Chapter 9

26 5 4
                                    

Chapter 9


Ex


"WHAT HAPPENED to your face?" tanong ni Sheywon. Hindi pa rin kasi nawawala ang pamamaga ng pisngi ko. Hindi na ito kasing lala noong nakaraan pero halata pa rin hanggang ngayon. Ngayon niya lang ba napansin? "Someone laid hand on you?" pangungulit niya.

Abala ako sa kakakusot ng basahan. Nasa tabi ko siya, nakasandal sa sink at sinisilip ang mukha ko. "Wala... Natamaan lang sa... ano, pintuan... Noong, uh, Sabado," pagsisinungaling ko.

"Sino'ng niloloko mo?" Marahan niyang hinawakan ang aking pisngi na para bang ine-examine 'yon. Pinaikot ko ang aking mga mata paitaas at hinawi ang kamay niya.

"O.A na masyado!" bulyaw ko. "Natamaan lang ng pintuan, Sheywon, O.A 'to," bulong-bulong ko pa. I heard his hiss but I ignored it.

"Were you sleeping while walking? It looks like someone slapped you or what..." Nanghihinala niya na naman akong tinitigan. Medyo naalibadbaran ako. Bakit ba hindi matigil ang isang 'to? Bwesit!

"Doon ka nga, oh! Tumabi ka kay Daphne o 'di naman kaya ay kay Ate! Pagod ako, Sheywon, galing ako sa training kaya, please lang, hmm? Huwag mo muna akong bwesitin ng husto ngayon," pagtataboy ko.

Para tuloy siyang batang walang magulang nang nagmartsa palayo sa sink. Tumabi nga siya kay Daphne kaya ang gaga, windang na windang at agarang namula sa presensya ng lalaki.

Mahina akong natawa sa aking kinatatayuan. Iba talaga basta katabi mo ang crush mo. Iyong tipong 'gagi' ang masasabi mo imbis na 'gago' kasi natatakot kang ma-turn off siya. Hay naku! Kailan kaya ako magkaka-crush ulit? Matagal na kasi noong huli akong nagka-crush. Ang boring naman kasi kapag wala kang nagugustuhan! Wala kang inspirasyon. Charot! Maharot lang?

Nagkahiwalay lang kaming walo — ako, si Ate, Fyra, dalawang kikay, ang dalawang lalaki sa Buchi Four at si Sheywon — nang matapos ako sa paglalaba at nang nasa labas na kami ng paaralan. Kinawayan ko si Sheywon na pasakay na sa mamahalin nilang SUV.

He smiled at me boyishly before waving his goodbye to us, too. Kinindatan pa ako ng loko bago tuluyang inangat ang salamin ng bintana. Sinundan ko ng tingin ang papalayong sasakyan. Taga saan kaya talaga ang lalaking 'yon?

Maya-maya ay tumunog ang phone ko habang nagchichika si Ate, dalawang kikay at Fyra. Ang dalawang lalaking natira ay may ibang topic din sa kabilang waiting shed.

SB:

Text me when you got home.

Ngumuso ako sa text niya. Parang daddy lang? Daddy na lang kaya ang itawag ko sa lalaking 'to?

I grinned like a moron when I imagined his mad and irritated face when I call him 'Daddy'.

"Ay, oo! Nagtanong lang ako kung nilista niya ba ako sa attendance, sininghalan ba naman ako! Akala niya naman kung sinong maganda siya! Pang-Liza Soberano ba ganda niya? Jennie Kim?! God! Kung hindi lang talaga 'yon pinagkakatiwalaan ni Ma'am, matagal ko nang b-in-ully 'yon!" sunod-sunod na reklamo ni Daphne. Kasing bilis ng bibig niya ang pagsusuklay niya sa dulo ng kaniyang buhok. May natatanggal na ngang hibla dahil sa rahas nito.

Ate laughed mockingly. "Feeling maganda ang babaeng 'yon. First day of class, alam ko nang medyo masama ugali noon. Grade ten, binangga sa balikat ang grade twelve? What the heck, right? And you saw her uniform? My goodness, mukhang hindi man lang pina-iron or what!" she jeered.

Grabe sila... Ayoko na nga'ng makisali. Silang apat talaga ay nagkakasundo basta ibang tao ang pinag-uusapan. Nagi-guilty kasi ako minsan. Parang napaka-harsh na ewan. Bahala sila! Konsensya na nila 'yan!

That Timeless Fall (That Trilogy 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon