Chapter 19

23 3 0
                                    

Chapter 19


Breath


MAIKLI lang ang araw ng lamay. Inihanda ang pwesto kung saan ililibing si Mommy. Sa tabi ng kay Lolo at Lola. Lahat ng naroon ay mga Santimor. Maging ang lolo at lola ng mga grandparents namin ay naroon din.

Mahina ang usad ng sasakyan ni Shey. Umiiyak ako sa tabi niya at si Ate ay ganoon din sa backseat. Walang imikan, tanging singhot at hikbi lang ang naghahari sa pagitan naming tatlo.

Hanggang sa nasa sementeryo na kami. May malaking tent na kulay puti, doon gaganapin ang maikling misa. Huminto na rin ang sasakyan na kung nasaan naroon ang kabaong ni Mommy. But I would prefer call it 'her bed'.

Mainit ang sikat ng araw kaya ang kulay itim na payong ng mga dumalong doktor at nurses ay ibinuklat na nila. Sheywon held the black umbrella for us.

Nagsimula ang maikling misa. Tahimik kaming nakaupo sa harapang parte ng mga nakahelerang monoblock chair. While the priest is busy preaching, abala naman ako sa kakaamoy ng scarf ni Mommy. Mukhang ito na lang ang natitirang gamit niyang hindi pa nalalabhan. At wala akong planong palabahan ito.

I will surely miss her scent.

Bumuhos ang aking luha. Hindi iyon nadala sa simpleng pag-inom ng bottled water dahil umaapaw ang emosyon ko ngayon.

"Until her very last breath... Mga anak ng yumao..." tawag ng pastor. Tumayo kami ni Ate. Ito na ba ang huling yakap? Ayoko! Hindi ko pa ata kaya!

Mukhang iyon na nga dahil yumuko agad ang Ate ko at niyakap ng sobrang higpit ang kabaong. Humagulgol ang lahat, maliban sa matatapang na lalaki.

Parang ayokong yumakap. Lumunok ako at hinaplos na ang salamin ng kabaong. Mula sa malayo, kita ko ang pag-iyak ni Fyra, Gion at Jaymark. Siyempre, dahil malapit sila sa ina ko. Habang ang dalawang kikay ay malungkot na nakatitig sa amin.

I cleared my mind before I say my goodbyes to her inwardly.

Thank you, Mom... Sa lahat. Mula sa pagtanggap sa akin nang nabuo ako, kami ni Ate. Hanggang sa isinilang mo ako, inalagaan, hanggang sa maging ganap na dalaga. Salamat sa sakripisyo, sa paghihirap at sa paglaban. Mahal na mahal kita, Mommy. Alam mo naman iyon, 'di ba? Alam mo iyan pero hindi ako magsasawang ulit-ulitin iyon.

Pangako, tutuparin ko ang mga ipinangako ko sa'yo. Huwag mo nang isipin ang mga iniwan mo sa amin dahil ligtas ito. Sana maging masaya ka sa paglalakbay mo... Mahal na mahal kita. Iyan ang tatandaan mo.

Paalam...

Nanglaban na ako nang isinara na nila ang kabaong. Mahapdi ang braso ko dahil sa pagpigil ni Ate. Dahan-dahan nilang ibinaba sa hukay ang kabaong kaya sumigaw ako ng sobrang lakas.

"Mommy! Sandali lang p-po! Hindi pa ako tapos! Mom!"

"Niva! Tama na, please... Aalis na si Mommy..." nanghihinang pigil ni Ate.

They threw white roses. Sumalampak ako sa leeg ni Ate at doon na lang ibinuhos ang sakit na nararamdaman. Wala, e'... Kapalaran na ang gumalaw kaya wala na kaming magagawa pa kahit umiyak kami ng dugo rito.

Tulala ako pagkatapos. Makakaahon ako... Hindi pa nga lang sa ngayon pero alam kong makakaahon ako sa kalungkutang ito.

Hindi sana ako mahihinto sa kakatulala kaso nakita ko ulit ang bultong ilang taon ko nang huling nakita.

Tumayo ako, nanlalaki ang mga mata. Lalo na noong humakbang ito papalapit sa tent kung saan kami nakasilong.

Hinanap ng mga mata ko si Sheywon at Ate. Nasa may lapida sila, sinisilip ang ginagawang pag-aayos ng isang lalaki roon. Malayu-layo sila sa akin at papalapit na ang bulto!

That Timeless Fall (That Trilogy 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon