Chapter 15

87 4 0
                                    

Crazy

"You can take a bath. Ihihiram nalang kita ng damit kay Callie" Si Cairo agad iyon ng makapasok kami sa bahay nila.

Malawak talaga ang bahay nila kaya kahit siguro silang mga nakatira dito ay hindi nagkakakitaan sa loob.

"Mmm. Thanks." Tipid na sagot ko at dumiretso nga sa banyo nila. Hindi ko talaga alam kung mahihiya ako o umasta lang dapat ako ng normal dahil simula't sapul ako naman talaga ang may gusto nito.

Naligo ako sa banyo nila at kahit doon ay napakalinis. Baka nga puwede na akong humiga doon sa sobrang linis.

They are medical people kaya automatic na malinis din talaga sila sa bahay. Parang ang ate ko lang‚ ayaw na madumi ang lahat ng sulok ng bahay lalo na't sensitive din 'yon.

Mabilis ko lang tinapos ang pagligo at buti nalang may heater sila kaya mainit ang naipaligo ko sa sarili.

Guminhawa ang pakiramdam ko at pagbukas ko ng pinto sumilip lang ako at nakita kong maghahantay sa pintuan si Cairo. Kumunot ang noo niya ng makita lang ang ulo kong nakasilip kaya agad ko ng inabot ang dala niyang tuwalya at damit na mukhang kay Callie nga. May kasama din iyong undies na nasa isang lalagyan sign na bago pa iyon at hindi pa nagagamit na ipinagpasalamat ko.

"Thanks." Muling pagpapasalamat ko nang matanggap ko 'yon at nagmadali ng magbihis.

Pjamas iyon na kulay pink at bunny ang design. Tama lang sa personality at muka ni Callie. Feeling ko ay hindi bagay sa akin ang damit na sinuot ko.

Lumabas ako ng banyo habang bitbit ang pinaghubaran ko.

"Dito mo nalang isampay 'yan."

"Ahh oo." Maang kong tanong dahil nahihiya.

Sinampay ko agad ang damit ko na basa at naisipan na bukas ko nalang ng maaga aayusin para hindi na makita ng iba pang tao sa bahay nila dahil masyado ng nakakahiya.

I wonder bakit hindi bumababa sila Callie knowing na andito ako. Maybe they're sleepy already. Na traffic kami at alas nuwebe na ng gabi. Baka pagod na din sila at patulog na.

"Hindi ba nagtaka ang family mo bakit ako nandito?" Hindi ko napigilan pero tinanong ko siya. Lubusan talaga akong nahihiya. Bakit naman kasi ako makikitulog dito sa kanila 'gayong may bahay naman kami.

"They're not around." Siya habang may inaasikaso sa kusina.

Napalunok ako at parang luluwa na ang mata sa sobrang pagkagulat.

Hindi ako nakasagot at parang mababaliw sa nalaman.

"W-what do you mean?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Wala sila dito‚ umalis silang tatlo. Bukas pa ng hapon uuwi." Mahinahon na tugon niya sa akin.

Halos mapahawak ako sa noo ko ng sabihin niya iyon. Sa dami-daming araw talaga na hindi sila dito matutulog ngayon pa kung kailan dito ko napiling matulog.

It means‚ dalawa lang kami dito ngayon?

Shit.

Hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba sa nasaksihan. Talagang napaka ganda ng timing lagi.

"Sorry for bothering you here." Ako at naupo sa lamesa ng dinig area nila ng makita kong naghanda siya ng pagkain.

Nilagang baka ang ulam nila.

"Don't be sorry. It doesn't matter." Siya at binigyan ako ng mangkok na may ulam.

Ansarap sa pang amoy ko non at saka ko lang din naramdaman ang gutom ko ng maamoy ang mabango na ulam at sabaw.

Love UnknownWhere stories live. Discover now