Chapter 28

67 4 0
                                    

Stable

Muling natapos ng mabilis ang araw at linggo na. Wala kaming klase ngayon pero may lakad padin ako.

Naligo lang ako pero nagbihis ng pambahay‚ bumaba ako mula sa kuwarto at doon dumiretso sa kusina para makasabay sa pagkain ng agahan. Minabuti ko ng sumabay dahil ilang araw na din akong hindi nakakasabay ng agahan kay ate at baka sobrang nagtataka na iyon sa akin. Ayoko lang na may masabi nanaman siya tungkol sa akin.

Napatingin ako sa lamesa ng makitang andon si ate at seryosong nakabaling sa kinakainan niya.

Halata ang medyo pagka-irita sa muka.

What now? Galit nanaman? Where did I go wrong?

Hindi nalang ako nagsalita at hinayaan siyang kumain. Agad akong sumandok ng kanin at ng ulam na tuyo at hotdog. Typical breakfast.

Nagsimula akong kumain ng hindi padin kami nagkikibuan.

Halos hindi ko na yata malunok ang kinakain ko at nagsisimula na din matuyot ang lalamunan ko. Nawawalan na ako ng gana dahil sa sobrang tahimik ng lamesa. Wala si manang sa lamesa at ang mga helpers kaya sobrang tahimik na halos maririnig mo na ang mga ibon at ang hangin.

"Saan ka pumunta kahapon?" Doon ay tuluyan kong naibaba ang iniinom na tubig ng tuluyan ng magsalita si ate.

"Nag buffet kami ni Mia‚ inalok niya lang naman ako." Mahinhin na sagot ko‚ pinipilit kumalma.

Hindi nawala ang kunot sa noo niya at pagiging seryoso.

"Before that. Morning hour? Wala kang klase ng umaga kahapon." Mapang-usisa na tugon nito.

Napabuntong hininga ako at tuluyang bumigay. Wala naman talagang sense ang pagtatago ko sa kaniya. Kahit anong mangyari malalaman at malalaman niya padin naman. Minsan pa nga ay alam niya na ang dahilan at hinihintay lang akong magsabi ng totoo at ako ang hahayaan magsabi ng kusa.

"Ate sa MPUH." Nakayuko ako at nanlumo.

"Exactly‚ ano naman at sino ang pinuntahan mo?" Napakagat ako sa labi ng mahimigan na alam niya talaga kung saan ako nanggaling kahapon.

"Cairo." Hindi ko na kinakaya ang pagsisinungaling. Kung magsisinungaling pa ako tingin ko ay ang sama-sama ko na masyado. Nakakasanayan ko na at hindi maganda 'yon para sa akin at para sa mga malalapit sa akin.

Nakita ko ang mariin na pagpikit ni ate at muling pagdilat‚ naramdaman ko ang paghinga niya ng malalim pero nabawasan ang pagiging galit sa mga mata. Sigurado'y nakahinga ng maluwag kahit papaano ng tuluyan akong magsabi ng totoo.

"And who is this Cairo you're talking about? I bet this is the students from MPU? Pasyente ko?" Bakas sa boses ni ate ang sobrang kuryoso pero huminahon naman ang boses kahit papaano.

Tumango ako at nangilid ang luha sa mga mata nang alam ko na ang magiging kasunod na tanong.

"Ano mo sa buhay mo?" Seryoso pero gusto ko pa ikagulat ang pagiging kalmado niya. Pero hindi ako malubayan ng kaba manlang.

"We're in relationship ate." Hindi ako nagsinungaling sa bagay na 'yon. Nang sinabi ni Cairo ang bagay na ako ang girlfriend niya‚ yon ang importante. Though‚ hindi man niya tinanong ng personal ang bagay na 'yon sa akin sigurado naman ako na 'yon talaga ang pinaniniwalaan niya. Hindi ko lang maisip na hindi ko talaga magawang itanggi ang bagay na 'yon. Ayokong isipin na hindi niya ako girlfriend. Kahit pa hindi naman talaga.

Pero sa ngayon‚ gusto ko muna panindigan ang kasinungalingang nagawa ko na. Gusto kong samantalahin ang kasinungalingang nagawa ko. In the end ako parin naman ang may kasalanan. Pero alam kong sa dulo‚ wala din dapat akong karapatan masaktan. Dahil unang-una ako naman ang may gusto ng bagay na 'to.

Love UnknownWhere stories live. Discover now