NAALIMPUNGATAN ako dahil may kung anong malamig na bagay ang dumadampi sa pisngi ko. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at napasigaw ako sa nakita ko. Maputi ang balat niya at may katamtamang pangangatawan. Malalim ang mata niya at matangos ang kaniyang ilong. Perfect definition sa kaniya ang isang mannequin na nakadisplay sa mga mall.
"Sensing 50 percent distress, 20 percent anger, 19 percent confused, and 11 percent frightened." Biglang sambit ng mannequin.
"A-anong ginagawa mo?" Takang tanong ko sa kaniya at mabilis na hinila ang comforter para matakpan ang buong katawan ko. Tiningnan ko ang damit ko at hindi na ito yung suot ko kaninang hospital gown. Nakasuot na ako ngayon ng white oversized shirt at shorts.
"Language selected: Tagalog. Anong maipaglilingkod ko sa inyo, binibini?" Kinuha pa niya ang kamay ko at akmang hahalikan 'yon kaya nagkusa na ang kamay ko na sampalin siya. Nasaktan naman ang kamay ko sa pagkakasampal sa kaniya. Ang tigas ng mukha nito!
"Y-you! P-p-pervert Mannequin! Nasan na ang damit ko?" Mas lalo ko pang tinakpan ng comforter ang katawan ko. Paanong naiba ang damit ko? Unless pinalitan nitong lalaking 'to ang suot ko. Nasan na yung damit ko kanina?
"Language selected: English. Language selected: Tagalog."
Napahawak ako sa sentido ko dahil sumasakit na naman ang ulo ko.
Nagulat ako nang biglang sumulpot si Jarvis sa harapan ko.
'Ano ba?! Hindi ba pwedeng makamove on muna ako sa pagkakagulat?'
"Bakit sumigaw ka Nimfa? Is there any problem?"
Nagpalit-palit lang ako ng tingin kay Jarvis at sa lalaking mannequin. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Dadag pa ang sakit ng ulo ko na hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala. Mukhang natunugan naman ni Jarvis kung ano'ng ibig kong mangyari kaya pinakilala niya ang lalaking mannequin sa harap ko.
"Si Raven nga pala, Ms. Fuertes. He's a robot and the butler of this house. He doesn't have emotions and feelings. I saw you laying in pain then you suddenly lost your consciousness so I called Raven for help. Sorry if you feel uncomfortable." Nakonsensya naman ako dahil sa sinabi ni Jarvis. Napatingin ako kay Raven at nahagip ng mata ko ang hospital gown na suot ko kanina. Maayos itong nakasabit sa clothes rack. Malinis na ito na parang hindi nabahiran ng dugo kanina. Nakatiklop naman ang scrub suit sa bedside table.
"Pasensya na Jarvis. Nagulat lang ako dahil akala ko ay kung ano na ang ginagawa niya sa'kin. Pasensya rin Raven." Nahihiya kong saad.
"Ayos lamang iyon binibini. Aking ikinalulugod ang paglilingkod ko sa'yo." Tumungo si Raven na parang sinaunang tao.
"Raven, thanks for helping us. I'll call you if we need anything." Saad ni Jarvis.
"You're welcome, Jarvis." Nagbow ito at umalis na sa kwarto.
Hindi ko akalaing robot pala si Raven. Hindi halatang robot ito dahil sobrang pulido ng pagkakagawa sa kaniya. Medyo nakaramdam naman ako ng kilabot sa katotohanang hindi tao ang mga nakakasalamuha ko. Hindi ko alam kung saan pumunta si Chris at hindi ko rin alam kung nakauwi na ba siya. Siya lang sa ngayon ang pwede kong pagkatiwalaan sa lugar na 'to pero kailangan ko pa ring maging maingat. Nagulat ako nang biglang magsalita si Jarvis.
"Pauwi na raw si Chris. Bumaba ka na para makakain ka na. Baka gutom ka na kaya sumasakit ang ulo mo."
Habang pababa kami ni Jarvis ng hagdan ay hindi ko mapigilang mamangha sa kakaibang ganda ng bahay ni Chris. Gawa sa salamin ang hagdan kaya naman kitang-kita ko ang mga gamit sa ibaba. Para akong naglalakad sa hangin at nakalutang. Napailing at napangiti ako sa naisip kong ideya.
BINABASA MO ANG
Time Waits For No One
FantasíaMeet Nimfa Fuertes. Isang dalubhasang duktor na nadestino sa isang exclusive cruise ship na siya ring magiging daan para muling magtagpo si Nimfa at ang kaniyang dating sinisinta na si Alfonso Rosales. Nais niyang makalimot sa nangyari sa kanila ni...