserable ang buhay natin. Kahit bumalik pa siya‚ she will never bring back daddy's life and fix what she ruined." Mariing sabi niya bago dumiretso sa taas habang nagpupunas ng mga luha.
"Nathalie hija‚ kumain kana." Si manang Mary ang mayordoma namin sa bahay kahit noong nabubuhay pa si daddy at andito pa si mom.
"Manang ayos pa naman ako hindi pa gutom mamaya nalang siguro. Basta bababa ako manang." Pagsasabi ko sa kaniya habang nakahiga ako sa higaan ko sa kwarto at nakatalukbong ng kumot ang buong katawan.
YOU ARE READING
Love Unknown
RomanceMedical student Nathalie consistently visits her sister, who is a doctor at the hospital owned by the school she attends. She has become acquainted with the hospital staff due to her sister, who also serves as her mentor in various medical aspects. ...