Chapter 13
Truth
WELL, that was one of the most memorable birthday I ever had. Natapos ang gabing iyon sa simpleng pagpaalam.
Ngayon, pinagmamasdan kong muli ang aking mukha at suot sa malaking salamin ng aming dance studio. Labing-lima kaming lahat na sasayaw sa intablado. Ngayon ang intrams ng school namin at isa kami sa grupong napiling magbigay ng dance number. Kababalik lang ng klase galing sa sembreak ngunit ito agad ang bungad. Tama ba ang schedule nila?
"Filler, kaunti lang ba ang kinain mo ngayon?" Ngumisi si Wendy, kasama ko sa dance troupe. Ako kasi ang ihahagis nila mamaya sa ere dahil ako ang pinakamagaan sa aming lahat. Parang cheer dance kasi ang choreo na itinuro ni Coach.
Tumango ako at ngumiti na rin. "Hmm... Baka masuka ako mamaya." Sabay kaming natawa at nag-warm up. Habang abala ako sa pag-uunat ng katawan, nakarinig ako ng mga bulong sa mga kasama ko.
Nang tumingin ako sa salamin, papalapit na sa akin si Rhian. Naalala niyo 'yong babaeng attitude sa floor nina Sheywon? Siya iyon! Noong nakaraang araw kasi, sinabunutan niya ako bigla. Galit na galit siya sa hindi malamang kadahilanan. Pero feeling ko, galit siya dahil buong akala niya'y may relasyon kami ni Sheywon!
Meron naman talaga! Magkaibigan kami, e'! Relasyon din naman iyon!
Kahit wala pa siyang ginagawa, nanginginig na ako sa pangamba. Baka sabunutan ako bigla at ma-injury ako! Hindi ako p'wedeng magkasugat dahil ako ang nasa gitna mamaya!
"Hmm..." Humalukipkip si Rhian at ang mga alipores niya sa likuran ko. Matalim niya akong pinagmasdan mula sa salamin. Pilit ko siyang inignora pero nang bigla niyang hinablot ang maayos na nakapusod kong buhok, nakuha niya ang buo kong atensyon. "Swerte ka lang noong Lunes dahil kasama mo si Sheywon, malandi ka!" bulyaw niya na umalingawngaw sa buong studio.
Napatingala ako at dumaing. Pucha naman talaga, oh!
"H-Hindi ko siya boyfriend, ano ba! Kapag ba magkasama, may relasyon na agad, huh?! Utak mo may tutuli-"
"Ugh!" Napapadyak siya sa inis at mas lalo lang kinaladkad ang buhok ko patungo sa isang sulok. Hindi ako nakalaban dahil masyado siyang matangkad at wala man lang nagtangkang tulungan ako.
"Oh my God! Tumawag kayo ng teacher, dali! Filler, ayos ka lang?!" nataranta bigla si Wendy. Inabot niya ang kamay ko pero ang isang alipores ni Rhian ay nahila na ang kaniyang neckline. "Let go of me! Damn you!"
Ang mapusyaw na balat ni Wendy ay namula dahil sa mariing hawak ng babae.
"Bigla na lang akong tinalikuran ni Shey dahil sa'yo!" Hinampas ako ng libro ni Rhian na napilot niya sa kung saan. Mabuti na lang at nasangga ko iyon gamit ang aking braso kaya iyon lang ang sumakit.
"Hindi ko na kasalanan iyon! Ano ba, bobo ka ba?! Ang kitid ng putang ina mong utak-"
"Lumalaban ka pa, huh?!" Isang malakas na sabunot pa at natahimik ako. Pakiramdam ko ay nahablot niya lahat ng hibla ng aking buhok at namanhid ang aking noo sa sobrang sakit. Sumakit din pati ang aking batok. "So, ano ngayon? Nasaan na ang knight and shining armor mo? Wala!" Impakta siyang tumawa at ang dalawa niya pang alipores. "Past time ka lang niya! Hindi ka niya sineseryoso! Magkaibigan lang ang turing niya-"
"A-Aba'y bobo ka nga! Talagang magkaibigan lang naman talaga kami! Sino b-ba ang nagsabing may relasyon kami, ha, dahil sobrang bobo niya, sagad!" pinilit kong isigaw iyon. Mas lalo lang akong napaupo sa sahig at na-corner na sa kanto nitong studio. Malamig ang salamin sa aking braso. Halos dumikit na ako roon dahil sa paa niyang nakatapak na pala sa aking mga daliri sa kamay. "Rhian, tigilan mo na ako..."
BINABASA MO ANG
That Timeless Fall (That Trilogy 3)
Romance[R-18] 𝐓𝐇𝐀𝐓 𝐓𝐑𝐈𝐋𝐎𝐆𝐘 𝐁𝐎𝐎𝐊 3 Niechel Valeen Filler or Niva wasn't really worried about anything. She was contented in life even though her father treats her unfairly. She grew up realizing that her mother and sister are the only ones wh...