Chapter 5

25 5 0
                                    

Chapter 5


Sir


NAGISING ang diwa ko nang makarinig ng kalabog. Sa kaba ko'y papungas-pungas akong lumabas ng kuwarto at kahit nasa may hagdanan pa lang, dinig na dinig ko na ang sigawan ni Mommy at Daddy sa sala. Sa takot kong madamay sa away ay nagtago ako sa pader at palihim silang pinakinggan.

"You're being so unfair, Vinnito! Pagmamay-ari nating dalawa ang ospital kaya dapat, bawat desisyon na gagawin mo! Bawat hakbang na isasagawa mo ay dapat alam ko! Dapat hinihingi mo ang opinyon ko kasi malaki rin ang ginagampanan ko sa ospital!" boses ni Mommy.

"Hmm... Sinusumbatan mo ba ako, Linda?" nakita kong tumayo si Dad at nilapag ang baso ng alak sa center table. Nanginig agad ang kamay ko sa maaari niyang gawin kay Mommy.

My mom heaved a sigh problematically. "No... Hindi iyan ang punto ko! Ang akin lang, bakit mo isinangla ang ospital na hindi man lang pinapaalam sa akin-"

"At kung ipinaalam ko sa'yo, may magagawa ka ba para maisalba ang putang inang ospital na iyon?!" Dad's voice roared all over the mansion.

Hikbi ni Mommy ang namutawi pagkatapos niyang ibato ang mga salitang iyon. Gusto kong tumakbo papalapit sa mga magulang ko para awatin sila. Nasasaktan si Mommy kahit kaunting salita lang. She's so fragile... while my dad's the breaker.

"H-Hindi... pero sana, respeto ang ibinigay mo, Nito... K-Kasi asawa mo ako, e'! Magkasama dapat tayo sa lahat ng problema, hindi mo dapat sinasarili... atin ang ospital kaya dapat, tayong dalawa ang magdedesisyon... Pero sana huwag ka namang magalit kong tatanungin kita kung bakit hindi mo sinabi sa akin," she sobbed more. "Hindi ko nga malalaman kung hindi sinabi sa akin ni Attorney Proterio-"

"Nakikipagkita ka sa lalaking iyon?" ngayon, nahihimigan ko na ang matinding galit sa boses ni Dad.

Kumuyom ang kamao ko at naalerto. Hindi niya p'wedeng saktan ang Mommy!

"H-Hindi rin, hon... Nagkita lang kami sa ospital kahapon nang papunta siya sa office m-mo kaya-"

Isang lagapak at natahimik ang ina ko. Ang kanina kong pinipigilang luha, tuluyan nang pumatak. Parang natamaan din ako sa sampal na iyon. Paano niya nasasaktan ang babaeng pinakasalan niya at pinangakuan sa harap ng Diyos? Paano niya kayang bastusin ang babaeng walang ibang ginawa kundi ang mahalin at alagaan siya? Ganiyan ba siya kasama? Tangina, asawa niya iyan!

"At nagawa mo pa talagang lumanding babae ka-"

"Hindi malandi ang mommy ko!" bago ko pa mapigilan ang sarili, lumabas na ako sa aking pinagtataguan at nanlilisik ang matang hinarap ang ama ko. Ama nga ba? Tangina, parang nandidiri ako at siya pa ang naging ama ko.

Gulat na gulat ang mommy ko nang humarap sa akin. Maputla at nangangayayat, iyon agad ang napansin ko sa kaniya. Mas lalo lang akong nanlumo. Ang iba, kaya niyang pagalingin, alagaan, mahalin, habang ang sarili niya? Napapabayaan niya na!

Kahit hanggang balikat lang ako at kailangan pang triplehin ang maliit kong pangangatawan kumpara kay Daddy, nagawa ko siyang titigan ng puno ng pagkamuhi. Hinarangan ko ang mommy kong pagod na pagod na umiiyak.

"Ba't mo siya sinasaktan, ha?!" sigaw ko nang walang pag-aalinlangan.

Ngumisi si Daddy at nagpamaywang sa harapan habang humihithit ng kaniyang mamahaling sigarilyo. Binuga niya ang usok sa mismong mukha namin ni Mommy kaya napapikit ako at mas lalo lang umalab ang galit sa kaniya.

"Manang-mana sa ina..." he uttered briefly before drinking the remaining liquor on his glass. Nagtiim-bagang ako at halos magmakaawa na ang mga mata.

That Timeless Fall (That Trilogy 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon