Blame
"Thank you Callie." Ako na nagpapaalam na matapos kumain at makapagpahinga.
Hindi pa nga ako dapat papauwiin ng lola nila dahil baka gusto ko pa daw magtagal sa bahay nila dahil wala namang lakad ang pamilya nila.
Pero si Callie na ang umayaw dahil may pupuntahan pa daw ako‚ and I thank her with that alam niya naman ang nangyari kay Mia at sa mga mata niya at maamong pananalita sa akin alam kong nag-aalala din siya sa kaibigan ko.
"Ihahatid ko lang siya‚ pumasok kana." Si Cairo kay Callie na may panunukso parin na matang tingin.
Nginitian ko lang siya at sumakay na sa motor ni Cairo.
Ako pa nga ang nag request na mag motor nalang kami dahil malapit lang ang bahay namin hindi na kailangan na sports car.
"Thank you pala ulit sa sopas pasabi sa lola niyo." nangingiting sabi ko habang nakayuko ng mahatid ako sa tapat ng bahay namin. Nakakain na ako ng sopas sa bahay nila pero masyado talagang masarap ang sopas ng lola nila kaya kahit hindi ako nanghingi natuwa ako na kusa akong pabaunan ng lola niya.
"Hmm." Tumango siya at iminuwestra na ako sa loob ng bahay namin.
"Ingat ka." Ako na napapalunok ng makita ang seryosong tingin nito sa akin.
Napahinto ako at tuluyang lumapit muli sa kaniya. Nakita ko ang pagtingjn niya ng deretso sa mata ko na ikinailang ko.
"Bakit?" Ako na parang pasimangot na. "Galit nanaman?" Hindi ko na napigilan at naisiwalat na ang nasa isip ko.
"Tss." He smirked hanggang aa naramdaman ko ang pag hapit niya sa bewang ko. "How did you know my siblings?"
Inirapan ko siya at iyon lang naman pala ang tanong pinapa suspense niya pa ang usapan.
"They are my blockmates." Maikli at tipid na sagot ko. Napatango siya at naramdaman ko ang bahagyang pag galaw ng panga niya.
Hindi ko maiwasan na mapansin iyon dahil kitang kita ko ang muka niya pero masyado akong distracted sa kundisyon ng katawan namin. Masyado kaming malapit sa isa't-isa dahil sa paghapit niya sa bewang ko.
Magsasalita na sana ako ng biglang mag ring ang cellphone ko sa bulsa ng shorts ko.
Napalayo ako sa yakap ni Cairo at sa hindi malamang dahilan parang bigla akong nakaramdam ng panlalamig ng katawan. Tinitigan ko muna siya bago ko tuluyang sinagot ang tawag.
It's Rome.
"Hello Rome napatawag ka?" Ako habang nararamdaman ang pagtitig ni Cairo sa akin.
Naramdaman ko ang paghawak niya at paghaplos sa kamay ko na hindi hawak ang telepono.
"N-nat." Iyon palang ang nasasabi niya pero nabahid ko na sa boses niya ang pagkabasag nito. Dahil doon saka ko lang narinig sa background niya ang ingay sa paligid na hindi ko mabatid kung nagtatalo or nag-iiyakan.
"B-bakit?" Hindi ko napigilan at parang nanlalambot na agad ang mga kalamnan ko hindi pa man niya nababanggit ang dahilan.
"She's gone‚ Mia is gone. My sister is gone." Tuloy-tuloy niya iyong sinabi hanggang sa tumahimik ang linya. Batid kong nag breakdown na din siya doon kaya ako na mismo ang pumatay ng tawag at ako naman ang nanghina.
Pabagsak na sana ako sa lupa kung wala lang si Cairo sa tabi ko. Hindi ko na napigilan ang sarili at naramdaman ko nalang ang tuloy-tuloy at walang awat na pagpatak ng luha ko sa mata.
Sinalo ako ni Cairo at narinig ko ang bahagya at mahinang pagmumura niya.
By now siguro alam niya na ang iniiyak ko. Sa mga kapatid niya palang mukhang nai-kuwento na sa kaniya ang dahilan kung bakit hindi kami natuloy sa pupuntahan namin.
YOU ARE READING
Love Unknown
RomanceMedical student Nathalie consistently visits her sister, who is a doctor at the hospital owned by the school she attends. She has become acquainted with the hospital staff due to her sister, who also serves as her mentor in various medical aspects. ...