Chapter 8
Words
SABADO na kaya naman pa-relax-relax lang ang ginawa namin ni Ate ngayon. Suot ang puting two piece niya ay nagtatampisaw siya sa swimming pool namin habang ako ay nakahiga lang sa sun lounger, tinatanaw ang kumikinang niyang balat. Sana ma-sunburn 'to para naman makatabla ako sa balat kong 'to.
I'm wearing a black stringed bikini. Suot ko ang malaking sunhat kaya hindi nasisinagan ng araw ang aking mukha at balikat. It feels so refreshing. Na para bang wala akong naging problema noong nakaraang araw.
"Maligo ka na, Niva! Bahala ka, hindi mo na ma-e-enjoy kapag wala na ang araw," si Ate at pumatong sa floater na malaking unicorn. Umiling lang ako at inabot ang isang libro sa mesa. Magbabasa na lang ako kaysa naman lumusong doon!
Biglang tumunog ang phone ko. Umirap ako sabay baba sa aking sunglasses at binasa ang text.
SB:
Free ka ba ngayon?
Ngumuso ako at nilapag ang libro sa aking hita. Sinimulan ko'ng mag-isip kung ano ang isasagot ko. Wala naman akong gagawin ngayon pero ano naman iyon sa kaniya kung free ako?
Ako:
oo bat?
Agaran ang reply niya.
SB:
Let's go somewhere? Mall?
Nag-aya bigla! Alerto tuloy akong umupo sa aking kinahihigaan kanina at ganadong nagtipa ng sagot.
Ako:
aba kung libre, geym aq! :D
Tumayo ako nang mag-reply siya na libre raw! Dali-dali kong sinuot ang puting roba at nagmartsa papasok ng bahay. Tinawag pa ako ni Ate at minura ng ilang beses pero hindi ko na siya nilingon pa. Aba, baka magbago ang isip ng lalaking 'yon! Sayang naman! Ano naman kaya ang nakain no'n at biglang bumait?
Iyon ang nasa isip ko habang nagbibihis. Isang faded high waist jeans, simpleng puting printed shirt na naka-tuck in ang harapan at puting sneakers. Nag-spray lang ako ng kaunting perfume at naglagay ng lip tint bago lumabas ng kuwarto. Seryoso, wala akong dalang pera. Libre naman ang sabi, 'di ba?
"Manong!" tawag ko sa driver namin ni Ate na busy sa kakapunas sa makintab namang sasakyan. Pakiramdam ko ay kaunting punas pa, matatanggal na ang pintura nito.
"Ma'am?" aniya at umayos ng tayo. Nakaputing sleeveless polo lang siya habang ang uniporme ay nasa kaniyang balikat, nakasabit. "Aalis po kayo?"
Hindi ba halata, Manong Andres?
"Ah, oo! Tatawagan ko lang si Mommy para magpaalam. Tinawag lang kita para tanungin kung ayos lang po ba na ihatid niyo ako," saad ko sabay tipa sa aking phone.
Tumangu-tango si Manong bago nagsalita. "Ayos lang po, Ma'am, tawagin niyo lang po ako kapag aalis na kayo." Nilapag niya ang kaniyang polo sa bubong ng koche bago naglakad papasok ng bahay.
Habang ako naman, kagat ang labing hinintay na sumagot ang ina sa kabilang linya. "Hello, Mom?" pagsasalita ko nang marinig ang hininga niya.
["Yes, dear? Napatawag ka?"] masayang tanong niya at narinig ko pa ang tunog ng nilukot na papel, halatang may tinatrabaho na naman sa hospital. ["Is everything okay?"]
I could only imagine her, iniipit sa pagitan ng tainga at balikat ang phone habang abala sa kaka-check sa mga pasyente. Ang matangos niyang ilong, maputing balat... na kailan man ay hindi ko namana. Hay naku!
BINABASA MO ANG
That Timeless Fall (That Trilogy 3)
Romance[R-18] 𝐓𝐇𝐀𝐓 𝐓𝐑𝐈𝐋𝐎𝐆𝐘 𝐁𝐎𝐎𝐊 3 Niechel Valeen Filler or Niva wasn't really worried about anything. She was contented in life even though her father treats her unfairly. She grew up realizing that her mother and sister are the only ones wh...