19: The Encounter

17 3 0
                                    

MAAGAP akong nagising kahit hindi kumpleto ang tulog ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa excitement o sa kaba. Paano na lang kung may makahuli sa akin na nanggaling ako sa past? Paano kung mahuli rin si Chris at maulit na naman ang nangyari noon.

Bumaba ako nang ayos na ang lahat. Suot ko ang high waisted trousers in khaki color at tinernuhan ko ng pink beige na cami top. Naglagay na rin ako ng scarf to hide my necklace. Kinuha ko ang trench coat dahil malamig naman sa loob ng hospital. Mag-isa lang akong pupunta sa Gwauno Hospital dahil alam ko na naman ang daan papunta roon. Paniguradong busy si Chris kaya hindi ko na siya aabalahin pa. Hindi ko na nagawang kumain kahit na naamoy ko ang masarap na ulam na siguro ay inihanda ni Raven.

Paalis na sana ako nang kumalam ang aking sikmura. Sakto namang nagsalita si Chris.

"You should eat breakfast. Maagap pa naman."

Tumingin ako sa relo ko. Tama siya. Isang oras pa bago magsimula ang working hours. Bumalik ako sa loob dahil gutom na rin naman ako.

"Wow. This is too much. Did Raven prepare all of this?" Tanong ko nang makita ang mahabang mesang punumpuno ng pagkain. Ano bang meron? May birthday ba? Birthday ko ba?

"No, Ms. Fuertes. Chris prep—"

"Raven? I've already told you about that." Putol naman ni Chris.

"Oh, right. Sir Chris. Uhh, yes, Nimfa. I prepared all those dishes." Sagot ni Raven na taliwas sa una niyang isasagot sana kanina.

"Akala ko wala ka rito sa bahay. Yun pala'y abala ka sa pagluluto. Ang dami nito, kumain ka rin." Sambit ko kay Chris.

"Hindi nga ako ang nagluto niyan. Hindi naman ako mag-aabala lang para d'yan. Patikim nga ako. Kanina pa rin ako nagugutom."

"Sus, huwag mo na ngang i-deny, nahuli ka na eh." Tuwa ko namang sabi sa kaniya.

"Just eat." Napatawang sabi rin ni Chris. OO. Tumawa siya. At oo rin. Hindi ko maitatangging gwapo siya. Sa totoo lang, gusto ko yung lagi siyang nakikitang nakangiti naman at tumatawa. Hindi yung lagi na lang siyang nakakatakot tingnan na para bang lagi akong papagalitan.


"Don't forget what I have told you last night. Yung mga bilin ko sa'yo." Paalala sa akin ni Chris. Hanggang sa pinto ba naman, hinatid niya pa ako. Baka gusto pa niya akong ihatid hanggang sa ospital?

"Opo, Señor. Parang nanay."

"Come again?"

"Salamat sa almusal. Alis na 'ko. Bye!" Paalam ko kay Chris bago lisanin ang tahanan.

PAGPASOK ko ng Gwauno Hospital, sinalubong ako ng isang maliit na robot. Siguro inutusan siya para maiguide ako kung nasaan man si Dr. Cy. How generous. Pero hindi dapat ako pakampante sa kung anuman ang ipakitang kabaitan ni Dr. Cy sa akin. Hindi pa rin ako nagtitiwala sa kaniya lalo na't konektado siya sa RR Organization na siyang kalaban naman ni Chris.

Kinakabahan ako dahil bago lahat para sa akin ang mga teknolohiya na naririto ngunit gaya nga ng sinabi ni Chris, hindi ko dapat ipahalata na hindi ko alam ang mga bagay para hindi ako paghinalaan at hindi rin ako maliitin ng mga tao rito, lalo na ni Dr. Cy. Mabuti na lang at naituro sa akin ni Chris ang mga basic things na karaniwang ginagawa ng assistant ng doctor sa panahong ito. Hanga naman ako kay Chris dahil sa pagiging multi-talented niya. Artist, detective, scientist, at kung anu-ano pa.

Buti na lang din at itinuro rin sa akin ni Chris ang blueprint ng ospital kahit na antok na antok na ako kagabi kaya familiar na ako sa place kahit papaano.

Sa pagdating ko sa President's room, ang opisina ni Dr. Cy, ay siya rin namang dating ni Dr. Cy, tulad ng inaasahan ko. May iniabot siyang isang manipis na tablet kung saan nakalagay doon ang lahat ng schedule niya sa buong maghapon.

Time Waits For No OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon