Ika-anim na Yugto: A Peace for A Paper

44 6 0
                                    

NANG magising ako ay malapit na kami sa daungan ng barko. Bumaba na kami sa sasakyan at umakyat sa barko. Lahat kami ay pagod na sa buong araw kaya tumungo na kami sa kani-kaniyang kwarto. Ako naman ay nagpahinga na rin at naligo tsaka natulog.

Kinabukasan ay pumunta kaagad ako kay Capt. Sillivan para magreport. Ngayong umaga rin ang alis ng barko sa Japan. Matapos makapagreport ay pumunta na ako sa clinic para asikasuhin ang mga papeles at mga ipinadalang medical kits. Nang matapos ako ay pumunta ako sa cafeteria upang kumain.

Nakita ko naman na naghahanap na naman ng mauupuan si Alfonso at nang makita niya ako ay nagkusa na siyang umupo at nakitable siya. Hindi na ako nakatanggi dahil kitang kita niyang solo ako at hindi rin naman siya nagtanong.

Bakit ba sa lahat ng pinupuntahan ko'y sumusulpot ka? Paano ako makakalimot nito kung lagi kang nandiyan at lumalapit pa sa'kin?

"Nimfa"

Bigla naman akong nabilaukan sa pagkagulat. Pano ba naman bigla na lang siyang nagsasalita, dagdag mo pa ang awkwardness ng paligid. Hindi ako nagrespond sa kaniya kaya siya na ulit ang nagsalita.

"Pwede ba tayong mag-usap?"

"Tungkol ba saan?"

"I'm really sorry Nimfa. Ano ba ang pwede kong gawin para mapatawad mo ako't maging okay na ulit tayo? Nasasaktan ako sa tuwing iniiwasan mo ako at para bang hindi mo ako kilala tuwing nagkakasalubong tayo."

'Wow. Ikaw? Nasasaktan? Kumpara sa sakit ginawa mo sa'kin noon, wala 'yang sakit na nararamdaman mo ngayon. Kahit doblehin mo pa ang triple, kulang yan.' Syempre sa isip ko lang yan. Alangan namang sabihin ko sa kaniya di'ba.

"Just do nothing. Let's say, kunwari hindi tayo magkakilala. In that way, baka matuwa pa'ko. Excuse me, please." Sinabi ko 'yon na puno ng pait at sakit at saka tumayo na at umalis.

Narinig ko pang tinatawag ako ni Alfonso pero hindi ko na pinansin ni nilingon man lang.

Nakaramdam ako ng guilt nang makalabas ako para makalanghap ng sariwang hangin. Lalo akong nasaktan nang makita ko ang hitsura ni Alfonso kanina matapos kong bitawan ang mga salitang iyon. Gusto ko siyang hagkan at sabihing 'okay lang' at napatawad ko na siya. Gusto kong sabihin sa kaniyang pwede namang magsimula ulit kami at kalimutan ang mga nangyari noon pero hindi ko naman hahayaang masaktan na naman ang sarili ko. Gusto ko munang bigyan ng oras ang sarili ko at magfocus sa career.

Mas lalong bumigat ang pakiramdam ko nang kumulimlim ang langit, nagbabadya ng pag-ulan na para bang nakikiramay sa akin. Hindi ko na ata alam kung nakailang buntong-hininga ako at hindi ko na rin ata mabilang kung nakailang lingon at titig ang ginawa sa 'kin ng lalaking nakahood at nakasalamin sa kanan ko. Malayo siya sa akin ng ilang dipa at nakaupo siya sa folding chair habang hawak ang kulay luntiang sketchpad at nagpipinta. Hindi ako nakatingin sa kaniya kaya hindi ko alam kung anong pinipinta niya dahil naaaninag ko lang siya sa peripheral vision ko. Hindi na ako nakatiis nang dahil sa ilang kaya umalis na ako sa kinalulugaran ko.

"Matte kudasai." (Wait) Sabi niya kaya naman napalingon ako sa kaniya nang may pagtataka.

"Hi Nimfa?" Nahihiya pa niyang bati.

"How did you know my name?"

Tinanggal niya ang hood niya at ang salamin niya. Nanlaki ang mata ko sa nakita ko.

"I-IKAW NA NAMAN?!"

Hindi ko siya namukhaan dahil nakahood siya at nakasalamin pa. Hindi ko akalaing makikita ko na naman yung ignoranteng lasing na gumulo sa medical mission sa Yokohama. Ano nga ulit pangalan niya? Lelouch? Lepoch? Lolech?

Time Waits For No OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon