Chapter 17

24 3 3
                                    

Chapter 17


Fine


NAWALA rin naman iyon sa sumunod na araw. Hindi na muling nagpakita o nagparamdam kaya pakiramdam ko'y gusto niya lang talagang magpapansin o takutin kami?

Naging abala na rin kami ni Ate sa nalalapit na death anniversary ng Lolo, ang papa ni Mommy, kaya nang malaman niya'y hindi na siya gumawa ng aksyon. Mas mabuting hindi na lang kami magpapaapekto para hindi kami mas lalong mangamba.

So when May came, hindi gaanong malaking handaan ang gaganapin sa mansyon. Mga kasambahay ang kasama naming kakain at si Mommy lang. Wala si Sheywon at mga kaibigan ko dahil ang ilan ay nasa bakasyon.

Suot ko ang kulay peach na dress na bigay sa akin ni Mommy noong New Year. Handa na ang sasakyan. Bibisita muna kami sa sementeryo bago ang kainan. Si Ate ang naantasang magda-driver kaya nasa labas na siya.

"Pakilagay nito, Rita, please..." si Mommy at inutos sa mga katulong ang palumpon ng bulaklak. I noticed that Mom really aged a lot. Kumukulubot na ang balat niya at mapusyaw lalo. Makapal ang pulang lipstick niya kaya nagtaka ako.

She doesn't like bold make-up...

"Niva, dali!" si Ate mula sa sasakyan kaya agad akong sumakay sa backseat at hinintay na pumasok na rin si Mommy.

"Please, bantayan n'yo ng maigi ang bahay... Andres, tatawagan ka lang namin kapag nagkaaberya, magagamit naman ang isang sasakyan." Marami pa siyang bilin sa maiiwan sa bahay bago kami tuluyang nakalayo. Ate seems didn't notice the aura of our mother so I didn't bother to share, too. Hindi na ba p'wede'ng magpaganda ngayon, Niva? Hay naku!

Nagdasal kami sa puntod ni Lolo at binisita na rin namin ang kay Lola. Naging emosyonal si Mommy kaya lumayo kami sa kaniya upang bigyan ng privacy. Si Ate naman ay sinuyod ang ibang lapida'ng naroon sa bermuda. Nanahimik ako sa isang bench, mainit-init na rin kasi kaya ayokong maglakad-lakad.

Alas onse na nang natapos kami roon. Diretso kami sa bahay para sa selebrasyon. Hiyang-hiya pa ang mga katulong na makisabay sa amin, ngunit si Mommy ang nag-imbita kaya wala na rin silang nagawa kung hindi ang sumunod.

That day ended with a toast. Pagod din ako kinagabihan at medyo natamaan sa isang basong wine lang naman. Mababa ata ang alcohol tolerance ko? O hindi lang talaga ako sanay?

Anyway, busy si Sheywon sa nalalapit na enrollment. Magiging malayo na ang school niya kaya madalang na rin siguro kaming magkikita nito.

Umidlip ako at hindi namalayang tuluyan na akong nakatulog. Kinaumagahan ay wala akong planong gawin. Nalulungkot ako na ewan.

Bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Bakit nangungulila... Nangungulila?! Ulol! Bakit naman daw? Hindi ko naman siya boyfriend para mag-react ng ganito kalala?

Gusto ko na rin siyang tawagan kaso pinipigilan ko ang sarili.

"Busy siya, Niva, ano ba..." inaantok kong bulong sa sarili. Umagang-umaga at siya na ang bumungad sa isipan ko. Nakakairita. Ano ba ang nangyayari sa akin?

Hindi naman ako tinawag para sa almusal kaya tumunganga lang ako sa aking kama at hindi maintindihan ang nararamdaman. Naiyak pa talaga ako. The hell! Ano ba ito...

Trying to divert my thoughts, nag-open ako ng social media. Ngunit bumungad sa akin ang post ni Sheywon. May kaakbay siyang babae. Maganda, chinita, mala porselana ang kutis at mapula ang labi. Maganda rin ang pangangatawan. Agad akong napaahon sa aking kinahihigaan.

That Timeless Fall (That Trilogy 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon