Chapter 29
Break
CONFIRMED. Dalawang linya ang lumabas sa tatlong pregnancy test na dala ni Ate. Iba-iba ang mga brand noon para raw sure! Hindi ko mawari ang nararamdaman ko ngayon. I'm sad yet there's a mixture of happiness, excitement, fear and nervousness in me.
Una, malungkot dahil maraming mawawala sa akin. Ang pag-aaral ko, bibitawan ko para sa malusog na pagbubuntis. Malungkot din dahil hindi pa ako sigurado kung matatanggap ni Shey ang batang dinadala ko na ngayon.
Pangalawa, magkahalong saya at iba pa dahil magiging ina na ako! May munting anghel na sa aking sinapupunan at sa loob ng siyam na buwan, makikita ko na siya! Excited akong makita siya at mahawakan.
Gusto kong tumalon. Si Ate ay kanina pa ako niyayakap at tatalbog-talbog sa tuwa.
"Hala! Oh my, magiging tita na ako! Kailangan malaman 'to ni Daddy, Niva! Matutuwa iyon at magkakaapo na siya!" sabi niya bigla kaya napahiwalay ako sa yakap at takot siyang tinitigan sa mga mata. She pursed her lips when she noticed my reaction. "Bakit? Ayaw mo?"
I shook my head. "H-Hindi naman sa ayaw, Ate, pero ayaw ko lang na ma-disappoint siya sa akin... Kaaayos lang ng relasyon natin sa kaniya..." I said anxiously.
Ate gasped dramatically. "Kung ayaw niya sa apo niya, ako gusto ko sa pamangkin ko! Kung ayaw ni Shey sa anak niya, pwes, ako handa kong suportahan ang bata! Ang mag-ina niya, kaya kong buhayin, 'no!" she said firmly.
Napangiti ako ng malungkot at nilaro na lang ang aking mga daliri. "May karapatan si Shey na malaman-"
"Yes, Niva, I know... Pero ang sa akin lang, ha? I think it's better if you guys will fix your relationship first before you confess to him about the baby... Niva, mahirap na... Mas masakit kapag ipagpipilitan mo ang sarili mo at ang anak mo sa kay Sheywon. Kung ayaw niya at kung hindi siya handang harapin ang responsibilidad, kaya naman natin. Kaya ko! We don't need that jerk..."
Bumuntong-hininga ako. "E', paano kung tanggapin niya ang bata, Ate?" nasabi ko na lang at medyo nabasag ang boses.
Tumango si Ate. "That's it. Fix your relationship first bago mo sabihin, okay? Baka mamaya ay mapilitan lang siya. At, Niva, ayaw kong gagamitin mo ang anak mo para lang makuha ulit si Sheywon!" banta niya at tinaliman ako ng tingin.
My eyes narrowed. "H-Hindi, 'no!" Mabilis akong umiling.
Hindi ko naman gagawin iyon...
She nodded. "Kaya nga... Kung sa tingin mong mukhang... iba na talaga siya sa lalaking minahal mo noon, mas mabuting huwag na natin siyang habulin. Hindi naman sa tinatakot kita, ah, pero paano kung masaktan ka ng husto kung hindi niya tanggap ang bata? Niva, ayokong maging malungkot ka ng husto at maging dahilan sa kapahamakan ninyo ng bata..." Suminghot si Ate at niyakap muli ako. "I want to be mad at you but... I'm excited, too! Damn..." She then chuckled.
Naiintindihan ko naman siya. Hindi naman sa sinasabi niyang itago ko ang bata. Gusto niya lang na maging ligtas kami ng magiging anak ko. Tama nga naman... Nakakasama sa pagbubuntis ang parating malungkot at pagod. Babawasan ko na ang pag-iyak ko. Kakausapin ko na lang muna si Shey at susubukan kong ayusin ito...
My heart stings. Shit! Kasasabi lang na iiwasan ang maging malungkot, e'!
"Basta... Kapag nagbago ang isip mo, huwag kang magdadalawang-isip na tawagan ako, ah? Sa susunod na linggo na ang flight ko. Handa kitang dalhin doon at doon na muna tayo manirahan... S'yempre, nasa sa'yo pa rin ang huling desisyon..." aniya habang malamyos na hinahaplos ang aking buhok.
BINABASA MO ANG
That Timeless Fall (That Trilogy 3)
Romance[R-18] 𝐓𝐇𝐀𝐓 𝐓𝐑𝐈𝐋𝐎𝐆𝐘 𝐁𝐎𝐎𝐊 3 Niechel Valeen Filler or Niva wasn't really worried about anything. She was contented in life even though her father treats her unfairly. She grew up realizing that her mother and sister are the only ones wh...