Chapter 38
Eternity
KUMALAS mula sa mahigpit na pagkakayakap sa akin si Shey at isinandal ang noo niya sa aking noo. Awtomatiko akong pumikit dahil sa ginawa niya. His hot tears dripped on my lips. Nalasahan ko ang alat noon. I pursed my lips and licked his tears. "Shey... Gusto kong ipagdamot pero h-hindi ko magawa dahil..." I trailed off.
Kiniskis niya ang kaniyang ilong sa akin at malakas na bumuntong-hininga. "I missed you, love..."
Nagkagat-labi ako. Parang umikot ang aking tiyan dahil sa mga nagwawalang insekto roon. Kumapit ako sa tagiliran niya, ramdam ko ang tigas noon.
"Uhm... Patapusin mo muna ako, puwede?" iritado kong sinabi kahit na kinikilig ako sa ginagawa niya sa aking ilong ngayon.
He chuckled. "Yes, baby, I'm sorry," sabi niya kaya sa wakas ay makakapagpatuloy na ako.
"I'm sorry. Una, sorry kasi... basta na lang kitang iniwan. I was so broken, Shey, and in panic. Nalaman ko pang buntis ako na siya namang pagiging malamig ng tungo mo sa akin. I was actually planning to tell you about my pregnancy but... That woman! Iyong fiancé mong kinulang sa gatas ng mama niya! Hinarangan ako at ikaw naman, kinampihan pa!" Pinagbababayo ko ang kaniyang dibdib pero hindi siya natinag.
Dumilat ako at natagpuan ang matamis niyang ngiti, nakapikit pa rin.
"Alam mo bang sobrang nasaktan ako no'n! Gulong-gulo ang isip ko! Kung paano ko sasabihin sa'yo gayong pamilya mo na ang nagdesisyon na magpapakasal ka sa babaeng iyon... And my Dad was hurting me that time even though he already knew I was pregnant... Natatakot ako para sa mga bata kaya umalis kami ni Ate. Nanirahan kami sa-"
Humiwalay siya at siniil ako ng mainit na halik. Suminghap ako nang pinanatili niyang marahan, magaan at malambing ang kaniyang halik. I can feel all of its detail and tenderness. Sobrang nakakagaan ng pakiramdam iyon at tila lahat ng pagtatampo ko sa kaniya ay nilamon na ng kadiliman.
He broke the kiss and held the sides of my neck. Pilyo siyang ngumiti, dinilaan ang labi niya at sinabit ang takas kong buhok sa likod ng tainga ko.
"States, right? You don't have to say that, actually, my love. Alam ko na lahat... You were helped by that Johnny, right?" Ngumiwi siya nang binanggit ang pangalan ni Johnny.
Nalaglag ang panga ko. "Paano mo nalaman iyan?!"
He smirked. "Of course, Norleen is always my ally," mayabang niyang saad at titig na titig sa kabuoan ng aking mukha.
Napanguso ako. "Kung sa bagay... Noon pa man, botong-boto na siya sa'yo. Kahit nga sinaktan mo ako noon, nagdadalawang-isip pa rin siya kung magagalit ba siya sa'yo o ipagtatanggol ka pa. Ewan ko ba!" I grimaced.
"Hmm... Can we watch the videos and pictures together? I waited for you to wake up but you didn't so I hugged you. Can we?" Nilabas niya mula sa kaniyang bulsa ang aking phone.
Huminga ako ng malalim at tumango. Nauna siyang sumampa sa kama at nahiga sa kaliwang parte. Pinagmasdan ko ang katawan niya. Niva, relax ka lang muna, okay? Wala pang gano'n! Kaaayos niyo lang, de puta ka!
Umupo ako sa tabi niya at wala sanang balak humiga dahil mas lalo lang dudumi ang utak ko, kaso, hinila niya ako at pinahiga sa isa niyang braso. His scent coated my nose. Shems!
Binuksan niya ang gallery sa phone at pinuntahan ang album na may nakalagay na 'Mom's Journey'.
"Let's start form the very first one, Niva," utos ni Sir kaya sc-in-roll ko ito papunta sa kauna-unahang mirror shot ko. Isa't kalahating buwan pa ang tiyan ko ro'n kaya parang normal pa lamang ito. "You're so hot..." papuri niya.
BINABASA MO ANG
That Timeless Fall (That Trilogy 3)
Romantiek[R-18] 𝐓𝐇𝐀𝐓 𝐓𝐑𝐈𝐋𝐎𝐆𝐘 𝐁𝐎𝐎𝐊 3 Niechel Valeen Filler or Niva wasn't really worried about anything. She was contented in life even though her father treats her unfairly. She grew up realizing that her mother and sister are the only ones wh...