Chapter 4
Punishment
"TAAS kamay lang sa may gusto o interesado," anunsyo ng isang athlete sa harapan ng klase. Ako naman ay nakapangalumbaba lang at inaantok sa aking upuan. Sports kasi ang inuna sa ikalawang linggo ng eskwela. Ngayon, ang mga gymnastics ang nasa harap namin, nangre-recruit ng bagong sasali.
Wala ni isa ang nagtaas ng kamay. Gusto ko na nga'ng matawa. Siguro kung may interested, noon pang unang year sila nagtaas ng kamay, 'no? Grade ten na, e'! Sawang-sawa na ata itong mga kaklase ko sa kaka-recruit nila every year.
"Ikaw, transferee?! Masisiyahan ka sa sport na 'to, magda-diet ka nga lang at daily exercise para mas masanay ka," nakangiting baling sa akin ni Ate, iyong leader nila. Nakasuot pa sila ng leggings at nakapusod ang buhok, halatang kagagaling lang sa practice.
Ngumisi ako at umiling. "Pass, Ate. Mas lalo akong se-sexy niyan," I joked. Natawa ang lahat, hinampas-hampas pa ako ni Daphne sa braso.
Napanguso ang babae at nagpaalam na. Bago sila umalis, nagpaalala pa siya na kung may magbabago ang desisyon, huwag lang daw magdadalawang-isip na puntahan siya sa kanilang section. SPS section Rizal ata iyon? Hindi na kasi ako nakinig dahil hindi ako interesado sa gymnastics.
Tuluyan na silang nakalabas ng room at pumasok naman ang tatlong estudyanteng may dalang flash drive. Napahiyaw kami sa tuwa nang malamang wala ang teacher. Mag-iiwan lang daw ito ng video para panoorin namin. Science, ayos! Matutuwa kami nito!
"Himala, ah? Ang tahimik! Dumaan ang Diyos!" si Claud nang matahimik ang buong klase dahil sa video na naka-play sa TV. Hindi ko na siya kinausap dahil alam kong hahaba pa ang talakan kapag pinatulan ko pa.
Bigla kong naalala ang nangyari noong Martes. Pumikit ako ng mariin. Hindi ko pa rin kasi tanggap na wala na nga ang phone ko. Luckily, hindi pa naman nahahalata ni Daddy na wala na akong telepono. Hindi niya naman kasi ako tinatawagan para kamustahin o 'di kaya ay tinatanong tungkol sa buhay ko. Paniguradong si Mommy, alam na pero dahil madalang lang kaming magkita dahil sa trabaho niya bilang doktora, hindi niya pa ako nakakausap.
Noong Martes, diretso akong nag-walk out pagkatapos niyang sabihin iyon. Umiiyak ako habang papauwi kaya si Ate ay nataranta. Nang nasa bahay na, binisita ako ni Fyra kinagabihan para kamustahin.
Bumuntong-hininga ako. Ano pa't iniyakan ko, e', hindi na maibabalik ang nangyari. Bwesit talaga. Sising-sisi ako kung bakit hindi ko sinunod si Fyra na hindi na lang ako lumipat ng paaralan.
Pero naisip ko... Hindi ko makikilala ang dalawang kikay kung hindi ako lumipat.
I pouted before looking at these girls beside me. As usual, nagsusuklay na naman si Daphne sa mahaba niyang buhok habang nakatingala sa flat screen TV 'tsaka si Claud na seryosong nanood.
Umayos ako ng upo. Paano ba ako makakabili ng phone nito, ha... Ayoko namang manghingi kay Mommy, alam ko kasing unti-unti nang bumabagsak ang ospital namin. Kaya siguro pinalipat kami sa mas malapit. Alam kong paratang lang nilang magagamit ang koche pero alam ko... may problema na sa ospital namin.
Pero kita niyo naman, 'di ba? Handang gumastos si Daddy para kay Ate.
I smiled bitterly. Ayos lang iyan, Niva. Ayos ka lang.
Tumayo ako at nag-unat ng katawan. "C.R. lang ako..." hindi ko na nilingon ang dalawa at diretso na akong naglakad palabas ng classroom. Sa banyo nga ang tungo ko. Tinitigan ko ang itsura ko sa malaking salamin.
BINABASA MO ANG
That Timeless Fall (That Trilogy 3)
Romance[R-18] 𝐓𝐇𝐀𝐓 𝐓𝐑𝐈𝐋𝐎𝐆𝐘 𝐁𝐎𝐎𝐊 3 Niechel Valeen Filler or Niva wasn't really worried about anything. She was contented in life even though her father treats her unfairly. She grew up realizing that her mother and sister are the only ones wh...