Ikalabindalawang Yugto: Dé jà vu

27 4 0
                                    

BIGLANG nawala sa harap ko si Jarvis. Naalala ko noong kasama ko siyang bumaba ng hagdan at bigla na lang siyang nawala sa tabi ko dahil sinalubong niya si Chris.

Kaagad akong lumabas ng kwarto at tama nga ako. Kararating lang ni Chris. Tumingin siya sa gawi ko kaya naman tumalikod ako at pumasok muli sa kwarto. Masama pa rin ang loob ko sa kaniya. Isa pa, nahihiya rin ako noong makita niya akong nakabath robe lang. Uminit ang pakiramdam ko nang maalala ko na naman ang pangyayaring iyon.

Mabalik sa sinabi ni Jarvis, ang sabi niya, makatutulong ang photograph or music. Wala naman akong kagamit-gamit nang mapunta ako rito maliban sa damit ko. Yung papel! Tama! Posibleng makatulong ang papel na pinagdikit-dikit ko. Kinuha ko ito sa sulong ng bed side table. May nakita rin akong dilaw na kwaderno kaya kinuha ko na rin ito. Kailangan kong isulat ang mga nangyari sa akin magmula nang mapunta ako sa panahong ito. Siguro sa paraang iyon, mas mapadali ang pagbalik ng mga alaala ko.

Sinimulan ko nang isulat lahat magmula nang makita ko ang nagliliparang kotse hanggang sa nakausap ko ang babaeng robot pati na rin ang paghila sa akin ni Chris patungo sa bahay niya. Nilagay ko lahat kahit ang pinakamaliit na detalye. Ultimo ang pagtawa ni Chris ay inilagay ko.

Naalimpungatan ako dahil nananakit na ang aking mga braso dahil sa pagkakaipit sa noo ko. Hindi ko na rin namalayan ang oras. Nakatulog pala ako matapos magsulat sa talaarawan ko. Inipit ko ang papel sa pagitan ng mga pahina ng taalarawan at itinago ko ito sa sulong ng bed side table. Nag-inat-inat ako dahil nangalay ako sa pagkakaidlip ko kanina. Bahagyang napanganga ako nang makita ang oras. Limang oras akong natutulog kanina? Napatingin ako sa tiyan ko nang kumulo ito.

Nakapagtataka dahil hindi man lang ako ginising ni Raven para kumain. Lumapit ako sa pinto para buksan ito. Kaya naman pala, nakalock pala ang pinto kaya siguro hindi na nag-abala pang gisingin ako ni Raven. Pagbukas ko ng pinto ay may pagkaing nakalagay sa rolling tray. May note pang nakalagay sa tabi nito. Kinuha ko ito at binasa.

'I apologize for what I did earlier. Hindi ko sinasadyang masigawan ka kanina. Pumunta ka sa garden 'pag tapos ka nang kumain.' -Chris

Hindi ko namalayang nakangiti na pala ako. Teka. Bakit ako nakangiti? Dapat lang na humingi siya ng paumanhin dahil nasaktan ako kanina. Inamoy ko ang mainit-init pa na soup na hindi ko alam kung anong tawag. Mukhang masarap 'to. Tumikim ako at nakuyumos ang mukha ko nang mapaso ang dila ko.

Naisip ko tuloy kung si Chris ba ang nagluto nito para sa akin. Napatawa naman ako sa palagay kong iyon. Lumawak ang ngiti ko nang malasahan ko ang pagkain. Ngayon lamang ako nakatikim nitong napakasarap na soup. Ano ba ang tawag dito?

Matapos kong kumain ay lumabas na ako ng kwarto.

'Yung relo nga pala! Kailangan kong itanong kay Chris ang tungkol doon.'

Muli akong pumasok ng kwarto at kinuha ang relo sa cabinet. Sinuot ko ito at lumabas na ng kwarto para bumaba papuntang garden na sinasabi ni Chris.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Bakit kaya ako pinapapunta ni Chris dito? Kinakabahan ako na baka pagalitan niya ako pero humingi na siya ng paumanhin sa akin.

Nakita ko siyang nasa dulo ng hardin habang seryosong nagpipinta. Lumapit ako sa kaniya subalit parang hindi niya ramdam ang presensya ko. May talsik ng pintura ang kaniyang puting polo at nabahiran din ang kaniyang buhok. Napatawa naman ako sa hitsura niya dahil kunot-noo siyang nagpipinta at bahagya pang iniliit ang kaniyang mga mata para mas lubos na matutukan ang detalyeng ipinipinta.

Napatingin siya sa akin dahilan para mawala ang ngiti ko.

"Pasensya na Chris. Naabala yata kita. Aalis na lang a---"

Time Waits For No OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon