Chapter 26
Good
ANOTHER year passed. Nakapagtapos ng college si Ate at board exam na lang ang kukunin para tuluyan nang makamit ang pangarap niya. Habang ako ay nagpapatuloy sa pag-aaral ng Flight Attendant.
Si Sheywon naman ay kasalukuyang inaaral ang pagiging pharmacist. Himala at sa lumipas na taon ay hindi na bumalik pa si Dad. Mas naging malala tuloy ang hinala naming siya nga at si Miria ang nakakuha ng last will.
Nang makausap namin si Attorney, ang sabi nito ay malaking kaso ang mapapataw kay Dad kapag napatunayang siya nga. Kaso, wala kaming ebidensya! Ni picture o ano ay wala!
Ang pinaghahandaan ko ay ang pagbabalik niya. Nakapag-ipon ako kahit papaano sa pasimpleng online selling. Kapag dumating ang oras na kukunin niya ang mansyon at mga ari-arian ni Mommy, may ipangliligtas ako sa amin ni Ate.
Planado na rin ang gagawin naming hakbang kung sakaling bumalik na siya. Ang batas ang karamay namin sa sitwasyong ito. Hangga't tapat si Attorney sa amin ay mananaig kami. Siya ang iniwanan ni Mommy sa lahat kaya siya ang paniniwalaan.
"Excuse me, po, Sir, may paracetamol po ba kayo?" Iniba ko ang aking boses. Kita ko ang paglingon ni Shey habang inaayos ang box ng mga tabletas. He smirked when he saw me and opened the small door to let me enter the Brick Pharmacy.
Oh, 'di ba? Sa kanila rin naman ang pharmacy na ito!
"Glad you weren't looking for condoms," aniya at sinalubong ako ng mahigpit na yakap. Sa isang taon na magkasintahan kami, madalas kaming magbangayan sa mga bagay-bagay ngunit hindi naman umabot sa puntong maghihiwalayan na kami.
Kung minsan ay siya ang nagpapakumbaba kahit kasalanan ko. Nagi-guilty tuloy ako minsan. I hate seeing him with other girls. Sa pharmacy pa namang ito ay may dalawang pharmacist din. Ngayon ay naka-lunch break kaya wala rito.
"Hindi ka ba talaga nila nilalandi, Shey?" tanong ko at naupo sa swivel chair niya. Humila na rin siya ng isa at naupo roon. His legs were parted widely while he's playing with his lower lip using his tongue.
"They kinda-"
"Ano? Anong kinda? So nilalandi ka nga?" Napataas ang boses ko at sinipa ang mesa para mausog ang swivel chair na inuupuan ko papalapit sa kaniya. Bahagya akong tumayo para halikan siya sa pisngi.
"Hmm... Not really. But they would just stare at me while I'm doing something. Maybe they're eye-raping me?" He laughed so I rolled my eyes. Akala niya naman nakakatuwa iyong pinagpapantasyahan siya? Paano kung pagtulungan siya ng dalawa? Baka ma-rape siya rito!
Well, isang balibag niya lang, iyak na rin ang mga iyon. Sa laki ba naman ng katawan ni Shey.
Noong araw na iyon ay nanatili ako sa loob ng pharmacy. Maraming costumer kaya nasa desk lang ako, naglalaro sa phone o hindi naman kaya ay binabantayan ang bawat galaw ng dalawang pharmacist.
Sinipat ko ang isa. Magkatabi kasi sila ni Shey dahil may dalawang costumer. Pasimple niyang siniko ang braso ni Shey at parang tangang humingi ng paumanhin.
Ulol lang? Kainis, ha!
"It's fine," malamig na ganti ni Shey at kinuha na ang gamot na hinahanap noong matandang costumer.
Bumusangot akong mag-isa sa desk. Sheywon glanced at me and he winked. Ikaw din! Masyadong mabait kaya nahuhulog ang mga babae sa iyo!
Napangisi si Shey habang may kinukuha sa box. Umiling-iling din siya sa naging reaksyon ko. Nang sa wakas ay nag-alas-siyete na, nagpaalam na ang dalawang babae.
BINABASA MO ANG
That Timeless Fall (That Trilogy 3)
Romance[R-18] 𝐓𝐇𝐀𝐓 𝐓𝐑𝐈𝐋𝐎𝐆𝐘 𝐁𝐎𝐎𝐊 3 Niechel Valeen Filler or Niva wasn't really worried about anything. She was contented in life even though her father treats her unfairly. She grew up realizing that her mother and sister are the only ones wh...