Chapter 34

42 3 0
                                    

Chapter 34


Tinted


HANGGANG ngayon ay parang hindi pa napoproseso ng utak ko ang nalaman mula kay Daphne. Nang tumawag siya ulit ay nasa tabi ko si Hirra, umiinom ng mainit na gatas kaya nang mahagip sa camera ay gulat na gulat si Daphne.

Ayoko nang itago pa ang mga anak ko kaya sinabi ko na sa kaniya. Kagaya ng naging reaksyon ni Tito, sigaw at tanong ang pinaulan niya sa akin. At hindi lang iyon, pinagkalat niya sa GC naming magkakaibigan ang balita.

Kaya ngyon, tadtad ng mensahe ang aking Messenger.

You: gaga 22o ngah!

Faying: ang sama mo! ako sana ninang ng mga yan huhu!

Gion: And I'm the ninong.

Claudine: ayoko nang mag presenta, ninang na ako sa anak ni gion eh haha

Napangisi ako. Oo nga pala at may anak na rin si Gion. Dalawang taong gulang pa ata ito at lalaki. Hindi na ako magtataka dahil noong nabuntis ako, nag-aaral pa sila. Hindi naman ako naiingit. Bakit naman ako maiinggit, e', dalawang biyaya ba naman ang binigay sa akin?

Daphne: BWAHAHAHA patay ka sa pasko niyan, lapit na oh! Sept na. Sabi ni gion dapat mamahalin ang regalo sa anak nya

Kahit nasa mensahe lang iyon ay naririnig ko ang boses ni Daphne. Nagpaalam na rin ako kalaunan na magla-log out na dahil may dalawang bata pang pakakainin ng pananghalian.

Hindi lumabas si Ernus sa kuwarto kaya hinayaan kong mag-isang kumain ng lunch si Hirra sa center table. Takot akong iwanan siya sa dining, baka mahulog.

Sinilip ko muna si Ernus at nakita kong nagdo-drawing siya sa kaniyang papel. Nang makalapit ako ay nakita kong may dalawang maliliit na stick na tao roon, nahulaan kong sila iyon ni Hirra. Ngunit nagkasalubong ang kilay ko nang mapansin ang dalawa pa sa tabi nila. Magkahawak ang kamay at nakangiti.

"Sino ang mga iyan, anak?" Tinuro ko ang dalawang naiibang imahe. May naiisip na akong maaari niyang isagot pero...

"You and... Daddy," sagot niyang dahilan ng pagsikip ng aking puso. Sa bawat pagkakataon na nakikita kong nangungulila si Ernus sa ama niya, parang dahan-dahan din akong tinutulak ng konsensya ko sa bangin.

"M-Malapit na ang Christmas break niyo sa school... Gusto mong umuwi muna tayo sa Pilipinas? I mean... we won't stay there for long, I'll just try to..." Hindi ko madugtungan iyon dahil maging ako'y hindi sigurado kung makakaya ko bang kausapin si Sheywon.

Sa totoo lang kasi, hindi ko na talaga kayang makita ang malulungkot na mata ng anak ko. Nagmumukmok sa kuwarto at gumagawa ng mga bagay na konektado sa ama niya. Hindi ko kaya... Para akong pinapatay nito...

Gulantang siyang napatayo at niyakap ako sa aking leeg. Nakaluhod lang kasi ako sa may paanan ng kama niya kaya madali lang na yakapin niya ako.

I rubbed my son's back and kissed his lips. "Don't be sad anymore, okay? Mommy will try to talk to your dad... I promise. Gagawin ko ang lahat, anak, para makita mo ang daddy mo... Pero may kundisyon ako!" I pouted and caressed his reddish cheeks.

Hinintay niya ang sasabihin ko. Pinanggigigilan ko ang matangos niyang ilong. "Kapag sinabi kong uuwi na tayo, hindi magpupumilit na mag-stay kay Daddy, ah? Tapos bibisitahin natin si Lolo roon sa bahay... Okay ba iyon?" malambing kong sinabi at kiniliti siya sa tagiliran.

Napuno ng tawanan ang kuwarto hanggang sa narinig ko ang tawag ng malditang babae sa labas. Kasama ko na si Ernus nang lumabas kami. Nakahanda na ang pagkain niya sa center table kaya sinimulan niya nang kumain.

That Timeless Fall (That Trilogy 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon