18: First Mission

24 2 0
                                    

NILIBOT namin ang buong lugar at naging mabilis lang naman ito dahil habang naglalakad kami ay may ipinapakitang hologram si Chris sa harap namin upang mas maipaliwanag niya ang bawat lugar.

"There's a place where I always go to whenever my mind is occupied. Nandoon din ako sa lugar na 'yon nung araw na hindi ako umuwi ng bahay. Mamamangha ka kapag nakita mo ito." Masiglang sabi ni Chris.

Isang café. Café Escondido. Hindi siya mapapansin dahil nasa sulok siya ng makitid na eskinita. Animo'y hideout ng mga ilegal na transaksyon dahil sa tagong lugar. Gayunpaman, kapag natagpuan mo ang café na ito ay tila ba mamamangha ka dahil bukod tangi itong establishment na naiiba. Sa disenyo pa lamang nito na inihalintulad sa pangkaraniwang café sa kapanahunan ko, daang taon na ang nakalipas. Pumasok kami roon at sobrang makaluma ng ambiance. Nanumbalik tuloy sa akin ang excitement dahil sa muling pagkakataon ay nakakita ako ng mga bagay na katulad ng nasa panahon ko.

"Aba nga naman, look who's here. Chris!" Isang lalaking nasa kaedaran ni Chris ang bumati sa kaniya. Nagulat siya nang makita niya akong nakasunod kay Chris. "Wow, Chris! Iba ka na talaga. Ngayon ka lang nagdala ng babae rito ah. Girlfriend mo?" Bulong ng lalaki na hindi naman mukhang bulong dahil sinadya niyang iparinig sa akin ang sinabi niya.

"Shut up Brent. Don't jump to conclusions. By the way, Nimfa, this is Brent. Brent, this is Nimfa."

"Uh, Nimfa who?" Takang tanong niya.

"Nimfa Clara." Inunahan ko nang sumagot si Chris at tinanggap ang alok niyang handshake. Pinag-usapan namin ni Chris na baguhin ang surname ko just to make sure na walang makadiskubre na galing ako sa past.

"From?"

"From the past." Prangka ngunit pabiro kong sagot sa kaniya.

Ilang segundo akong tinitigan ni Brent nang may halong pagtataka. Sa hitsura pa lamang niya ay malapit na siyang maniwala sa akin. Magsasalita pa sana si Chris ngunit inunahan ko na naman.

"Just kidding! I nearly got you haha. I'm from Spain and I'm his cousin." Bawi ko naman.

"Oh. Okay, I just thought you were her." Pabulong niyang sabi pero narinig ko naman.

"Who?"

"Oh! Nothing!" Masiglang tanggi naman ni Brent at tinanong na niya kung ano ang oorderin namin.

Habang hinihintay namin ni Chris ang order niyang Iced Espresso at Caramel Macchiato naman para sa akin, ako na ang nagsimulang magsalita.

"Matanong ko lang Chris," pasimula ko. "Ano ba'ng magagawa ko kung magiging assista—"

"What's on your neck? Is that a necklace?" Putol naman ni Chris sa itatanong ko at bahagya pa akong pinandilatan ng mata na para bang sinasabing huwag ko nang ituloy ang sasabihin ko. Nagulat naman ako sa itinanong niya dahil hindi ko inaasahang makikita niya ang suot kong kwintas.

"Uhh. My grandfather gave this to me when I was young." Narindi pa ako at itinago ito mula sa aking suot na turtleneck sleeveless knitted top.

"I didn't notice you wearing that necklace at home or maybe I'm too busy to notice. Well, I guess your grandfather misses you now."

"He died not so long ago." Malungkot na sabi ko. Namatay si Lolo a month ago bago ako madestino sa Giganix cruise ship.

"Oh, I'm sorry to hear that."

"No, it's okay." Malungkot na ngiti lang ang naibigay ko sa kaniya.

"Excuse me. This is your order." Singit naman ni Brent at inilapag na ang dalawang kape.

Palagay ko'y ayaw pag-usapan ni Chris ang tungkol sa magiging plano namin at kung paano ko magagampanan ang role ko bilang assistant ni Dr. Cy. May point naman siya. Kailangan naming maging cautious dahil hindi namin alam kung may nag-eespiya na pala sa amin.


PAG-UWI namin ng bahay ay dumiretso na ako sa taas para makapagpahinga na. Sa dami ng nilakad namin ni Chris, mitig na mitig na ang paa ko. Sa kapaguran ay hindi na ako nakapag-ayos at nakapagpalit ng damit bagkus ay humiga na kaagad ako sa kama.

Bago pa lamang ako makakatulog ay may isang nakaririnding siren alarm ang nagpagising ng buong diwa ko.

"Hala! May sunog ba?!" Taranta kong sigaw at kaagad na bumangon.

Napunta ang lahat ng dugo ulo ko nang makita ko si Chris na nakangisi habang nakasandal sa pintuan at hawak-hawak ang isang napakaliit na speaker ngunit napakalakas naman ng tunog na naibibigay nito.

Sa inis ko'y binato ko ng tsinelas si Chris. Napatawa naman ako nang sumakto ito sa pagmumukha niya. Gaganti pa sana siya ngunit tinaasan ko siya ng kilay at sumenyas na siya ang naunang nanggulo sa akin.

"Tch." Yan lang ang tanging narinig ko kay Chris nang hindi siya nakaganti sa akin.

"Bakit ba? Ano ba'ng kailangan mo't nandito ka sa kwarto ko?" Iritado kong tanong.

"Woah. Kwarto mo? Talaga lang ha. Eh kung palayasin kaya kita."

"Okay, okay. Eh bakit ka nga narito?"

"It's too early to sleep. May mahalaga pa tayong pag-uusapan."

Napairap na lamang ako dahil sa sinabi niya.

"Hindi ba pwedeng ipagpabukas 'yan?" Sabi ko at nahiga na naman sa malambot na kama.

"There's no time to waste, Nimfa. Besides, tomorrow is your first day in Gwauno Hospital."

A-anong sinabi niya? Tomorrow? Bukas? BUKAS NA?

Nagmadali akong bumangon at lumabas ng kwarto. "Oh? Ano pa'ng hinihintay mo d'yan? There's no time to waste, Chris." Pagtataray ko at ginaya ang pagkakasabi ni Chris kanina ng 'there's no time to waste, Nimfa.'

Napailing na lang siya sa akin at sabay kaming bumaba patungo sa living room.

Here we go again. May hologram na naman na ipinakita si Chris. Hologram ng blueprint ng Gwauno Hospital. Walang duda na malakas ang kapit ni Chris kay Dr. Cy dahil may kopya siya nito. Pwede rin namang nakaw niya lamang ito since may kakayahan naman siyang makagawa no'n. Isa kang henyo Chris.

"Look here, Nimfa. As you can see, it's the blueprint of Gwauno Hospital. Makinig ka nang mabuti dahil iisa-isahin ko ang bawat sulok ng Gwauno Hospital."

At nagsimula na siyang magdadakdak sa harapan ko. Sa dinami-rami nito, matatandaan ko pa ba ito? Idagdag pa ang antok at pagod ko. Tao ka ba talaga Chris? Palaga'y ko, hindi. Isa kang robot, Chris. Isa kang robot.

Every time na magtutuka ako dahil sa antok, inuutusan niya si Raven para gisingin ako. Grabe ka na Chris! Hindi ka na makatao.

11:51 pm

"That's all. Here's your copy of the blueprint." Usal ni Chris nang matapos siya.

"WHAAAT? Edi sana ibinigay mo na lang sa akin yung blueprint, hindi yung pinuyat mo pa ako."

"I gave you the blueprint for you to review it."

"*sigh* whatever."

"Our first mission is to find the lost time machine. Good luck in doing your part."

"So you knew that the time machine is in the hands of RR Organization?"

"Absolutely, and I found out that it was the time machine that I've made. However, I have no idea whether they are still operating it or it is under restoration. Well, it's for you to find out."

"Wish me luck. *yawn*" Sabi ko at tumayo na ako para umakyat.

"I know you're tired and all but I'm sorry you have to do this."

"It's fine. Good night." Walang ganang sagot ko habang papunta sa kwarto.

Sa wakas naman at makakatulog na ako. Nawa nama'y maging maayos ang lahat bukas.



A/N: Thank you for reading my story! Love lots!

Time Waits For No OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon