Chapter 10
Book Store
TINITIGAN ko ang ginagawang paggagamot ni Ate sa aking palad. Presko pa rin ang sugat ko kaya medyo masakit kapag hinahawakan niya. Marahan niya nang dinadampi ang bulak sa aking sugat at paminsan-minsan niya pang hinihipan na akala mo'y mababawasan ang sakit kapag ginagawa niya 'yon.
"You've got to be kidding me! Napakawalang-hiya naman kung gagawin nila iyon at! At! Talagang sa bahay pa ni Mommy, ano?! Mababalibag ko ang hampas-lupang iyon!" pahisterya niyang sinabi at hindi namalayang mariin na niyang hinawakan ang palad ko.
Umangat ang pwetan ko sa aking kinauupuang sofa. "Aray!" inda ko sa sakit.
Parang natauhan siya at agad na binitawan ang kamay ko. Umikot paiitas ang kaniyang mga mata. "Of course, it stings! Who told you to cut your palms, huh? You're such a dumb girl! Paano ka makakasulat niyan mamaya?" tanong niya.
Ngumuso ako at palihim na minura ang sarili. Oo nga, ano? Paano ako magsusulat nito mamaya at ano ang ipaparatang ko kapag tinanong ako ng teacher namin?
"God! Such an idiot..." bulung-bulong niya pero hindi ko na siya pinansin pa. Nanatili ang tulala kong mata sa kung saang banda ng aking kuwarto hanggang natapos si Ate sa kakakuda niya.
Wala si Dad nang makababa kami para sa almusal. Wala rin ang impokritang iyon. I wonder where are they... Baka gumagawa na naman ng milagro?
Nanginig ako sa sariling naisip. What the fuck talaga kapag nagkataon! Hinding-hindi ako magdadalawang-isip na isumbong sila sa Mommy ko para mapalayas sila! Wala akong pakealam kung ama ko iyon! Taksil siya! Hindi niya nga kami inisip man lang ni Ate bago siya nagloko, e'. Tang ina, ha...
Sabay na naman kaming pumasok ni Ate Norleen at as usual, si Pamela ang naabutan ko, nagbabasa na naman ng weird na libro. Nang pumatak ang alas-siyete, kompleto na kaming tatlo sa aming row. Agad na napansin ni Claudine ang aking sugat.
"Ba't ka naman nagkasugat? Alam kong tanga ka pero gusto ko lang malaman ang dahilan," usisa niya.
Matamis akong ngumiti at kinurot ang matangos niyang ilong. "Wala... nasugatan sa bubog kaya ganito," sabay tago ko sa aking palad na mahapdi pa rin.
"Huh? Asan? Patingin!" si Daphne naman. Hindi ako umalma at pinakita na lang ang bandage na nakapalibot sa buong palad ko. Nakakatawa lang dahil mukha akong boxer dito. May bandage ang kamao.
"Get your notebooks and copy this one, class. Dapat ay matapos kayo ngayon. Filler!"
Napatayo ako sa tawag ni Ma'am Magnayon, isa sa terror namin. Unang sulyap ko sa mga mata niya ay agad akong umilag. Ano namang iuutos nito?!
"Ma'am!" tawag ko pabalik.
Ngumiwi siya sabay baba sa kamay na may hawak na mouse ng kaniyang laptop. "Check all their notebooks at ihatid mo mamayang eleven AM sa office ko. Pati itong laptop ko, ihatid mo na mamaya. Slide this," patukoy niya sa kaniyang Power Point.
Aangal sana ako dahil masakit ang aking sugat pero hindi ko na ginawa. Baka mamaya may minus points pa ako.
Ginawa ko ang utos niya. Umupo ako sa teachers chair at pinilit ang sariling isulat ang nasa Power Point. Nakakonekta ang laptop ni Ma'am sa TV kaya nakakakopya rin ang mga kaklase ko.
"Mamaya na! Mamaya na, oy!" angal ng iba nang may nag-udyok sa akin na i-slide na sa next. Natawa ako at tinukso pa sila na ililipat na. Galit na galit tuloy sila at may narinig pa akong nagsabing pabida raw ako.
BINABASA MO ANG
That Timeless Fall (That Trilogy 3)
Romance[R-18] 𝐓𝐇𝐀𝐓 𝐓𝐑𝐈𝐋𝐎𝐆𝐘 𝐁𝐎𝐎𝐊 3 Niechel Valeen Filler or Niva wasn't really worried about anything. She was contented in life even though her father treats her unfairly. She grew up realizing that her mother and sister are the only ones wh...