Chapter 7

20 5 0
                                    

Chapter 7


Dance


"A-AKO PO ba?!" sigaw ko kahit na napapagitnaan sa alon ng mga tao. Napatitig ako sa dalawang babae na sapo ang sariling mga bibig at may masayang tingin sa akin. Ang mga babae naman sa gilid ko ay napasulyap.

"Filler, Niechel! Bilisan mo ang kilos, dali! Malapit na mag-four PM!" demanding na utos ni Ma'am. Gusto ko sanang umirap pero masyado pang magulo ang utak ko sa mga nangyayari.

Parang hindi ko muna kaya ang magproseso ng kahit ano sa utak ko ngayon. Matutuwa ba ako? Malamang, oo! Pero ang gulo! Akala ko ba wala na akong slot?! Muntikan pa nga akong ma-depress dahil do'n!

"Nasaan na ba 'yon?!" narinig kong nagbulung-bulungan ang paligid. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang papalapit na ang guro sa banda namin. "Ano, hija? Gusto mo bang mag-perform o hindi - iyan ang susuotin mo?" Napataas ang kilay nito nang makitang naka-uniform lang ako.

Muli, nalaglag na naman ang panga ko sa sahig. "U-Uh, kasi po... Ang sabi ay wala na akong s-slot kaya h-hindi po ako nakapaghanda ng isusuot," lumiit ang boses ko sa kahihiyan.

Bumuntong-hininga ang guro. "Oh, sige. Bukas! Bukas, huh? After lunch lang ako free kaya maghanda ka ng own choreography mo. 'Tsaka music na rin! Kapag wala ka no'n bukas, mapupunta sa iba ang slot na para sa'yo, kuha?" sabay pamaywang niya at pinaypayan ang sarili gamit ang isang folder.

Ngumuso ako at paulit-ulit na tumango. "Opo, Ma'am..." iyon lang ang hinintay niya at tinalikuran na kami.

"Oh my! Akala ko ba wala ka nang slot? Niloloko mo ata kami, Filler, e'," paratang ni Daphne sabay hila na naman sa akin patungo sa mga nagta-try out sa gym. Magulo at maingay na roon. May mga nagba-badminton, volleyball at soccer sa field.

Sa mismong malawak na gym ay mga gymnastics, karate at mga indoor sports. Ngumiti ako sa mga babaeng nag-split sa harap namin. Kaya ko naman iyon dahil sa sinalihan kong dance troupe sa dating school namin noon. Kailangan kasi flexible para maayos ang galaw mo sa bawat routine. Marunong din akong mag-bend at cartwheel.

"So, siya pala iyong tinirhan ng slot sa dance troupe ni Brick? Bakit? Ano'ng meron? Kaya pala nakita ko siya sa labas ng dance studio kahapon?" rinig kong bulong ng kung sino pero no'ng malingunan ko, hindi ko na nakita kung alin doon ang nagsalita dahil sa dami ng tao rito sa gym.

Hindi ako bobo kaya alam kong ako iyong pinag-uusapan nila. E', ako lang naman talaga ang swerteng naiwanan ng slot!

Para na naman akong lumutang sa naalala. Grabe, hindi pa rin talaga maproseso ng utak ko na mag-o-audition na ako bukas. Shit! Ang choreo ko! Mukhang gagana na ang utak ko mamaya, ah? Magpa-practice at magme-memorize ako ng routine!

Teka nga... Sinong Brick?

Kahit gulong-gulo ako no'ng hapon na 'yon, nagawa ko pa ang labhan ang tatlong palanggana'ng basahan! Halos lahat ng kilos ko'y padabog na. Gusto kong magwala, magmura, at mangalmot ng babaeng nagngangalang Estrada - joke!

"Hay naku... Baka kung sa'n-sa'n lang 'to ginawang pangpahid, ah? Baka mamaya malaman ko na lang na pinangpunas 'to ng pwet!" pagsasalita ko sa sarili sabay kusot sa isang maliit na basahan.

Si Fyra na tahimik sa may bench malapit dito sa sink ay nakamasid lang sa akin, si Daphne at Claudine na may pinagkakaabalahan sa phone ay maingay. Lumunok ako at pinagpatuloy ang ginagawa.

Narito sila dahil nagpasama talaga ako. Nakakatakot naman kasi ang lugar na 'to. Hapon pa naman at baka may dumaang gang, dapat magkasama kaming apat hanggang langit, ano!

That Timeless Fall (That Trilogy 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon