HINDI pa rin nawawala sa isip ko ang nangyari kanina sa basement. Habang naglalakad ako patungo sa kama ay namataan ko ang papel na nakapatong sa bed side table. Naghanap ako ng pandikit sa mga cabinet na naririto sa kwarto upang mapagkabit-kabit ko ito at hindi mawala ang mga piraso ng papel. Isa ito sa mahahalagang bagay upang malaman ko kung sino ba talaga ako. Naalala ko ang relo na nakita ko kagabi. Nakalimutan ko na tuloy itanong kay Chris kung sa kaniya ba ito dahil nga sa nangyari kanina.
Pumasok ako ng banyo at itinubog ko ang katawan ko sa maligamgam na tubig sa bath tub na gawa sa mamahaling marmol. Hinayaan kong mabasa ang nakalugay kong mahabang buhok at hindi na rin nag-abalang balutan ito ng towel o talian ito. Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng banyo. Mapagkakamalan kong nasa mamahaling hotel ako dahil sa mga gamit na nakapalibot sa banyo. Napakayaman siguro ni Chris. Ano kaya ang trabaho niya? Nakaramdam naman ako bigla ng lungkot nang maisip ko si Chris. Isinandal ko ang ulo ko sa bath tub at ipinikit ang mga mata upang pagaanin ang loob at i-relax ang sarili. Ilang minuto lang ang nakalipas ay nakaramdam ako ng pagkaantok.
Naalimpungatan ako nang makarinig ako ng malakas na pagkatok sa pinto ng kwarto ko. Nagmadali akong tumayo sa bath tub at nagsuot ng bath robe. Muntikan pa akong madulas sa sahig kapagmamadali. Patakbo kong tinungo ang pinto at binuksan iyon.
Nanlaki ang mata naming dalawa ni Chris nang magtama ang aming mga mata. Nagulat ako dahil hindi ko inaasahang siya ang bubungad pagbukas ko ng pinto. Nagulat din siguro si Chris sa biglaang pagbukas ko ng pinto. Kaagad namang iniiwas ang tingin niya sa akin at kumamot sa ulo.
"C-could you at least w-wear your clothes first? Pagkatapos mo ay bumaba ka na para kumain ng breakfast." Nauutal na sabi ni Chris tsaka ito naglakad ng mabilis palayo.
'Wear your clothes? Excuse me? I'm wearing my clo---'
Napatingin ako sa sarili ko at tanging manipis na bath robe lang ang suot ko at nakalimutan ko pang itali ang belt nito. Kaagad ko namang tinakpan ang katawan ko at pabalibag na sinara ang pinto dahil sa kahihiyan.
Nagbihis na ako at humarap sa salamin. Hindi ko alam kung may mukha pa akong ihaharap mamaya kay Chris. Eh bakit kasi siya ang pa ang pumunta rito para tawagin ako kung puwede naman niyang iutos kay Raven. Sinampal-sampal ko ang pisngi ko. Bakit ba ang init ng pakiramdam ko.
Hindi pa ako nahihimasmasan sa kahihiyan kanina nang may kumatok na naman sa pinto.
'Ang kulit naman ni Chris. Kumain na siya kung gusto niya. Huwag na niya akong hintayin'
Nakaramdam na ako ng pagkairita dahil hindi tumitigil ang pagkatok sa pinto. Lumapit na ako rito at binuksan.
"Ms. Fuertes. Are you alright?" Gulat na sabi ni Raven nang makita niya ang hitsura ko. Akala ko si Chris pa rin ang kumakatok. Umiling ako sa kaniya at ngumiti.
"I'm totally fine, Raven."
"Please head down for breakfast, Ms. Fuertes."
"Alright. Just a minute."
Tumango si Raven at naglakad na paalis. Sinara ko naman ang pinto at huminga nang malalim. Lumapit muli ako sa salamin upang tingnan ang sarili ko. Nakasuot ako ng pastel pink na sleeveless at white shorts. Suot ko rin ang fluffy slippers na nakita ko sa cabinet. Itinali ko ang buhok ko. Dapat nga magpasalamat pa ako kay Chris dahil pinatira niya ako rito at pinakain. Kung hindi dahil sa kaniya, baka palaboy-laboy na ako sa daan. Hindi ako dapat maghinanakit at magalit sa kaniya.
Lumabas na ako ng kwarto at bumaba ng hagdan. Pumunta ako sa dining room at nakita kong nakatayo roon si Raven pero wala si Chris. Napaatras naman ako nang biglang bumungad sa harap ko si Jarvis.
BINABASA MO ANG
Time Waits For No One
FantasyMeet Nimfa Fuertes. Isang dalubhasang duktor na nadestino sa isang exclusive cruise ship na siya ring magiging daan para muling magtagpo si Nimfa at ang kaniyang dating sinisinta na si Alfonso Rosales. Nais niyang makalimot sa nangyari sa kanila ni...