OJT
Lumipas ang ilang linggo at araw na ng on the job training namin. Nabigay na din ang kaniya-kaniya naming mga schedule at alam ko na kung anong oras ang pasok ko.
As usual and expected hindi nga kami magka schedule ni Mia. MWF ang kailangan kong ipasok sa OJT simula ala-singko ng hapon hanggang alas otso ng gabi‚ iba-iba ang part na gawain ang puwedeng ma-assign sa akin pero sa araw lang ng Monday‚ Wednesday at Friday within the time frame ng schedule na nabigay sa akin.
Hindi kami magka schedule ni ate pero tuwing Wednesday ay andon siya sa Ospital at whole day. Depende din siguro sa mga emergencies na dumadating everyday at mga biglaang calls.
Monday ngayon at ngayon ang unang araw ng OJT ko. Maaga akong gumising at maaga ring natulog. Siniguro kong nasa maayos na kondisyon ang katawan ko dahil mahirap ng wala sa sarili ng nag ta-trabaho dahil kahit wala sa school graded kami doon lalo na sa mga seniors namin.
May klase pa ako ng umaga at mamayang hapon pa naman ako dederetso ng MPUH kaya ibinalot ko nalang ng maayos ang dadamitin ko mamaya para hindi na ako umuwi ng bahay at dumiretso nalang sa Manila Philippines University Hospital.
Minabuti kong dalhin ang kotse dahil masyado ng magiging hassle kung sa pag-uwi ay mag co-commute pa ako. Masyado ng gabi at for sure pagod-pagod na din ako sa trabaho n'an mamayang gabi after work.
"Ngayon ang work mo?" Si ate na nakasalubong ko sa pintuan siguradong papasok na din sa ospital.
"Yup‚ pero mamaya pang hapon ang sched ko." Tumango ako at sabay kaming lumabas ng pintuan pero magkaiba ng sinakyan na sasakyan at sabay na nagmaneho papunta sa iisang direksyon.
Lately hindi na ako nakakadaan sa ospital at hindi ko na rin siya nakakasabay pumasok dahil hindi naman na ako sumasabay sa kaniya sa kotse niya. Mas gusto ko ng mag drive ngayong mag-isa‚ hinahayaan lang naman niya ako at hindi naman nagrereklamo o nani-nermon.
Maaga lagi ang duty ni ate tuwing alas otso ng umaga at umuuwi tuwing ala singko ng gabi kapag MWF. Salungat na salungat sa schedule ko‚ pero tuwing Wednesday ay whole day siya sa Ospital. Tuwing Tuesday‚ Thursday and Saturday naman ay hanggang eight to eight ang duty niya‚ off ang Sunday.
"Grabe yung wish ko ah!! Sobrang wish granted." Kahit sa kabilang linya dinig na dinig ko ang mapaklang tono ni Mia.
Agad akong natawa‚ katawagan ko si Mia dahil wala siya sa school ngayon dahil duty niya mamayang alas nuwebe hanggang alas dose ng tanghali at wala na siyang klase ngayong morning. Habang ako nasa classroom at naghihintay sa professor namin.
"Bakit parehas naman tayong MWF‚ wish granted ka talaga." Pang-aasar ko.
"Kaya nga‚ muntik ng magkasabay ang oras natin." Napangisi ako at hindi napigilang matawa sa sarili niyang pagrereklamo.
Kahit naman ako ay umaasang ka schedule ko si Mia dahil kahit papaano para hindi naman ako ma boring do'n lalo na ngayon na first day‚ kinakabahan pa ako.
"Sige girl‚ kita nalang tayo bukas at mukhang hindi magtatagpo ang landas natin ngayong araw." Pagpapaalam ni Mia matapos ang halos fifteen minutes na pag-uusap namin.
Napatango ako na para bang kaharap ko siya at hindi matigil sa pagtawa.
"Sige‚ goodluck sa duty mo mamaya." Ako bago ko ibinaba ang tawag.
Napangiti ako at binitawan na ang cellphone nang dumating ang prof namin.
Nakinig lang ako at medyo na stress na agad sa umaga ng magpa surprise quiz ito ng napakahaba. Kalahati ang score ko kahit papaano ay pasado kahit hindi prepared.
YOU ARE READING
Love Unknown
RomanceMedical student Nathalie consistently visits her sister, who is a doctor at the hospital owned by the school she attends. She has become acquainted with the hospital staff due to her sister, who also serves as her mentor in various medical aspects. ...