Ikalabintatlong Yugto: Spilled Secret

27 4 0
                                    

MENOS kinse na lang bago mag-alas diyes ng gabi. Tumayo na ako mula sa pagkakahiga ko at pumunta sa wardrobe para magbihis. Sinuot ko ang black sando at pinatungan ng black leather jacket. Tinernuhan ko ito ng black fitted jeans. Itinali ko ang buhok ko at sinuot ang black cap. Tumingin ako sa salamin.

"Perfect." Usal ko habang nakangiti nang makita ang hitsura ko. Napatingin ako sa paa ko. Suot ko ang fluffy pink slippers. "Uh, almost."

Kanina ko pa sinisilip mula sa pintuan kung lights off na. Pumunta muli ako sa pinto upang buksan ito ngunit natigilan ako nang marinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto sa labas, marahil ay pinto ng kwarto ni Chris.

Plano kong sundan ang mga ginagawa ni Chris. Sa pagkakatanda ko, nang madulas si Raven sa pagsasalita ay may binanggit siya tungkol sa pagiging pinakamahalagang ebidensya ko sa kaso na tinatrabaho ni Chris. Pero ebidensya saan? At anong kaso?

Hindi ko maaaring tanungin lang nang basta-basta si Jarvis at Raven tungkol kay Chris dahil siguradong hindi nila ako sasagutin at lalong hindi ako makakakuha ng impormasyon dahil nirereview ni Chris ang data nina Jarvis at Raven.

Nang mawala na ang yabag ng paa ay binuksan ko nang kaunti ang pinto na sapat lang para masilip ko kung nakalayo na si Chris.

Lumabas na ako nang tuluyan nang makita kong pababa ng hagdan si Chris. Nakasuot ng navy blue na sweater at gray pants si Chris. Nakalagay ang dalawa niyang kamay sa bulsa ng pants niya. Patay na ang mga ilaw maliban sa dim light na nasa may salas. Pumunta ako sa pinto ng kwarto niya at pinihit ang doorknob upang buksan sana pero nakalock ito. Wala na akong nagawa kundi ang sundan siya nang palihim.

Nakasunod lang ako sa likod niya habang patungo siya sa garden. Binuksan niya ang basement.

'Ano naman kaya ang gagawin niya sa basement ng dis-oras ng gabi?'

Hinintay ko muna siyang makapasok. Nang mawala na siya sa paningin ko ay patakbo akong naglakad ngunit maingat pa rin na huwag makakagawa ng ingay.

*PLOK*

Natisod ako sa nakaharang na bato at sumemplang ang mukha ko sa madamong sahig.

'Hampas lupa 'tong bato na 'to. Ipapahamak pa ako.'

Dahil sa inis ko ay sinipa ko nang napakalakas ang bato. Sumakit pa ang hinlalaki ko sa pagkakasipa kong iyon dahil nakatsinelas lamang ako.

'Bwiset talaga! Nakakainis!'

Bumaba na ako sa basement at sinundan ulit si Chris pero wala akong makitang bakas niya sa kabuuan ng basement. Nasa dulo na ako ngayon ng pasilyo pero hindi si Chris ang nakita ko kundi ang obrang nakita ko noon. Ang painting ng barko.

Hindi masyadong maayos ang pagkakasabit ng painting kaya inayos ko ito. Napabitaw ako sa pagkakahawak sa frame ng painting nang biglang bumukas ang sulok ng pader na pinagsasabitan nito na animo'y naging isang pinto. Umatras ako sa pag-aakalang baka nakasira ako ng gamit ngunit pumasok din sa isip ko na baka dito dumaan si Chris kaya siya biglang nawala sa basement. Imposible namang maglaho siya ng ganun-ganun na lang.

Nilakasan ko ang loob ko at pumasok doon. Bumungad sa akin ang madilim at masikip na daan. Wala akong makita kaya kumapa-kapa na lang ako sa pader. Nakaramdam ako ng takot dahil sa sobrang dilim ngunit nag-uumapaw ang kuryosidad ko kaya nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Malayo-layo na rin ang nalalakad ko pero wala pa akong nakikitang liwanag.

'Saan ba papunta 'tong daan na 'to?'

'Hindi kaya, dead end ito?'

'Baka hindi na ako makabalik at makulong na ako rito hanggang sa mamatay ako!'

Time Waits For No OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon