Chapter 11

112 4 0
                                    

Miss

Maaga akong gumising ngayong araw dahil ngayon kami magsisimula.

Ngayong araw nagdesisyon kami na mamili ng kakailanganin para sa ipapamigay naming tulong sa lugar na napili namin sa Bacolod‚ tapos bukas ng maagang-maaga atsaka naman kami pupunta doon.

Nag message na daw si Bethany sa Mayor ng Bacolod at sasamahan nalang kami ng ibang mga volunteers din doon para tulungan kami sa pamimigay.

Sa totoo lang excited ako sa maaring mangyari bukas at makita ang mga batang nasalanta ng bagyo. I hope they are just fine.

Pumunta muna ako sa pinakamalapit na remittance center para ma withdraw ang perang binigay ni ate kasama ang allowance at ang perang kakailanganin ko doon.

Agad kong na withdraw ang pera pagkapunta na pagkapunta ko at tuluyan ng napasinghap ng makita kung magkano iyon.

Wala naman na akong po problemahin sa pamasahe dahil si Cade ang naatasan sa group na magdadala ng sasakyan at siya din ang magda drive papunta doon.

Kaya ng makita ang binigay ni ate na pera tingin ko sobra sobra ito.

Maaga si ate pumunta sa ospital kanina dahil sa duty niya kaya hindi ko na siya naabutan.

Iti-text ko na sana siya para ipaalam na baka nagkamali lang siya ng pinasang pera dahil napakalaki talaga non‚ pero agad kong nakita ang mensahe niya sa akin.

Ate Cindy:
Don't mind the money‚ sinadya ko talaga iyan. Please buy something good for everyone there‚ especially sa mga bata and sa mga pregnant woman‚ at sa mga person with disability. I know you can do it and I'm sure you're doing that not just for grade. I'm proud of you. Goodluck sa project and please‚ give me a hug for those people na nasalanta.

Agad kong naramdaman ang paglalim ng hininga ko at bahagyang pamamasa ng gilid ng mata.

She's always kind to people.

Kaya isa siya sa miyembro ng pamilya na hindi napilitan pasukin ang medical field dahil iyon talaga ang gusto niya simula bata pa lang siya. She loves taking care of people to the point na sometimes she forget that she's also have herself.

Ako:
Thank you‚ I will.

Agad akong pumunta sa S&R dahil doon kami mamimili ng kakailanganin at doon nadin daw kami magkita-kita.

Ang call time namin ay alas nuwebe ng umaga at saktong pagdating ko doon ako palang ang tao sa aming lahat na member.

Just great.

Pumasok na ako sa loob at piniling mag ikot-ikot at isipin kung anong maaaring bilhin. Lalabas nalang siguro ako kung sa tingin ko ay andon na sila. Mag ti text naman siguro ang mga iyon dahil nag exchange kaming lahat ng number maliban kay Cade dahil si Callie nalang daw ang contact-in namin if ever. Maliban din kay Mia dahil masyadong ma lowkey daw.

Agad akong naglibot at wala pang gaanong tao‚ pero halos matatanda ang nakikita ko doon na mga namimili at ang iba ay mukhang kasama pa ang mga apo nila.

Bigla ko tuloy na miss si lola.

Agad akong nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa may marinig akong ingay sa paligid na papunta sa gawi ko.

Nag-uusap ang mga ito at nagtatawanan. Wala na sana akong balak pansinin ang grupo nila ng makita ko kung sino ang isang miyembro doon.

Nakita ko din ang reaksyon sa sarili niyang mata. Hindi niya din siguro ako ine-expect na makita dito ngayon.

So dito din pala sila namili? Ang dami-daming lugar‚ seryoso ba?

Pinanlakihan ko siya ng mata at inilingan ng makitang ambang lalapitan niya ako.

Love UnknownWhere stories live. Discover now