Prologue
HINDI ako nagpakita ng kung anong reaksyon sa mga sinasabi niya. Inaasahan ko nang mangyayari ito. Pero bakit ngayon pa? Ngayon pa na nagkatambak-tambak na ang mga problema ko. Simula sa pamilya, trabaho, tapos ngayon... iiwan niya na raw ako?
"I realized that being with you isn't worth it and fun at all. Kinokontrol mo ako, Niva," lasing niyang sinabi. I'm still wearing my usual uniform here in the bar.
"Okay..." Napayuko ako at panibagong mainit na luha ang pumatak sa aking mga mata.
"At saka... You're still young. Malayong-malayo ka sa mga batchmates kong naghahabol sa akin..." He laughed nonchalantly again. May kaunting sinok akong narinig, lasing na nga.
"Oo... Umuwi ka na, lasing ka na-"
"See! That's why I'm breaking up with you, Niva! Puro na lang ikaw ang nagdedesisyon sa buhay ko," dagdag niya. I only nodded even if it's breaking my heart.
"F-Fine..." pabulong kong sinabi at tahimik na umiyak sa gilid niya. Inubos niya ang alak at binigay sa akin ang boteng wala nang laman. Lumunok ako at nagpalis ng luha bago iyon tinanggap. Nanginig ang kamay ko.
"Take it, Miss Waitress," sabi niya na para bang nandidiri sa akin bago ako nilagpasan at pumasok sa kaniyang sasakyan. Naalarma ako. Lasing iyon! Magmamaneho siya?!
Gusto ko siyang pigilan pero kusa ring umaatras ang mga paa ko palayo sa lugar na iyon. Mabilis kong nilapag ang bote sa mesa at umiiyak na tumakbo patungo sa daanan pauwi ng bahay. Nagta-tricycle ako minsan pauwi pero ngayon, mas gusto kong pagurin ang sarili para pagkauwi, matutulog na agad at makalimutan ang sakit.
PAUNANG bungad agad ni Daddy ang magulong mansiyon, nagkalat ang basag na boteng pinag-inuman niya ng alak buong araw. Mga asher at mismong upos na sigarilyo sa sahig.
Napabuntong-hininga ako at namumugto ang matang nilapag sa maruming sofa ang aking bag. Habang naglilinis ng buong sala, umiiyak ako at humahagulgol. Panay ang palis ko sa mga luha kong walang awat din namang bumubuhos.
Naiisip ko pa lang muli ang mga sinabi ng lalaking mahal ko kanina, nadudurog nang paulit-ulit ang puso ko.
Pawisan at luhaan, natapos ko ang paglilinis. Marahan kong pinatayo si Daddy na lasing na lasing. Pilit ko siyang giniya sa kaniyang kuwarto.
"Dad... Please..." Garalgal ang boses ko nang sabihin iyon. Panandaliang dumilat ang mga mata niya. Humiwalay siya sa akin at lasing na dinuro ang aking mukha. Yumuko muli ako.
"Ikaw... Matigas ang ulo mong bata ka!" Isang malakas na sampal ang ginawad niya sa akin. Hindi ako nakaimik. Namanhid ang pisngi at leeg ko pero mas nanaig ang sakit ng puso ko. "Nakipagkita ka na naman sa lalaking iyon! Sinabi ko na sa'yong walang maidudulot na matino ang binatang iyon, Niechel! Dapat ay ipagpatuloy mo na lang ang kurso mo at hindi ka nagpauto sa kaniya! At ngayon? Ano? Sa tingin mo, bilang isang hamak na waitress, matatanggap ka ng marangya nilang pamilya?! At iyang batang..." buong lakas niyang sigaw sabay sulyap sa aking tiyan. "Hindi nila tatanggapin iyan, estupida!" dagdag niya. May sumakal ata sa puso ko pagkatapos isigaw ni Daddy iyon.
Nagkandalunok-lunok ako. Umiling ako para ipagtanggol ang sarili. "W-Wala po kaming ginagawang kung ano... N-Nakipaghiwalay lang siya sa akin, Dad... A-At kaya ko namang buhayin-"
"Ha!" Humagalpak siya ng tawa. "Mabuti naman at natauhan na kayong dalawa?! Isa kang malaking disappointment sa akin, Niechel..." Umiling siya. "Bakit hindi ka na lang gumaya sa kapatid mo? Hay naku! Disgrasyada!" Pagkatapos niyang sabihin sa akin iyon ay tinalikuran niya ako at tinungo ang kaniyang kuwarto.
Buong gabi, umiyak lang ako. Panay ang text ng mga kakilala ko sa akin na pinapaalala ang kasalan na magaganap bukas, pero wala ako sa tamang huwisyo na sagutin ang sino man sa kanila. Binabasa ko lang ang mga minsahe habang yakap ko ang sarili sa kama, umiiyak. Maging ang kuwarto ko pala ay magulo na't parang walang alaga ng ilang taon.
Napapabayaan ko na pala ang sarili ko... Hindi ko napansin... dahil lahat ng oras ko, naibuhos ko sa kaniya. Sa lalaking minahal ko, sa lalaking minamahal ko, at sa lalaking sa tingin ko ay mamahalin ko pa kahit ang sakit-sakit na.
Wala sa sariling napatingala ako sa malaking orasan nitong aking kuwarto. Luma na rin at sira. Hindi na umiikot, hindi na gumagalaw. Sana nga literal na hindi na lang gumalaw ang oras. I want the time to stop. To stop all by its own hands... To stop the time is like to stop the pain I'm feeling right now. To stop the time is like to stop him from leaving me. To stop the time is like stopping them to hurt me...
I hope his love... their love is timeless. Lasting forever...
Napahagulgol muli ako. Ang liwanag ng buwan ay sumusungaw mula sa puting kurtina ng aking kuwarto.
Hinawakan ko ang pendant ng kwintas ko. He gave this to me... Noong panahong mahal niya pa ako.
Why do I have to fall for him like time doesn't matter? Ang sakit, ah? Bakit nga ba hindi ko naisip na maaaring magbago ang lahat sa isang ikot lang ng orasan? Damn...
Hindi ko namalayang buong gabi ay ganoon ako hanggang sa makatulog na lang ako sa pagod. Nagising lamang ako sa walang patid na pag-vibrate ng aking phone.
Panandalian akong dadalo sa kasal ni Emm ngayon... Panigurado namang wala siya roon.
Agad akong nag-impake ng mga gamit ko. Walang labis at walang kulang, lahat ay dinala ko. Marahan kong tinanggal ang kwintas at bracelet na bigay niya at ni Mommy. Hinalikan ko iyon bago nilagay na rin sa maleta. Pawisan ako pagkatapos.
Naligo ako at nag-ayos ng sarili. Nakasuot na ako ng damit para sa kasal ng aking kaibigan. Namamaga man ang mata at halata ang pagod, hindi naman gaanong panget titigan ang mukha ko. Kaunting kolorete lang ang nilagay ko pero sapat na para takpan ang pagod kong itsura.
Tinawagan ko agad si Ate pagkatapos mag-ayos.
["Niva..."] Inaantok pa ang boses niya.
"H-Handa na ako, Ate Norleen... Aalis na ako ng bansa mamaya... Sasabay ako sa'yo." Nanginig ang boses ko. Sandali siyang natahimik.
["Umuwi ka nang walang paalam kagabi! Wait! S-Sure? Baka magbago pa ang isip mo, Niva-"]
"Wala na kami, Ate... Kaya ko itong buhayin mag-isa," pagputol ko sa sasabihin niya. Wala siyang nagawa kundi ang sumang-ayon sa gusto ko.
["Kung bakit ba kasi hindi kayo nag-ingat, my God! Alam mo namang likas na playboy 'yon! Well, kaya nating sulosyunan iyan! Baka naman... baka sakaling magkaroon ng milagro at mawala ang pagiging mata-pobre ng pamilya nila? Baka sakaling..."] Narinig ko ang frustration sa kaniyang boses. Napayuko ako at ngumuso. ["Kung sana ay sapat ang pagmomodelo ko, Niva,"] malungkot niyang dagdag.
I guess, this is really the end to us, huh?
"Ayos lang, Ate... Mukha namang kahit itong bata ay hindi nila matatanggap, e'." Bumaba ang tingin ko sa aking tiyan at hinimas iyon. "I'm sorry... But it's better to hide you... from him." Parang winasak ang puso ko sa mga binitawan kong mga salita.
_______________________________________________________________________________
Princess Naphtalie|nananacess
BINABASA MO ANG
That Timeless Fall (That Trilogy 3)
Romantizm[R-18] 𝐓𝐇𝐀𝐓 𝐓𝐑𝐈𝐋𝐎𝐆𝐘 𝐁𝐎𝐎𝐊 3 Niechel Valeen Filler or Niva wasn't really worried about anything. She was contented in life even though her father treats her unfairly. She grew up realizing that her mother and sister are the only ones wh...