Chapter 35
I'm Sorry
"BAKIT BA bigla ka na lang natataranta?! Nakita ka ba niya, huh?" Maging si Hermes ay natataranta na rin dahil sa reaksyon ko. Laking pasasalamat ko at mabilis kaming nakaalis sa lugar na iyon.
Wala na. Sirang-sira na ang araw ko! Sirang-sira na ang mga plano ko dahil parang gusto ko na lang magkulong ngayong araw sa sobrang kahihiyan at iba pang emosyon na nagkahalo!
Putcha, bakit kailangan na magkatitigan pa kami?! Nakilala niya kaya ako? Malamang, oo, Niva! Hindi pa naman uugod-ugod si Sheywon para hindi ka niya makilala! Ikaw lang naman iyong ex-bestfriend slash ex-girlfriend niya na minsan nang pinangakuan ng 'walang katapusan' umanong pagmamahal!
"Hindi ko alam, Hermes, pero parang sa akin siya nakatingin kanina, e'. Nakita niya ako! Nakakahiya na nakakainis, hay ewan! Uuwi na ako!" Hindi ako mapakali sa aking kinauupuan.
"You're weird. Kung sana ay bumaba ka na lang kanina 'tsaka kinausap mo, tapos na ang problema mo! You're such a coward, Niva-"
"Desisyon mo? Ha?" Nagtaas ako ng kilay sa kaniya, medyo nairita sa pamimilit niya.
"Oh, sorry..." Ngumisi lang ang loko at niliko ang sasakyan. Marahas akong bumuntong-hininga at humilig sa headrest. Nakakapanghina talaga ang mga mata ni Shey. Kahit sandali lang naman ang titigan na iyon, parang sinisilaban ako.
My heart pounded harshly against my chest. Naging masaya kaya siya noong ikinasal sila ng babaeng iyon? Nakalimutan niya na kaya ang mga pinagsamahan namin? Iyong mga pangako niya? Nakalimutan niya na ba? Ni hindi man lang kaya pumasok sa utak niya na baka nagkaanak nga kami?
At higit sa lahat, ano ang magiging reaksyon niya kapag nalamang may anak kami? Pagsisisihan niya kaya? Ayokong makasira ng pamilya pero... paano naman ang mga anak ko? Ganoon na lang? Nangako pa naman ako kay Ernus.
Ibinaba ako ni Hermes sa harapan ng gate namin. Bago ako pumasok, nilingon ko muna siya at malungkot na nginitian.
"Thank you, ah? Uhm, kung gusto mo, pasok ka muna at ipakikilala kita sa mga bata," anyaya ko. Napakamot naman ng batok ang lalaki at tumango.
Binuksan ko ang gate at pinauna siyang papasukin bago ako sumunod. Alam kong nasa pool side na ang mga bata kaya naman doon ko na rin pinadiretso si Hermes.
Binuksan ko ang glass door at tinawag ang mga batang nagtatampisaw sa mababang parte ng pool. "Mga anak! Dali, may ipapakilala ako sa inyo!"
'Gaya ng nakasanayan, si Hirra ang naunang lumapit sa akin. Hindi siya makayakap dahil basa siya at ang suot na swim suit kaya tanging nguso lang ang nagawa niya. Hanggang sa lumipad ang paningin niya sa aking likuran.
"Oh my! Is he our daddy? Daddy!" tili niya at tumakbo papalapit kay Hermes. Niyakap niya ang baywang nito kaya nalaglag ang panga ko. Nababasa niya si Hermes!
"A-Anak, no... This is Tito Hermes, kaibigan ko... Wala pa ang daddy niyo, e'." Pahina nang pahina ang aking boses dahil takot akong masaktan ang mga bata.
I saw how disappointment drew on Ernus eyes as he approached Hermes. Nagmano siya rito at ngumiti. "Nice to meet you, Tito," he said like an adult.
"Hey, dude. You're so handsome," papuri ni Hermes at lumuhod para lumebel ang paningin nila ni Ernus. He messed my son's damp hair.
"Hirra, mag-towel ka muna. Baka magkalamig ka!" si Ate naman at binalot ng towel si Hirra. Kumakain na ito ngayon sa may sun lounger habang si Daddy ay nasa pool pa rin.
BINABASA MO ANG
That Timeless Fall (That Trilogy 3)
Romance[R-18] 𝐓𝐇𝐀𝐓 𝐓𝐑𝐈𝐋𝐎𝐆𝐘 𝐁𝐎𝐎𝐊 3 Niechel Valeen Filler or Niva wasn't really worried about anything. She was contented in life even though her father treats her unfairly. She grew up realizing that her mother and sister are the only ones wh...