"A-ALFONSO?" Halos lumuwa na ang mga mata ko sa gulat nang makita kong si Alfonso ang nasa harapan ko ngayon.
Nanlalambot ang mga tuhod ko. Hindi ako nagkakamali. Siyang-siya nga ang nasa harapan ko.
"Who are you? How did you know my real name?" Kunot noong tanong niya na may halong pagtataka at galit.
"P-papaanong buhay ka?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napaluha na ako sa harapan niya. Walang anu-ano'y hinawakan ko siya sa braso at balikat niya na animo'y sinusuri kung totoo nga siya o hallucination ko lamang.
"What the hell are you blabbering about?!" Bahagyang lumakas ang boses ni Alfonso sa pagkakasabi niyang iyon at itinaboy ang kamay ko sa braso niya na parang isa akong nakadidiring bagay.
"It can't be." Bulong ko habang hindi pa rin makapaniwala sa nangyayari. Sinampal-sampal ko pa ang sarili ko sa pag-aakalang nananaginip lamang ako. Hindi ko na inisip pa kung magmukha man akong timang sa harapan niya.
"I am asking you who the hell are you and how did you know my name!" Bulyaw sa akin ni Alfonso at agresibong hinigit ang collar ng coat ko palapit sa kaniya. Nagulat ako sa ginawa niya at natitigan ko ang mga mata niya.
"A-ako 'to, si Nimfa. Hindi mo ba naaalala?" Kabado kong sagot sa kaniya habang hindi pa rin kumakawala sa pagtingin ko sa mga mata niya. Hindi ko maipaliwanag ngunit iba ang mga mata niya. Wala itong kabuhay-buhay at hindi ito ang mga mata ng isang Alfonso Rosales na kilala ko.
"I don't know you." Walang ganang sagot niya at pinakawalan niya ako dahilan para mapasalampak ako sa sahig.
"T-teka. Sandali lang." Kaagad akong tumayo at hinawakan ang braso niya para pigilan siya.
"What a waste of time," sambit niya at inagaw niya ang braso niya mula sa pagkakahawak ko. Dali-dali siyang naglakad papalayo sa akin upang pumasok sa conference room.
Hindi maaari. Kailangan ko siyang makausap. Kaagad akong tumakbo papunta sa conference room ngunit tumigil ako sa labas ng pinto nang maalala kong hindi ako dapat gumawa ng eksena nang hindi pinag-iisipan. Kailangan kong maging maingat para sa kaligtasan naming dalawa ni Chris.
Napansin ko naman na hindi nailapat ni Alfonso ang pinto kung kaya't nagkaroon pa ako ng pagkakataong masilayan siya.
Bumilis ang tibok ng puso ko nang tumingin siya sa gawi ko. Nagmadali akong umalis at nagtungo sa office ni Dr. Cy habang gulong-gulo pa rin ang isip ko.
Hindi ko na naintindihan kung anong pinag-usapan sa meeting dahil sa insidenteng nangyari kanina. Hindi ako makapagfocus at binabagapag pa rin ang isip ko. Naisipan kong tawagan si Chris upang ipaalam ang nangyari kanina.
(On the phone)
"Why? Is there any problem?"
"I met Alfonso."
"What?! Seriously? Are you sure?"
"I surely did. I can't be mistaken. Si Alfonso ang nakaharap ko kanina."
"Alright. Continue listening to the meeting and I'll be right there."
~
Pinilit ko ang sarili kong makinig at intindihin ang pinag-uusapan sa meeting ng RRO at GRT.
Tama ang hinala ko. Pinag-uusapan nila ang time machine. Rinig kong nagsasalita si Alfonso at Dr. Cy.
"We have no time, Dr. Cy. We need to find that microchip so that we can operate the time machine."
"What microchip are you talking about? Is there no other way to operate that time machine?"
"If only that bastard Dylan didn't install a self-destruction mode then perhaps we can operate it successfully. This is all because of Dylan and that bastard Chris."
BINABASA MO ANG
Time Waits For No One
FantasyMeet Nimfa Fuertes. Isang dalubhasang duktor na nadestino sa isang exclusive cruise ship na siya ring magiging daan para muling magtagpo si Nimfa at ang kaniyang dating sinisinta na si Alfonso Rosales. Nais niyang makalimot sa nangyari sa kanila ni...