22: Secretary Slave

16 2 0
                                    

HINDI naging mahirap sa akin ang pagiging sekretarya ni Dr. Cy sa kabila ng pagiging baguhan ko sa trabahong ito at lalong-lalo na sa paligid ko. Magaan ding kasama si Dr. Cy kung kaya't wala namang naging problema. Memoryado ko na rin ang bawat sulok ng hospital at alam ko na rin kung saan ang kumpanya ng RRO.

"I would like to talk to you about a serious matter," saad ni Dr. Cy matapos niyang permahan ang mga papeles na nakalagay sa desk niya.

"What's the matter? Masyado ka namang seryoso," sambit ko at tumawa pa nang bahagya para pagaanin ang tensyong namumuo sa sasabihin niya. Sa tono pa lamang ng boses niya ay ramdam ko nang hindi maganda ang kaniyang sasabihin.

"You have to quit," seryoso at malalim niyang sabi.

"A-ano'ng sinabi mo, Dr. Cy?" Muntikan na akong masamid sa sarili kong laway dahil sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin?

*sigh* "Dr. Al wants me to fire you as soon as possible."

"Ah, so si Alfonso na naman pala ang nagpapakana ng---Wait! Si Alfonso ang nagsabi? But why? Anong karapatan niya?"

"I'm so sorry, Nimfa, but I don't have a choice."

"Could you explain to me what really happened?"

"He told me to fire you or else he will file a withdrawal notice for my research team to be removed as one of the representatives of the World Research Organization. Malaki ang nacontribute ng pamilya niya upang maging kasama ang Gwauno Research Team sa WRO."

"How dare he threatened you."

"I haven't told Chris any of this. I don't want him to worry that much."

"Don't worry, I got this. Excuse me but I have to go."

"Wait," hinawakan niya ako sa braso upang pigilang umalis. "Don't put yourself into trouble," dagdag niya. Ngumiti lang ako at umalis na sa ospital.

Hindi ko alam kung anong uunahin kong gawin. Kailangan kong ipaalam ang nangyari kay Chris pero baka hindi ko maituloy ang binabalak ko dahil paniguradong hahadlangan ako ni Chris.

Kahit walang kaplano-plano ay pumunta ako sa Rozarez Research Org. Hindi ko namalayang nasa harap na pala ako ng kumpanya ng mga Rosales. Basta ang nasa isip ko lang ngayon ay ang kausapin si Alfonso tungkol sa pagpapatanggal niya sa akin bilang pansamantalang sekretarya ni Dr. Cy at ang pagbabanta niya.

Tamang-tama naman ang pagpunta ko dahil papasok pa lang ang kampon ni Alfonso--- ang RRO. Naiinis pa rin ako dahil hindi niya ako sinipot kahapon.

"Mr. Alfonso Rosales!" Sigaw ko, sobra pa para marinig ng kampon ng kadiliman---este ni Alfonso, dahilan para magtinginan ang mga tao sa akin. Dagli namang lumapit ang isa sa member ng RRO. Sino pa ba? Edi ang kingky-haired na umeksena noon sa conference room.

"Why the hell are you here?" O di'ba, bungad pa lang niya, nakaiirita na. Pero hindi siya ang kailangan kong makausap kaya tinabig ko lang siya at dire-diretsong naglakad hanggang sa makaharap ko si Alfonso.

"Now that you're here, I guess you already know it," sambit ni Alfonso at ngumisi pa sa harap ko upang mas lalo pa akong maasar.

"How dare you!" Sa pagkairita at pagkagalit ay hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at kinuwelyuhan ko si Alfonso. Nang dahil do'n ay lumapit ang mga kasamahan research team niya ngunit sumenyas si Alfonso kung kaya't hindi na sila nangialam pa.

"Why don't you calm down for a while?" Nakangiti pa ring sabi ni Alfonso. Hindi lang ngiti iyon kundi isang mapang-asar na ngiti.

"Kumalma? Sa ginawa mo, sa tingin mo makakakalma pa ako?" Mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakahawak ko sa kuwelyo niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 31, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Time Waits For No OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon