Chapter 14

17 2 0
                                    

Chapter 14


Cold


GUSTO KONG magsisi dahil sa mga sinabi ko. Siya itong may kasalanan pero ako naman ang guilty'ng-guilty. Panay ang hawak ko sa pendant ng binigay niyang kwintas. Tinatanaw ko siya mula sa aming floor. Nasa baba lang siya, nakikipagtawanan kay Rhian. Isang linggo na kaming hindi nagpapansinan kaya sinasanay ko na ang sariling ganito na nga kami.

Inakbayan niya ang babae at walang hiya-hiyang pinatakan ito ng halik sa labi. Naghiyawan ang mga kaibigan nila at namula ang pisngi ni Rhian.

Napasimangot ako at sumandal na lang sa semento.

"Pagsubok lang 'yan, Filler, huwag masyadong dibdibin, baka lalong lumiit..." pangbu-bwesit ni Daphne at tinapik ako sa balikat.

Ngumiwi ako at iniwan sila roon. Pumasok ako sa room at sinalampak ang earphones sa tainga. Nakakainis! Bakit ganito ako kung maka-react, e', ganito naman talaga ang gusto ko. Iyong hindi kami mag-usap at magpansinan!

Nilabas niya na nga talaga ang totoo niyang kulay. Ang play boy! Kung saan-saang banda ako tumingin, naroon siya, iba't-ibang babae ang kalampungan.

Nagpakawala ako ng dismayadong hininga at tinawagan na lang si Mommy. Sinagot niya ito dahil online naman siya. Mas lalo ko lang naaalala si Sheywon nito. Wala na akong sponsor ng load. Ako na tuloy ang nagpapa-load sa number ko para lang matawagan si Mommy.

["Oh, anak?"] Maaliwalas ang mukha niya. Namumutla pa rin siya pero sinasabi niya naman sa amin ni Ate na umiinom na siya ng gamot. ["Oh? Bakit malungkot ang baby ko?"] naaalerto niyang tanong.

Para akong tangang napaiyak na lang ng tahimik. Yumuko ako at dumukdok sa aking arm chair. Ang daya talaga, as in! Bakit si Shey ay kayang-kaya niyang hindi ako pansinin habang ako ay sobrang nasasaktan dito?!

"Kainis, Mom... Shit!" mura ko at tinahan ang sarili. Hinarap ko ang camera at pumilit ng ngiti para sa ina. "Okay ka lang ba riyan, Mom? Iyong gamot mo? Nainom mo na ba?" I immediately changed the topic when I saw how sad her reaction was.

She pursed her lips and nodded briefly. ["Oo, anak... Ikaw? Kailangan mo iyan at baka ma-tetanus ang sugat mo. Bakit ba kasi nasugatan ka pa sa alambre? Binalaan na kitang huwag pumunta sa bodega, ginawa mo pa rin!"]

It's so sad to say that we lied to her. Ate and I lied for her own sake. Ayokong mag-alala pa siya sa'kin.

Tumango pa rin ako. "Maaga kong ininom, Mom... Tanga po kasi talaga ako 'tsaka matigas ang ulo." I chuckled.

She pouted. ["Mamaya pa ang lunch ninyo, ah? Ba't nagsi-cellphone ka?"] she asked softly.

Tumango ulit ako. "Opo... Pero wala pa namang teacher kaya p'wede ang gadgets. Nasa labas nga ang dalawang kikay." I chuckled once more.

Hindi nagtagal ay dumating na rin ang subject teacher namin kaya nagpaalam na ako kay Mommy. Binaba ko ang aking phone at earphones. Pumasok na ang ilan sa mga kaklase ko at mainit naman ang ulo ni Ma'am dahil maraming missing, hindi pa ata nakabalik.

Inisip ko ang gagawin ko mamaya. Nagpadala naman pala ng excuse letter si Ate sa mga subject teacher ko kaya excuse ako sa dalawang araw na iyon. May nakapatong-patong pa na band aids sa palapulsuhan ko. Natatakpan ito sa mga pendant ng bracelet kaya maging si Fyra ay hindi ito napapansin.

Kinwestyon nila ako sa social media. Ni-reply-an ko lang sila noong nakaraan ng tumatawang emoji para hindi mag-alala. So far, hindi pa naman sila nanghihinala dahil panay din ang iwas ko sa aking kamay kapag hinahawakan nila ako.

That Timeless Fall (That Trilogy 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon