Meet
Kasalukuyan akong tulala sa dingding ng kuwarto ko sabado ng umaga matapos mabasa ang lahat ng article sa internet.
Hindi pa nga ako nakaka move on kagabi sa mga pinagsasabi sa biglaang balita tapos ganito ang bubungad sa aking mga article ang aga-aga.
Kahit ako hindi makapaniwala sa nalaman kong balita. Ipinasara ang school namin. Kinumpirma ko iyon sa mga gc namin matapos kong mabasa ang iba't ibang article at kasalukuyan iyong topic sa buong bansa dahil sa sikat na pangalan ng paaralan. Hindi ko napigilan na maiyak kanina matapos kumpirmahin iyon ng mga professor namin at nagsimulang mag sabi ng mga goodluck and congratulation words sa tatahakin naming journey.
Tapos naman na ang buong isang sem at madali nalang makalipat ng ibang school dahil hindi naman kalagitnaan ng schooling maglilipat. Pero mas naniniwala naman akong hindi na aabot ng panibagong sem na sarado parin ang school namin.
Pero kahit papaano naman may magandang balita din akong nasagap ngayong umaga.
Nasa maayos na kalagayan si Mia.
Nilibot ko ang paningin ko sa malawak na kalsada na kasalukuyang tinatayuan ko. Mabilis akong tumawid sa isang tawiran papunta sa isang coffee shop kung saan namin napag usapan na magkita ni Mia.
"Nathalie!" Nakita ko agad si Mia na naka simpleng puting t-shirt at pencil skirt sa loob ng coffee shop pagpasok na pagpasok ko palang sa loob. Mabilis niya akong niyakap pagka lapit ko sa kaniya habang may malawak na ngiti parang wala lang naganap na malaking pangyayari sa pagkakangiti niya o sadyang wala lang talaga siyang pake o sanay sa mga ganoong pangyayari kaya mabilis niyang nakalimutan lahat ng gabing iyon.
Kaninang umaga tumawag siya sa akin at sinabing ayos lang siya. Halos hindi ako makatulog ng gabing nalaman ko din ang balita. Gusto ko pa ngang sumama sa ospital kay ate kaso hindi niya na ako pinayagan dahil wala naman daw akong gagawin doon. Labis ang pag aalala ko kay Mia kagabi pero tumawag naman siya kaninang umaga kasi nakatulog na daw siya pagkauwi niya sa sobrang kalasingan kaya hindi na naka update sa akin ng gabi.
"Come here!" Aya niya sa akin sa puwesto niya. Buti nalang at medyo malawak at walang tao sa coffee shop dahil sa ingay ng bunganga niya.
"What happened last night?" Hindi pa kami nakaka order lahat-lahat nagtanong na agad ako at hindi ko na napigilan pa.
"Teka lang naman girl! Kuya!!" Gulat na tanong niya sa akin at tinawag ang waiter sa counter at nagsimula siyang um order. Hinayaan ko na siya sa pag order niya at baka nagugutom na din siya.
Kung tutuusin wala rin naman akong kain at almusal pa dahil nga alalang alala talaga ako kay Mia sa nangyari kagabi at hindi na ako makapaghintay na makita na siya at maka pagtanong sa kaniya sa mga naganap sa The Club kagabi.
"Oh ano ngang nangyari kagabi? Atsaka yung tungkol sa school?" Nangangating dila na tanong ko.
"Girl isa isa lang naman!" Pasigaw na sabi niya na halos mapapikit ako dahil ang ingay niya talaga at walang hiya kung may makarinig man sa kaniya. "Ganito nga kagabi kasi hindi natapos ang party sa the club gawa nga ng may mga pumasok na armado." Muling patuloy niya at nagkuwento na nga talaga.
"Oh" tugon ko para magpatulog siya sa pag ku kuwento.
"Eh ayon nga may mga napahamak. Ayon kagabi doon pagkakarinig ko sa mga sabi sabi ng tao doon target naman talaga yung isang politiko na umiinom sa VIP section. Kaso halos lahat ng mga namatay at nasugatan puro estudyante ng MPU gawa ng wala naman kami sa VIP kaya ang daming nagreklamo at ipinasara pansamantala yung school natin."
Hindi ko napigilan na mag mistulang yelo sa harapan ni Mia matapos niyang masabi lahat iyon. Napapa iling ako at nakaramdam ng awa sa mga estudyanteng napahamak at sa mga magulang nila.
YOU ARE READING
Love Unknown
RomanceMedical student Nathalie consistently visits her sister, who is a doctor at the hospital owned by the school she attends. She has become acquainted with the hospital staff due to her sister, who also serves as her mentor in various medical aspects. ...