Girlfriend
Hindi pa ako nakaka-move on sa sinabi niya ng biglaan naman akong napatayo sa upuan ng biglang bumukas ang pintuan.
"M-may bisita ka?" Mahinang bulong ko kay Cairo bago tuluyang bumukas ang pintuan. He just ignored my question sabay tingin sa pintuan.
Huminga pa muna ako ng malalim bago ko tuluyang nakita ang pumasok sa pintuan.
It's his lola.
Natataranta akong napatingin kay Cairo‚ nakita ko ang pagsulyap sa akin nito pero walang ibang reaksyon na nakabalatay sa muka‚ normal lang.
Siguro'y iniisip na kilala ko naman siguro lahat ng relatives niya dahil nga ang alam niya ay girlfriend niya ako at may anak pa kami.
She's alone that's why she immediately close the door.
Sa hindi malamang dahilan ay agad kumabog ang dibdib ko ng nauna pang naglagi ang mga paningin sakin nito kumpara sa apo niya.
Shit‚ shit.
Don't worry Nathalie mabait siya sa panaginip mo.
"Magandang umaga po." I tried hard not to shutter.
Tinitigan pa ako nito dahilan para mapalunok ako‚ she look stunned. Ilang minuto pa akong nakaramdam ng awkwardness sa pagitan namin bago siya tumugon dahil lang din kay Cairo.
"Lola." Mahinahon na pagtawag ni Cairo‚ halata sa boses ang pananaway.
Kumurap-kurap muna ito.
"Oh magandang umaga hija." Napahinga ako ng maluwag ng marinig ang walang halong pait na tugon ni lola.
Akala ko kung ano na. Akala ko ay galit pa sa akin‚ dahil sa way ng pagtingin niya. Maybe she was just confused.
"Kumain kana apo?" Mahinang tugon niya at diretso kay Cairo‚ nakita ko ang paggalaw ni Cairo sa kama niya upang batiin ang lola na yumakap sa kaniya papalapit.
Tumango si Cairo at napapatingin sa paligid pagkatapos nilang mag yakap. Agad nanlaki ang mata ko ng makitang walang kahit anong upuan na doon maliban sa upuan na inuupuan ko‚ may sofa naman kaso malayo kay Cairo at mukhang hindi sila magkakarinigan kung mag-uusap ang dalawa ng harap-harapan.
"Dito na po kayo umupo. Pauwi narin naman po ako maya-maya." Muwestra ko ng upuan sa kaniya‚ nakita ko ang pagbaling sa akin ni Cairo ng tingin. Tumingin siya ng mariin sa akin‚ hindi ko siya pinansin. Ano nanaman at may ginawa nanaman ba akong mali para sa kaniya?
Dumiretso nalang ako sa sofa at doon umupo‚ hinayaan ko silang mag-usap doong dalawa‚ dahil nasa bandang malayo doon ko lang din nakita na may gamit pala sa ibaba ng lamesa na agad kinalikot ni lola‚ saka ko napagtanto na si lola talaga ang nagbabantay sa kaniya at siguro'y may pinuntahan lang kanina. Kaya din siguro kumakain ng sopas si Cairo ay dinala niya ng pumunta siya dito.
"Nakauwi na si Steffi?" Kahit hindi ko naman intensyon na makinig‚ hindi naiiwasan ng usapan na 'yon na pumasok sa mismong tenga ko at nagbigay ng kung ano-anong reaksyon sa aking muka na agad ko namang hindi pinapahalata.
"Yes." Tipid na sagot ni Cairo kahit sa lola niya‚ hindi ko alam kung matagal niya ng personality 'yan or sadyang ayaw niya lang magsalita ng magsalita dahil kakagaling lang sa operasyon.
"Sayang at hindi ko na naabutan‚ at sino naman itong bago mong bisita hijo? Ngayon ko lang nakita ito. Kaibigan mo hijo?" Pahina ng pahina ang boses nito. Hindi napigilan ng nguso ko ang magtulis ng makita ko ang pagsulyap sa akin ni Cairo ng palihim.
Hindi ba talaga siya nagtataka na hindi ako kilala ng mga kaibigan niya or kahit ng lola niya.
He's so bad at observing then?
YOU ARE READING
Love Unknown
RomanceMedical student Nathalie consistently visits her sister, who is a doctor at the hospital owned by the school she attends. She has become acquainted with the hospital staff due to her sister, who also serves as her mentor in various medical aspects. ...