Chapter 12
Crazy
"EAT YOUR food, Niechel, baka gutumin ka niyan mamaya," puno ng babala ang boses ni Sheywon habang pilit na sinusubo sa akin ang kanin at adobong baboy. Tinitigan ko iyon saglit at naiiyak na naman siyang tiningala. Marahas siyang bumuntong-hininga at binaba ang kutsara.
"Huwag mo munang pilitin, Sheywon, baka wala talagang gana..." natatawa pang sabat ni Claudine at muling nakipag-usap kay Jaymark.
Halos tatlong linggo na simula noong iniwan kami ni Daddy pero parang kagabi lang nangyari iyon. Sobrang lungkot ang dinanas ni Mommy at nagkulong ng tatlong araw sa kaniyang kuwarto. Alalang-alala kami noon ni Ate ngunit alam naman namin na hindi gagawa ng masama si Mommy sa kaniyang sarili kaya hinayaan muna namin siyang sanayin ang sariling wala na nga si Dad.
Isang linggo nang lumabas na siya ng tuluyan. Parang nabunutan kami ng tinik ni Ate noon at tila nawala ang bigat na pasan-pasan. Pero eto nga, nakakalungkot pa rin isipin na pinagpalit kami ni Dad sa kabit niya.
"Niva, bibisitahin kita mamayang alas-dos sa room niyo, okay? I'll bring you foods. Are you listening?" inis na tanong ni Shey.
Ngumuso ako at parang tutang tumango sa mga hinaing niya. Normal lamang ang mga kaibigan ko ngayon. Hindi naman kasi nila alam ang nangyari sa akin at tanging si Fyra at Sheywon lang ang nakakaalam nito. Ayoko naman kasing ipaglandakan ang lungkot ko ngayon, baka maapektuhan pa ang mood ng mga kaibigan ko.
Nakangiti na ako habang nagsusulat sa aking notebook. Panay kasi ang tawa namin kanina dahil sa kaharutan ni Florence at Daphne. Palihim silang nagpapasahan ng papel habang nagle-lecture si Ma'am sa harapan.
"Ayan na, oh..." anang Daphne at pinandilatan si Claudine. Wala namang nagawa ang babae kundi ang tanggapin ang papel galing sa kabilang row at binigay agad ito kay Daph.
Nakibasa na rin ako.
'Umamin ka na kasi na crush moko haha! Crush na nga kita diba? bat ayaw mo pang umamin? XD'
Iyon ang isinulat ni Florence. Gusto kong ngumiwi dahil alam kong hindi naman seryoso si Daphne para rito. Halata naman sa lalaki na may gusto siya kay Daph!
Pinadalhan nga ako ng pagkain ni Sheywon at ang nakakainis, hindi naman ako nakakain masyado dahil nilantakan iyon ni Paula, Leni at Shana, mga kaklase ko rin.
Binigay ko na lang sa kanila ng tuluyan ang pagkain para hindi na nila ako kulitin sa aking kinauupuan.
Lumipas ang tatlong buwan at inaamin kong hindi naging madali ang mga nagdaan na araw na wala si Dad. Hindi ko alam at hindi namin alam kung nasaan na sila noong kabit niya. Wala na ring plano si Mommy na ipahanap sila. 'Tsaka bakit namin sila hahabulin? Bakit kami ang magmamakaawa? Ano sila? Gold? Diamond?!
"Kinakabahan ako, Shey, kasi bigla na lang siyang uubo ta's minsan may kasamang dugo pa... Ano kaya ang tinatago ni Mommy? Tinatanong ko kung nagpa-check up na ba siya pero sinasabi niya lang na, "Doktor ako, Niva, ano ba?" tapos tatawa!" nakabusangot kong sumbong kay Shey, isang araw habang nag-aaral kami sa isang coffee shop.
Sumulyap siya sa akin saglit at ibinalik na naman sa kaniyang reviewer ang paningin. Uminom ako ng aking kape at bumuntong-hininga na naman sa 'di mabilang na pagkakataon.
I stared at him. He was wearing his casual black shirt and a faded jeans. Sa ibaba ay ang mamahalin niyang sapatos. Nakakahiya naman sumama sa lalaking ito. Nagmukha akong yaya o P.A.!
"Siguro over fatigue lang iyon. Pero mas mabuting magpa-check up pa rin siya para sigurado," aniya at binaba ang papel na binabasa. Pinakatitigan niya ang ngumunguso kong labi at umiling. "Don't worry too much, will you? Ang isipin mo ay ang paparating na second periodical exam. Hindi naman siguro hahayaan ng mommy niyo ang kaniyang sarili."
BINABASA MO ANG
That Timeless Fall (That Trilogy 3)
Romance[R-18] 𝐓𝐇𝐀𝐓 𝐓𝐑𝐈𝐋𝐎𝐆𝐘 𝐁𝐎𝐎𝐊 3 Niechel Valeen Filler or Niva wasn't really worried about anything. She was contented in life even though her father treats her unfairly. She grew up realizing that her mother and sister are the only ones wh...