Chapter 11

18 4 0
                                    

This chapter is dedicated to chelseaobin


Chapter 11


Should


SINIPA-SIPA ko ang maliliit na batong natatapakan ko. Ginawa ko iyong libangan at sinasabayan pa ng simpleng pagkanta. Nilingon ako ni Sheywon na siyang kasama ko. Hinatid niya ako dahil pagabi na raw. Aangal na sana ako dahil kaya ko namang umuwi mag-isa, kaso nagpumilit pa siya at kamuntikan na namang makipagsapakan kay Gion. Gion also offered a ride since he was with his personal driver, but, Sheywon was such a hard-headed guy.

Nginisihan ko siya at muling binaba ang aking paningin sa kawawang batong nakakahalik sa aking sapatos. "Paano ka uuwi nito, Shey?" tanong ko kapagkuwan nang maalala ang tungkol sa bagay na iyan.

Tiningala ko siya at tanaw ko agad ang malapad niyang likod. Magulo ang kaniyang kwelyo ngunit hindi naman gusot ang puting polo. Humahalimuyak din ang kaniyang bango kahit medyo malayo ang distansya naming dalawa, ang itim na school shoes niya'y matingkad pa rin.

My mouth formed a perfect 'O'. Sobrang neat ng impaktong 'to!

"I'll just call my driver..." ikli niyang sagot kaya ngumuso na ako at binilisan ang paglalakad para makasabay siya. Unti-unti na talagang dumidilim ang kalangitan kaya kinabahan ako. Mukhang uulan pa yata!

"Hala!"

"Holy fuck?!" napahiyaw siya sa biglaan kong sigaw. Nakakaloka ko siyang nginisihan at inakbayan bago tinuro ang masamang kalangitan.

"Uulan pa ata, Shey... Tawagan mo na ang driver mo at dito ka na lang... Malapit-lapit na rin naman ang bahay, e'." Sumulyap ako sa highway na wala na masyadong dumaraan na sasakyan. Sa unahan noon, kanto na ng subdivision namin at papasukin ko na lang. Pagkatapos noon, ilang liko pa at matatanaw na ang aming mansyon. "Kaya ko na..."

Napatigil siya sa paglalakad kaya wala sa sarili na rin akong huminto. Lito ko siyang tinitigan habang mukha na siyang galit. Oh? Ano naman ang ginawa ko ngayon?

"I'll walk you home, Niva. Paano kung may humarang sa'yo riyang mga basagulero at pagdiskitihan ka pa? Would you, please, at least once use your brain before you spit out words!" iritado niyang sinabi at malalaki ang hakbang na nagpatuloy sa paglalakad, iniwan akong tulala sa sigaw niya.

Galit na galit? Suplado talaga!

Nang sa wakas ay nasa harap na kami ng gate, nakumpirma kong uulan nga dahil biglang kumulog. Nag-aalala kong hinila si Sheywon dahil may iilang butil na ng ulan ang pumatak. "Tawagan mo na ang driver mo! Baka lumakas pa 'to, sige ka!" pagmamadali ko. Kumidlat bigla kaya halos bumaon ako sa malamig na gate sa sobrang takot.

"Fine-"

"Huwag! Baka tamaan ka! Bawal gumamit ng gadgets kapag may kidlat!" Marahas kong hinablot ang mamahalin niyang phone kaya napatunganga siya roon bago ako inirapan. "Totoo! May kakilala nga akong namatay dahil natamaan ng kidlat! Gumamit kasi ng cellphone kaya nagkaganoon!" giit ko dahil mukhang hindi siya kumbinsido sa sinabi ko.

"If it's your time, you'll die, Niva..." makahulugang aniya.

Nanlaki ang mga mata ko. "Bakit ako?! Ang sama mo, patay agad?!" takot kong untag at ibinulsa ang kaniyang phone. Alam kong gagamitin niya ito kahit may kulog at kidlat kaya mas mabuting safe.

"What now? Paano ako makakaalis kung hindi mo ibibigay ang phone ko, Niva? Stupid girl..." paninisi niya.

Umilaw ang madilim na langit dahil sa kidlat at maya-maya lang, sinundan ito ng dumadagungdong na kulog. Napatili ako at tinakpan ang tainga. Bahala na nga!

That Timeless Fall (That Trilogy 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon