Chapter 29

69 3 0
                                    

Wrong

Nagtagal pa ng ilang oras ang mga kaibigan ni Cairo sa pagbisita sa kaniya tapos umuwi na rin ang mga 'to.

Naiwan ulit kaming dalawa ni Cairo sa silid niya ng walang nagsasalita. Bigla ay naging awkward ang hangin na dumadaloy sa kabuuan ng kuwarto.

Nakakain na din si Cairo ng almusal dahil sa mga dalang pagkain ng mga kaibigan niya‚ kaya hindi ko na kailangan pang bilhan siya ng pagkain. Binihisan din siya nila Tristan kanina kaya hindi na siya naka hospital gown.

Balak ko na sanang magpauna sa pagsasalita ng muli ay bumukas ang pintuan niya.

Kailan ba matatapos ang mga dadalaw sa kaniya dito? Seryoso mamaya dahil pauwi na din naman siya.

Hindi nanaman ako lubayan ng kaba ng makita ko ang kambal na kapatid ni Cairo‚ Cade and Callie.

Nag sink-in lang din sa isipan ko na hindi nga pala nila ako kilala ng tignan nila ako ng nagtataka. Nagpabalik-balik ang tingin sa akin ni Callie pati kay Cairo. Si Cade naman bagamat nag tataka ay hindi na nang-usisa pa.

Narinig ko ang bahagyang pagtikhim ni Callie na lumalapit kay Cairo. Bineso niya ito at sinipat.

"Uuwi na tayo." Si Callie sa mahinang boses.

Tumango ang kapatid nito‚ napalingon ako kung nasaan si Cade nang makita na sinimulan niyang buhatin ang mga gamit doon na mga naka-ayos na.

Si Callie naman ay inaalalayan si Cairo sa paglalakad. Napalapit na din ako ng bahagya ng akmang tatanggalin ni Callie ang dextrose ni Cairo pero hawak niya ito kaya hindi niya maayos ang pagkakatanggal.

"Ako na." Presinta ko ng wala manlang nag aassist na mga nurse sa kuwarto niya.

Naaninag ko ang pagkunot noo ni Callie sa tabi ko at muntik na akong patigilin sa ginagawa kung hindi lang sinabi ni Cairo ang mga salita na nagpapatunay.

"She's nursing students‚ same year with you. Don't worry." Hindi ko alam kung paano nalaman ni Cairo ang year ko at pareho kami ng mga kapatid niya. Sa ingay ng mga kaibigan niya hindi malabong sila ang nagsabi o nang-usisa sa mga bagay-bagay.

Maayos kong natanggal ang dextrose ni Cairo sa kamay at ako nalang ang nagligpit doon.

Nakita ko ang paglabas ng mga 'to. Hanggang sa wala ng tao sa loob ng kuwarto niya. Ngumuso ako at pinagpatuloy nalang ang pagliligpit ng ibang mga naiwan pa nila doon. Sumunod ako sa labas at nakasalubong ko si ate Jeya na nagpagulat sa akin.

"Ate Jeya."

Nakita ko ang pagngiti nito sa akin at pagturo sa gawi nila Cairo. Napatango ako at dahan-dahan siyang tinalikuran. Alam niya ba ang tungkol sa amin?

Huminga ako ng malalim papalabas ng ospital‚ doon ko nakita ang isang sasakyan na nakaparada sa tapat at doon sumakay sila Cairo.

"Get in." Marahan na usal ni Cairo sa car window. Ang driver ay si Cade at si Callie naman ang katabi nito. Bale nasa likuran si Cairo at kung sasakay ako ay katabi ko siya.

"Hindi na‚ uuwi din naman ako. I have my car with me." Pag tanggi ko. Agad akong nakaramdam ng hiya sa pinag-uusapan naming dalawa ng makita ko ang pagbaling sa amin ni Callie madalas. Si Cade naman ay mukhang walang pakielam.

Hindi sumagot si Cairo pero halata sa mata ang pagtutol. Hindi ko alam‚ namamalikmata nanaman yata siguro ako.

Tumango ito bago sinarado ang car window.

Agad akong pumunta sa kotse ko at agad sinimulang paandarin 'yon. Inikot ko ang manibela upang makalabas sa mismong parking lot doon ay nakita ko ang sasakyan nila Cairo na hindi padin nakaka-alis.

Love UnknownWhere stories live. Discover now