Chapter 21
Curse
BUONG akala ko'y hindi na magpapakita pa si Daddy. Buong akala ko ay napagod na siya or na-realize niyang wala na talaga kaming balak na tanggapin pa ang mga sorry niya. Nagkakamali lang pala ako, kami ni Ate, rather. Dahil sa sumunod na linggo, bumalik na naman ang araw-araw na pagbisita ni Dad sa mansyon.
Minsan ay umaabot siya sa labas ng university na pinapasukan namin ni Ate! Aniya pa ay sinusundo niya kami dahil baka may masasamang loob na magtangka sa amin!
"Oh, gosh! Dad, ngayon mo pa inaalala iyan? Sa ilang taon mong pagkawala sa tabi namin, really? Ngayon ka pa mag-aalala kung may mananakit sa amin?!" Ate's almost hysterical complaints. Panay ang offer ni Dad na sumakay na sa luma niyang pick-up pero si Ate, marahas lamang na hinihila ang aking braso patungo sa bus stop.
Magba-bus kami?!
"Ate, sumakay na lang kaya tayo? Makakatipid pa-"
"No. Fucking. Way! Mas gugustuhin kong mahimatay sa baho ng putok ng katabi ko sa bus kaysa ang sumakay sa sasakyan ni Dad! Oh my God, Niva, go on if you want. Basta ako? Magko-commute ako!" sabay bitaw niya sa akin at halukipkip sa bandang bus stop.
I heaved a heavy sigh before facing my back. Naroon nga ang sasakyan ni Dad, kanina pa ito nakasunod sa amin at wala ring tigil ang pangungumbinsi na sumakay na lang kami roon.
Actually, kung ako ang papipiliin, bababaan ko ang pride ko at sasakay na lang ako roon! Makakatipid na, mapapadali pa! Kaysa sa bus, hihinto pa 'pag may pasahero sa unahan. Masyado ring mahal ang taxi! Hay naku, Norleen Filler, kahit kailan ka talaga...
"Ate, kahit ngayon lang?" Kinalabit ko siya pero inirapan niya lang ako. Isang bus ang huminto sa harap namin at walang pasubali siyang sumakay roon, iniwan ako!
Laglag ang panga, sinundan ko ng tingin ang bus na nakalayo na. Ang babaeng iyon...
"Grabe. Ang saya!" sarkastiko kong bulong sa sarili.
Busangot ang aking mukha nang pumihit sa kasalungat na direksyon. Huminto ako sa gilid ng sasakyan ni Dad at kinatok ang bintana. At dahil lumang modelo ito, hindi ito automatic na baba, kailangan mo pang ikutin ang kung ano para bumaba ang salamin.
Malapad ang ngiti ni Dad nang tuluyan nang bumaba ang salamin sa pagitan namin. "Dito ka na, anak... Your sister seemed very moody," si Daddy at pinagbuksan na ako ng front seat.
Lumunok ako 'tsaka pumasok na. Buong byahe ay siya lamang ang nagsasalita. Hindi ko naman maintindihan ang mga sinasabi niya sa akin dahil okupado ang utak ko. Ang isang parte ng aking utak ay nakay Sheywon habang ang isa ay nakay Daddy.
Una. Anong pakulo ito? Sundo-hatid, gano'n? Hanggang kailan ba ang eksena'ng ito at kailan 'to matatapos? At kapag nakuha niya na ang loob namin — not that we're going to forgive him easily — ano na ang susunod niyang gagawin? Magbabago na kaya siya ng tuluyan?
Pangalawa. Ano kaya'ng ginagawa ni Shey ngayon? Kaka-text niya lang kanina at ang sabi niya ay nagbabasa siya ng libro sa bakanteng room ng ospital nila, pero paano ngayon mismo? Nagbabasa pa rin? Baka pumutok ugat niya sa ulo niyan?!
I tilted my head and opened my phone.
"If you want, daughter, we'll go shopping. I noticed before that you rarely buy things for yourself so I think it's a good idea... Right? Ano ba ang mga kailangan mo ngayon? I'll pay for it!" tanging naintindihan ko sa rami ng mga kuda ni Daddy sa aking tabi.
BINABASA MO ANG
That Timeless Fall (That Trilogy 3)
Storie d'amore[R-18] 𝐓𝐇𝐀𝐓 𝐓𝐑𝐈𝐋𝐎𝐆𝐘 𝐁𝐎𝐎𝐊 3 Niechel Valeen Filler or Niva wasn't really worried about anything. She was contented in life even though her father treats her unfairly. She grew up realizing that her mother and sister are the only ones wh...