Ikapitong Yugto: Last Words

34 5 0
                                    

NAGMADALI kaming pumunta sa office ni Capt. Sillivan at nagulat ako dahil lahat ng higher rank sa coast guard ay naririto.

"I will make this quick. No one didn't expect that the thunderstorm will strike in this place. The weather forecaster assured me that there's no such weather disturbance. They even showed me the data and I witnessed it. It just happened that it turned towards to where we will arrive. We are not aware on what is happening right now. All we have to do is to be prepared and work hard for us to reach on our destination safely and for our dear passengers. May God bless us all. You may go."

Bumalik na kami sa clinic at walang nagsasalita ni sinuman. Ramdam kong nagpapanic sila dahil sa nangyayari at sa pwede pang mangyari. Lalong lumakas ang pag-uga ng barko na lalong nagpadagdag sa kaba ko. Patuloy din ang malakas na kidlat at kulog. Para mawala ang kaba ko ay nagsalita ako.

"We can do this Doctor and Nurses. Be strong, have faith and do our job for the safety of our patients."

"Yes Doc." Sagot naman nila.

Ang lahat ay nagsikilos na sa kani-kanilang mga ginagawa. Naalala ko bigla ang pamilya ko. Ayokong mag-isip ng negative kaya itinuon ko na lang ang sarili ko sa panonood ng operating videos habang inaaral ito.

Lumabas muna ako para bumili ng pagkain dahil malalim na rin ang gabi. Pagkatapos kumain ay naglakad na ako pabalik sa clinic. May kasalubong akong basang-basa at tumatakbo. Mukhang papunta siya sa clinic kaya ako na ang lumapit sa kaniya.

"Doc. Tulungan mo yung kasamahan ko. Malala ang lagay niya, doc." Nagmamakaawa niyang sabi. Sa tingin ko'y seaman recruit siya at galing siya sa  pinakataas na deck dahil basa siya ng ulan.

Kaagad kong tinawagan ang rescuer pati na sina Maria at Lucas para sumama sa akin. Nang makarating kami sa pinangyarihan ng aksidente ay napaawa ako sa lagay ng lalaki. Naipit ang kamay niya sa saraduhan  papuntang lower deck. Emergency exit din ito para sa mga nasa pinakaibabang bahagi ng barko. Dahil siguro sa malakas na hangin kaya biglang itong sumarado. Sa lakas ng impact ay malapit nang humiwalay ang kamay niya sa kaniyang pulso. Marahil ay naputol na ang ilang mga ugat nito at nagkaroon ng severe fracture ang buto nito.

"Nimfa, ano nang gagawin natin?" Natatarantang tanong ni Maria.

Umalis ako sandali at naghanap ng kailangan sa kaniya at agad na bumalik.

"A-anong gagawin mo dyan doc?!" Natatakot na sigaw ni Lucas.

Pati ang mga rescuers ay nagulat sa dala-dala ko. Pinigilan ako ng kasamahan ng naaksidente pero ito lang ang tanging paraan.

"Ano ba?! Papatayin mo ba sya ha? Anong gagawin mo dyan?!" Sigaw niya sa'kin at kinuwelyuhan ako. Tinanggal ko ang kamay niya sa kuwelyo ko at dali-daling lumapit sa lalaking naaksidente. Binuhusan ko ng disinfectant ang buong kamay niya hanggang sa ibabang braso dahilan para makawala ang isang malakas na sigaw mula sa sakit ang naaksidente.

"Nasisiraan ka na ba Nimfa?" Ani ni Maria pero hindi ko siya pinansin.

"D-doc. Ano pong gagawin nyo?" Tanong ng isa sa mga rescuers pero imbis na sagutin siya ay kinuha ko ang makapal na tela na nasa loob ng dala niyang kit, gumawa ng knot at inilagay ko ito sa bibig ng naaksidente para ipakagat. Walang anupama'y dinisinfect ang hawak ko at mabilis kong itinaga ang palakol sa kaniyang pulso at nagpakawala na naman ng isang sigaw ang lalaki at nahimatay ito.

Dinala siya sa stretcher at ang kamay naman niya ay ipinalagay ko sa maliit na cooler at pinalagyan ko ng maraming yelo para hindi macontaminate ang kamay niya at mapreserve ng ilang oras.

Tinanong ko si Ash kung nakapag-assist na siya ng orthopedic surgeon pero umiling lang siya.

"Ooperahan mo ba siya? Bakit hindi mo na lang siya irefer sa hospital kung saan may orthopedic surgeon?" Tanong ni Ash.

Time Waits For No OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon