Warning: Read at your own risk, please.
Chapter 25
Gladly
DAPHNE drove our way to Brick Hospital. Tahimik ako buong byahe. Panay ang tunog ng phone ko ngunit wala na akong panahon pa para silipin iyon. Nang marating ang ospital, inisang hakbang ko lang ang entrance patungo sa desk.
"Uhm, Miss Filler, ayon p-po si Sir, oh..." Takang-taka ang nurse sa reaksiyon ko. Pero wala akong pake! Kinakabahan ako, galit na galit, nangangamba at nanghihina! Binabalot din ng mga tanong ang utak ko kaya wala akong ibang nagawa kundi ang umiyak nang umiyak.
"What the hell?!" si Daphne sa aking likuran na sinita ng isang nurse dahil sa matinis niyang boses.
Luhaan ang mga mata at basa ang pisngi, lumingon ako sa itinuro ng nurse at naabutan si Sheywon na nakangiwi. Nakaupo sa isang kama at nakaangat ang laylayan ng t-shirt.
Nakahawi ang puting kurtina kaya naaninag kong ginagamot ng isang nurse ang tiyan niya.
My blood boiled. Nandilim ata ang paningin ko lalo na noong habang ako'y papalapit, mas lalo kong naririnig ang hagikhik ng nurse.
So, what the fuck, right? Parang mamamatay ako habang nag-aalala kanina at narito lang pala ang lintek na lalaking ito, ginagamot ng isang malanding nurse?!
"Sheywon!" umalingawngaw na parang sirena ang boses ko. Napaangat tuloy ang tingin nilang dalawa.
Ang mapulang labi ng nurse ang una kong nakita. Hindi ko alam kung anong klaseng tingin ang naigawad ko basta nakita kong para siyang tinakasan ng kulay. Ngayon, tanging labi niya na lang ang hindi pumutla.
"Baby-"
"Ako na niyan," malamig kong wika sa nurse. Napatayo ito at umawang ang labi sabay lingon sa tray ng mga gamot.
"P-Po? Wait lang po, hindi po ata kayo marunong-"
"Ako na, Nurse..." ulit ko gamit ang kaunting pisi ng pasensya sa kaniya. Dismayado na lamang siyang bumuntong-hininga at maliit ang boses na nagpaalam.
Now, my eyes were only glued at Sheywon's. Nagtatanong ang titig niya at panay ang abot niya sa aking kamao na kanina pa nakakuyom.
"Filler, my gosh, sa labas na nga lang ako. Akala ko naman fifty-fifty na si Brick!" anang Daphne at tinapik ako sa baywang bago ko narinig ang hakbang niya papalayo.
Naupo ako sa monoblock chair na kanina la'y inuupuan ng nurse. Marahan kong kinuha ang cotton balls at nilagyan ng Betadine. Dahan-dahan, idinampi ko iyon sa sugat niyang tila daplis lang naman.
I sighed heavily. Kaya pala parang normal lang ang reaksyon ni Matienzo, daplis lang pala. Pero aminado akong nag-aalala pa rin ako hanggang ngayon, medyo nabawasan na nga lang kumpara kanina.
"Are you mad?" paos na tanong ni Shey at hinawakan ang siko ko. Gusto kong hawiin iyon! Galit ako dahil sobra-sobra ang pag-aalala ko sa kaniya! Galit ako sa sarili ko! Ako ang ugat nitong lahat dahil kung hindi ko dinala ang last will sa condo niya ay...
Nanlumo ako. Paano kung malaman niyang wala na nga ang last will?!
That pressured me more. I forced myself to be gentle on touching his wound. Namumula ang gilid nito at kasing haba ng hintuturo kong daliri, naka-slanting sa kaliwang bahagi ng tiyan niya.
I gulped when I touched his set of abs accidentally. Hindi ko siya sinagot. Ayokong manginig ang boses sa harapan niya.
"Baby, please... Sorry, again. I didn't notice that that bastard was holding a swiss knife," subok niya ulit. I grabbed the bandage and started puting it above his wound.
BINABASA MO ANG
That Timeless Fall (That Trilogy 3)
Romance[R-18] 𝐓𝐇𝐀𝐓 𝐓𝐑𝐈𝐋𝐎𝐆𝐘 𝐁𝐎𝐎𝐊 3 Niechel Valeen Filler or Niva wasn't really worried about anything. She was contented in life even though her father treats her unfairly. She grew up realizing that her mother and sister are the only ones wh...